follow us on twitter . like us on facebook . follow us on instagram . subscribe to our youtube channel . announcements on telegram channel . ask urgent question ONLY . Subscribe to our reddit . Altcoins Talks Shop Shop


This is an Ad. Advertised sites are not endorsement by our Forum. They may be unsafe, untrustworthy, or illegal in your jurisdiction. Advertise Here

Author Topic: Pinoy horror stories  (Read 967 times)

Offline Crypto

  • Plagiarism strike
  • Full Member
  • *
  • Activity: 286
  • points:
    701
  • Karma: -16
  • Citowise-Developing Crypotpayment Infrastructure
  • Trade Count: (0)
  • Referrals: 1
  • Last Active: February 28, 2019, 03:25:22 PM
    • View Profile

  • Total Badges: 17
    Badges: (View All)
    10 Posts First Post Fifth year Anniversary
Pinoy horror stories
« on: September 14, 2018, 07:08:31 AM »
Post nyo dito yung mga kwentong nakakatakot

Hi ako nga po pala si krista,
noon lakwatsera ako, party girl yun nga kung saan yung magandang puntahan pinupuntahan namin kahit malayo;;
di namn ako natatakot kase marami namn kami, at kasama ko namn ang boybestfriend ko si "babe😍"

isang araw nun(biyernes) napag desisyohan naming magtungo
sa isang tagong ancestral house sa isang malayong probinsya;;
although maraming sabi2x tungkol sa lugar nayun, hindi kami natakot kasi akala namin marami kaming pupunta

nasa terminal na kami ng bus ng tumawag yung mga barkada namin mauna na daw kami ng babe ko at susunod sila;;
at yun nga nauna na kami at after 2 hours na byahe nakarating na kami at exactly 5:33 pm ;
nag ikot2x kami sa ancestral place na  yun;
at mayamaya pa kumakagat na yung dilim.. nag ring ang phone babe tumawag yung mga friends namin di daw sila makakatuloy for some important reasons😣..
kaya naghanap na kami ng matutuluyan.

sa tapat ng ancestral house nayun may hotel dun para sa ginagabi nilang mga tourista,,
unang kita ko palang sa lugar parang creepy na yung feelings ko eh,, unang beses kong natakot, di ko alam parang di talaga ako comfortable eh,
tumuloy kami sa isang room (room13)2nd floor yun ng hotel,
pero habang naglalakad kami paakyat;

babe: bat parang tayo lang dalawa dito  sa lugar nato??
ako: ako nga rin kanina ko pa napaapnsin,

pero natulog kami ng maaga para makaiwas sa pag iisip tungkol sa lugar..

but at exactly 1:00 am nagising ako
or should i say may gumising sakin,,

para kasing di ako makahinga at paglingon ko sa katabi ko may nakita akong lalaki, pero hindi sya yung inaasahan kong makita
😱 kase iba yung damit nya
parang yung pang patay at marumi pa pero di sya nakaharap sakin..
grabeeee.. di ako makagalaw
nagdasal ako ng taimtim hanggang sa................

nahhh nahhh nahhh nananahh nahh🎵🎶♩ parang may kumakanta kay lamig ng boses ng babaeng kumakanta .. kaya pinilit kong gumising para sana matukoy kong nasaan sya pag gising ko nakita ko si babe tulog na tulog,,
pinakinggan ko ng mabuti ang tunog ng kumakanta at parang nasa tapat ng bintana yun nanggaling kaya buong tapang kung binuksan yun at .......

oo sa tapat nga ng bintana dahil nasa ancestral house sya......
sa bintana ng ancestral house nakita ko ang isang babaeng kumakanta na may dalng sanggol . ... ngunit hindi pangkaraniwang babae.........

dahil sa takot ko napalakas yung pag dabog ng bintana noong isarado ko kaya lumingon sya . kahit di ko maaninag ang mukha niya alam kong tinitingnan nya ako ..
bumalik ako sa kama at tumakabo..

ako: babe babe babe gising please..
pero sya nagising..

umupo ako sa kama ngunit paglingon ko sa likuran
nandon yung babae may hawak na sanggol, kasama nung lalaking nakasuot ng pangpatay...............

sumigaw ako ng sumigaw hanggang sa di kona alam ang nangyari..........

umaga na ng magising ako..

nakaalis na kami sa lugar nayun.. pero wala paring nagsasalita samin ni deysh2x(babeko)

ako:babe kumusta naman yung tulog mo??
sya: wala kabang napansin kagabi?
ako:bakit??
sya: ang pangit kasi ng panaginip ko tungkol don sa ancestrals house...😰
ako: (natatakot) ano ba yung panaginip mo?
sya: isang asawa tapos mayron silang isang anak.. pinggutan sila ng ulo at doon pa talaga mismo nangyare sa isang silid don sa ancestral house....😰😱😱😱

grabeee.. parang mamatay ako sa takoooooot noon kaya sinabe ko rin sa kanya yung nangyari sakin nung gabing iyon..

kababalaghan na kailanmay di ko inasahan..halos tatlong linggo rin akong takot na takot nun...

sariwa parin yang pangyayaring yan sa isipan ko ngayunn.... di ko makakalimutan yan
« Last Edit: September 14, 2018, 07:12:03 AM by Crypto »

░░░░░░░░░░░░░░░░░░░░▄▄▄▄▄▄
░░░░░░░░░░░░░░░░░░▄████████▄
░░░░░░░░░░░░░░░░▐████████████▌
░░░░░░░░░░░░░░░▐██████████████▌
░░░░░░░░░░░░░░░████████████████
░░░░░░░░░░░░░░░▐██████████████▌
░░░░░░░░░░░░░░░██████████████▌
░░░░░░░░░░░░░░▄████████████▀
░░░░░░░░░░░░░░██████████▀▀
░░░░░░░░░░░░░██████▀▀
░░░░░░░░░░░░██████
░░░░░░░░░▄▄██████
░░░░░▄▄▄████████░░░░░░░░░░░░░░░░░▄▄▄▄▄▄
░░░▄████████████░░░░░░░░░░░░░░░▄████████▄
▐██████████████░░░░░░░░░░░░░▐████████████▌
▐███████████████░░░░░░░░░░░░▐██████████████▌
████████████████░░░░░░░░░░░░████████████████
▐██████████████▌░░░░░░░░░░░░▐██████████████▌
▐████████████▌░░░░░░░░░░░░░░▐████████████▌
░░░▀████████▀░░░░░░░░░░░░░░░░░░▀████████▀
░░░░░▀▀▀▀▀▀░░░░░░░░░░░░░░░░░░░░░░▀▀▀▀▀▀
citowise 













Facebook  Youtube   Twitter   Medium
Telegram   Likedin    AltTalk  Github

Altcoins Talks - Cryptocurrency Forum

Pinoy horror stories
« on: September 14, 2018, 07:08:31 AM »


Offline Crypto

  • Plagiarism strike
  • Full Member
  • *
  • Activity: 286
  • points:
    701
  • Karma: -16
  • Citowise-Developing Crypotpayment Infrastructure
  • Trade Count: (0)
  • Referrals: 1
  • Last Active: February 28, 2019, 03:25:22 PM
    • View Profile

  • Total Badges: 17
    Badges: (View All)
    10 Posts First Post Fifth year Anniversary
Re: Pinoy horror stories
« Reply #1 on: September 14, 2018, 07:12:37 AM »
Babysitter ni Ikoy

Sa Fairview nakatira sina Kuya Renato at asawa nitong si Ate Lydia kasama ang limang taong gulang nilang anak na si Ikoy.

Si Ikoy ay makulit pero mabait na bata. Magalang at masunurin sa matatanda. Sadyang palatanong lang talaga kaya aakalain mong makulit.

Sabado ng hapon, tinawagan ako ni Kuya at tinanong kung pwede ba akong magbantay kay Ikoy ng isang gabi lang dahil pupunta sila sa namatayang kaibigan. Medyo may lagnat kasi ang bata kaya hindi pwedeng dalhin. Pumayag ako.

Alas otso. Pagkatapos naming maghapunan, umalis na sina Kuya at Ate Lydia.

Nanood kami ng TV ni Ikoy. Nang makaramdam na siya ng antok, binuhat ko sya at dinala sa room nya sa ikalawang palapag. Bumaba ako ulit at nanood.

Maya-maya, narinig kong umiiyak si Ikoy sa kuwarto nya. Mabilis ko siyang inakyat.

Pulang-pula na ang mga mata nito sa kaiiyak. Tinanong ko kung bakit umiiyak. Nanginginig nyang sagot ay may monster daw sa ilalim ng kama nya.

Para kumalma, sinabi ko sa kanya na hindi totoo ang monster, hindi rin totoo ang Santa Claus at mga fairies. Hindi pa rin sya natigil sa kaiiyak. Mas lalong lumakas pa ito. Pulang-pula na talaga ang mga mata nya habang nakatingin sa akin.

Sabi ko nalang sa kanya, titingnan ko yung ilalim ng kama nya para ma-sure na wala talagang monster.

Dahan-dahan akong lumuhod at sumilip sa ilalim ng kama ni Ikoy.

Halos mamatay ako sa kilabot ng makita ko si Ikoy sa ilalim ng kama. Nakatingin sa akin at sinabing “Tito, paalisin mo yung monster sa taas bed ko.”

Biglang tumigil sa pag-iyak ang batang nasa itaas ng kama. Napamura ako sa takot. Nagtaasan ang mga balahibo ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Nagkatitigan lang kami ni Ikoy sa ilalim ng kama.

Halos himatayin ako ng mga oras na iyon lalo na ng maramdaman kong gumalaw ang bata sa taas ng kama na parang bababa papunta sa pwesto ko.

Naihi na ako sa sobrang takot ng tumigil ang paggalaw ng kama. Hinimatay ako sa sobrang sindak ng may biglang yumakap sa likod ko ng sobrang higpit.

Paggising ko, nandun na si Ate at si Kuyang karga si Ikoy. Hindi na ako tumagal at nagpaalam na akong umuwi dahil sa takot.

Pagkauwi ko, nagtext si Kuya. Bakit ko daw sinabi kay Ikoy na hindi totoo si Santa Claus at mga fairies.

░░░░░░░░░░░░░░░░░░░░▄▄▄▄▄▄
░░░░░░░░░░░░░░░░░░▄████████▄
░░░░░░░░░░░░░░░░▐████████████▌
░░░░░░░░░░░░░░░▐██████████████▌
░░░░░░░░░░░░░░░████████████████
░░░░░░░░░░░░░░░▐██████████████▌
░░░░░░░░░░░░░░░██████████████▌
░░░░░░░░░░░░░░▄████████████▀
░░░░░░░░░░░░░░██████████▀▀
░░░░░░░░░░░░░██████▀▀
░░░░░░░░░░░░██████
░░░░░░░░░▄▄██████
░░░░░▄▄▄████████░░░░░░░░░░░░░░░░░▄▄▄▄▄▄
░░░▄████████████░░░░░░░░░░░░░░░▄████████▄
▐██████████████░░░░░░░░░░░░░▐████████████▌
▐███████████████░░░░░░░░░░░░▐██████████████▌
████████████████░░░░░░░░░░░░████████████████
▐██████████████▌░░░░░░░░░░░░▐██████████████▌
▐████████████▌░░░░░░░░░░░░░░▐████████████▌
░░░▀████████▀░░░░░░░░░░░░░░░░░░▀████████▀
░░░░░▀▀▀▀▀▀░░░░░░░░░░░░░░░░░░░░░░▀▀▀▀▀▀
citowise 













Facebook  Youtube   Twitter   Medium
Telegram   Likedin    AltTalk  Github

Offline Crypto

  • Plagiarism strike
  • Full Member
  • *
  • Activity: 286
  • points:
    701
  • Karma: -16
  • Citowise-Developing Crypotpayment Infrastructure
  • Trade Count: (0)
  • Referrals: 1
  • Last Active: February 28, 2019, 03:25:22 PM
    • View Profile

  • Total Badges: 17
    Badges: (View All)
    10 Posts First Post Fifth year Anniversary
Re: Pinoy horror stories
« Reply #2 on: September 14, 2018, 07:16:10 AM »
Hi im meg/male/ from valenzuela 1st time ko mag share ng nakakatakot na experience ko,

 
actualy madami na din talaga ako na experience pero saka ko na ishare,

 
(HINDI KO NA PO PAPANGALANAN YUNG RESORT)

 
by the way una kung isshare yung nasa batangas kami im not sure exact location or address because nag team bldg lang kami dun sa resort na yun and that time nag iinuman kami sa labas ng resort malapit sa pool maybe around 11 pm, not sure haha and isa sa mga ka team mate ko nag tanong sa akin my pagkain ba sila dito kasi nagugutom ako..

 
MEG - hindi ko alam eh wala naman ako nakikita pag kain dito kanina pa at walang mga tao masyado nag aasist sa atin dito pansin mo ba?

 
ROSE - oo nga eh kasi hndi naman summer kaya kunti lang tao ngaun dito.

 
MEG - kahit na costumer pa rin tayu at ang mahal ng kwarto na binigay sa atin na sira pa yung gripo hahaha

 
ROSE - oo nga e tara labas na lang tayu at dun tayu bumili..

 
MEG - cge pero panu hindi natin alam dito?

 
ROSE - tara tanong tayu ky guard

 
MEG - Cge momy rose

 
MEG - guys bili lang kami ni momy rose ng pagkain sa labas

 
NEXON - sama ako gutom na din ako bili tayu angels

 
(NEXON isa sa mga ka team ko )

 
MEG - hindi nga natin alam kung my bukas pa dito o my palengke dito... pero tara na bilis

 
 

 
habang papunta kami sa guard house nakita namin yung guard na nakatayu sa my gilid ng gate at nag tanong na si momy rose

 
ROSE - guard my bilihan bang pag kain dito wala kasing pag kain sa loob?

 
GUARD - ay mam malayo kasi palengke dito mag ttrickle pa po kayu para makapunta dun...

 
ROSE - ok lang kaysa mamatay kami sa gutom dito at wala din ako dalang sabon at shampo

 
MEG/NEXON - hahahahaha

 
GUARD - ok po mag papatawag po ako ng trickle mag raradyo lang po ako para papuntahin dito sa resort

 
ROSE/MEG/NEXON - salamat kuya......

 
 

 
mga 20 mins paparating na yung trickle na nakikita namin sa malayo kasi kitang kita yung head light nya sa daanan na madaming palayan sa mga gilid...

 
habang hihintay ko yung trickle sabi ko ky momy rose

 
MEG - momy labas lang ako wait ko lang yung trickle mukang paparating na din mag yosi lang ako

 
NEXON - ako din meg sama ako

 
MEG - tara

 
 

 
habang nasa labas kami ni nexon at nag yoyosi ung mga mata namin nakatingin dun sa my ilaw na my tunog ng trickle meju mabagal yung patakbo ng trickle kasi hndi pa sementado yung lugar ,, at halos paubos na yosi ko at nexon at malapit na sa amin yung trickle

 
MEG - MOMY ROSE ANJAN NA PO YUNG TRICKLE......

 
ROSE - ok papunta na

 
 

 
at habang hinihntay namin c momy rose

 
pumarada na sa harap namin yung trickle at habang papunta kami ni nexon sa trickle..

 
 

 
biglang my lumabas na babae dun sa sidecar na napakalaki mga 7 feet na naka pang kasal at nagulat ako kasi bigla sya lumabas at ang laki at yung itsra nya hndi ganun kaputi para putik na yung kulay pero alam mo na pang kasal yung soot nya.. at habang pinagmamasdan namin yung babaeng nakapangkasal at malaki at habang nag lalakad sya sa palayan hindi ko maiwasan matakot at iba ung pakiramdam yung nakita ko sya ibang iba na parang gusto ko umiyak lalo na sa takot pero parang feeling ko namatayan ako .... at habang nawala na sya paningin ko tingin ko c nexon na tulala din at hndi kami nakapag react agad... at bigla na lang kami tinawag ni momy rose

 
ROSE - MEG NEXON TARA NA!!!

 
sa sobrang takot ko hindi ako sumakay sa loob sidecar ganun din nexon tanging si momy rose lang sumakay na hindi nya alam kung anu nakita namin ni nexon...

 
at habang bumbyahe kami tinanong ko si kuya driver kung nakita nya ba yun nakita namin ni nexon

 
MEG - kuya nakita mo ba yung nakita namin knina sa sidecar nyo?

 
DRIVER - hindi ko sya nakita pero naramdaman ko sya kasi ang bigat ng motor ko kahit wla naman akong sakay pero alam ko na my sakay ako pag lampas ko dun sa talahiban nagtataka nga din ako bakit ang bigat pero alam ko my ibang elemento akong sakay pero hayaan nyo na lang yun madami talaga dito lalo na dun sa talahiban na nadaanan ko kasi madaming nasasalvage dun..

 
MEG - kaya pala ang bagal nyo mag maneho kanina kala ko kasi sa kalsada kaya mabagal kayu mag maneho

 
DRIVER - mabagal yung takbo ko kasi mabigat yung sidecar ko at baka din maaksidente ako kaya nag iingat ako kanina

 
MEG - ganun ba

 
NEXON - (TAHIMIK PA DIN SA SOBRANG TAKOT NA NAKITA NYA)

 
 

 
nakabili kami ng food at nakauwi ng safe naman pero ako at nexon hindi nakakain sa nangyari na yun at hindi po kami lasing kasi hndi din ako maxado uminom that time kasi wala kami pulutan hahaha at hindi lang ako nakakita pati si nexon na ka officemate ko

 
ayaw ko na din halungkatin kung sinu un at anu un kasi wala din mangyayari at wla din maniniwala mas ok cguro na exp din namin un at iba talaga yung feeling pag nakakita ka ng ganun ...

 
sorry if mejo magulo yung kwento pero i hope na magustuhan nyo

 
mag popost ulit ako ng mga na exp ko next time pag hndi busy sa work

 

░░░░░░░░░░░░░░░░░░░░▄▄▄▄▄▄
░░░░░░░░░░░░░░░░░░▄████████▄
░░░░░░░░░░░░░░░░▐████████████▌
░░░░░░░░░░░░░░░▐██████████████▌
░░░░░░░░░░░░░░░████████████████
░░░░░░░░░░░░░░░▐██████████████▌
░░░░░░░░░░░░░░░██████████████▌
░░░░░░░░░░░░░░▄████████████▀
░░░░░░░░░░░░░░██████████▀▀
░░░░░░░░░░░░░██████▀▀
░░░░░░░░░░░░██████
░░░░░░░░░▄▄██████
░░░░░▄▄▄████████░░░░░░░░░░░░░░░░░▄▄▄▄▄▄
░░░▄████████████░░░░░░░░░░░░░░░▄████████▄
▐██████████████░░░░░░░░░░░░░▐████████████▌
▐███████████████░░░░░░░░░░░░▐██████████████▌
████████████████░░░░░░░░░░░░████████████████
▐██████████████▌░░░░░░░░░░░░▐██████████████▌
▐████████████▌░░░░░░░░░░░░░░▐████████████▌
░░░▀████████▀░░░░░░░░░░░░░░░░░░▀████████▀
░░░░░▀▀▀▀▀▀░░░░░░░░░░░░░░░░░░░░░░▀▀▀▀▀▀
citowise 













Facebook  Youtube   Twitter   Medium
Telegram   Likedin    AltTalk  Github

Offline Nikko

  • Hero Member
  • *
  • Activity: 848
  • points:
    4295
  • Karma: 20
  • Trade Count: (0)
  • Referrals: 1
  • Last Active: September 23, 2023, 11:48:48 AM
    • View Profile

  • Total Badges: 22
    Badges: (View All)
    10 Posts First Post Sixth year Anniversary
Re: Pinoy horror stories
« Reply #3 on: September 14, 2018, 12:20:17 PM »
BAGONG NOBYO
Galing si Cheska sa SM Supermarket na nasa tapat lang ng apartment nila ng nobyong si Brandon. Namili siya ng mga sangkap para sa lulutuing pancit. Napagkasunduan nilang magkasintahan na doon maghapunan sa apartment nila.

Nilakad lang niya ang kalsadang pabalik ng unit. Pagbukas niya ng pintuan, nakita niyang nagsi-sepilyo si Brandon. Inilapag niya ang mga pinamili sa mesa at inilabas ito isa-isa.

“Hon, bakit nag-toothbrush ka na kaagad, dapat after nalang natin magdinner.”

Hindi naman nakasagot ang lalaki dahil abala sa pagmumumog ng tubig.

Inuutusan ng dalaga ang lalaki na hiwain ang lahat ng dapat hiwain sa mga pinamili niya pagkatapos nitong magsepilyo para makapagluto na siya.

Tinungo ni Cheska ang refrigerator para kumuha ng malamig na tubig dahil nakaramdam siya ng uhaw. Nagtaka siya ng makitang wala ang water tumbler ni Brandon na ginagamit nito tuwing magja-jogging sa loob ng compound nila tuwing hapon o takip-silim.

Hindi niya alam kung bakit bigla siyang kinabahan. Naalala niya ang kuwento ng isang kaibigan niya tungkol sa mga doppelganger. Mga nilalang daw ito na nanggagaya ng anyo ng totoong tao. At minsan, pumapatay.

Naisip niyang baka nakalimutan lang ng nobyo na ibalik sa ref ang tumbler.

Dahan-dahang nilingon niya ang lalaki. Nakatingin ito sa kanya at nakangiti na para bang may binabalak na hindi maganda habang hinihiwa ng matalim na kutsilyo ang mga gulay.

Alam ni Cheska na may mali sa anyo nito, kaya tuluyan na siya kinilabutan.

Mabilis siyang nagtungo sa kuwarto nila at kinuha ang cellphone na katabi ng mga susi nila. Kumpirmadong wala rin ang cellphone at susi ng nobyo. Senyales na lumabas nga ito. Biglang lumakas ang tibok ng kanyang puso sa takot kaya isinarado niya ang pinto.

Nanginginig na tinawagan niya ang cellphone ni Brandon ngunit walang sumasagot.

Napalundag siya sa gulat ng biglang may kumatok sa pinto ng kuwarto. Alam niya hindi ito ang tunay na nobyo kaya sinilip lang niya ito sa salaming bintana na katabi ng pintuan.

Napasigaw siya sa takot ng makita ang malignong nakatingin sa kanya at abot tenga ang ngiti.

Hindi na niya napigilang sumigaw ng malakas. Napahagulhol na rin siya dahil sa takot.

Dahil mahina ang loob, nawalan na siya ng lakas para tumayo pa. Pumunta siya sa isang sulok ng kuwarto at doon umupo habang umiiyak. Sobrang nanghihina na siya na gusto na niyang mahimatay.

Lumabo nalang ang kanyang paningin ng maramdamdan niyang may yumakap mula sa likod niya. Nakita niya sa salamin ng cabinet ang nakangiting mukha ng maligno.

“Hello Hon, sorry nagjogging ako now. Pero pabalik na ako.” Sabi ng naka-loudspeaker na cellphone.

Offline Adrian

  • Full Member
  • *
  • Activity: 143
  • points:
    366
  • Karma: 3
  • Trade Count: (0)
  • Referrals: 0
  • Last Active: June 10, 2020, 07:29:09 AM
    • View Profile

  • Total Badges: 15
    Badges: (View All)
    10 Posts First Post Fifth year Anniversary
Re: Pinoy horror stories
« Reply #4 on: October 03, 2018, 06:22:31 AM »
Curse

Writen by: Shockira

Complete story (8-26-15)

TEASER:

Kinatatakutan sa bayan ng Bulacan si Belinda Polintan. Isa siyang mambabarang at halos lahat ng tao sa paligid niya ay takot na makasalubungan ang kanyang mata dahil paniguradong ito ang susunod niyang biktima.

Isang salita lamang niya talaga namang nagkakatotoo ang kanyang mga sinasabi.

Madami na ang sumubok na talunin ang kanyang kapangyarihan ngunit nabigo ang mga ito.

Paniguradong matinding karamdaman o kamatayan ang naghihintay sa sinuman na gustong kumalaban kay Belinda Polintan.

Wala ng magawa o maisip ang taong bayan kung paano mapupuksa ang daig pa si Satanas ang pag-uugali. Walang gustong makipagkaibigan o magbiro kay Belinda dahil sadyang kamatayan ang naghihintay sa taong susubok na kumalaban dito.

"Nanay, bakit po ba takot ang mga tao kay Aling Belinda?" tanong ng 12 anyos na si Raquel.

"Ikaw bata ka manahimik ka nga na banggitin ang pangalan niya, hindi mo alam ang sinasabi mo?" galit ng sabi ng Nanay ni Raquel.

"Kaya nga po ako nagtatanong dahil nakakinis na simula bata pa ako hindi ko na naenjoy ang childhood ko, lagi na lang ninyo sinasabi na bawal. Hanggang ngayon ba naman na dalaga na ako iisa pa din ang bukangbibig ninyo!" pagmamaktol ni Racquel.

Matalinong bata si Racquel mahilig siya magexperiment at hindi siya tatahimik hanggang hindi niya nalalaman ang isang bagay o nagagawan ng solusyon. Sa medaling salita may pagkatsismosa at pakielamera ang dalaginding na si Raquel.

Inumpisahan niyang magtanong-tanong o makinig sa mga tsismosang matatanda sa karindirya ni Aling Bashang.

Hindi naman ngkamali si Racquel alam na niya kung ano ang kapangyarihang taglay ni Aling Belinda kaya naman magdamag siya ngisip ng tamang solusyon para matigil na ang kasamaan nito.

Napuyat ng gabing iyon si Racquel pero may naisip siyang solusyon ngunit ang buhay niya ang pwedeng kapalit para matapos ang kasamaan ni Aling Belinda

Habang naglalakad si Racquel  para bumili ng pandesal.

"Graveh na talaga kasamaan ng matandang mangkululam na iyon. Alam mo bang namatay kaninang madaling araw si Wilfredo dahil nung umaga daw sinigawan nito si Aling Belinda  na salot sa ating lugar." nanginginig na sabi ni Angie.

"Totoo ba yan Angie? Samantalang nakita ko pa kahapon si Wilfredo ang saya saya habang kainuman ang asawa ko. Naku po wag naman sanang isunod ang aking asawa." nagsign of the cross si Sseth. Sa takot na ang asawa nito ang isunod.

Dinig na dinig naman ni Racquel ang pag-uusap ng dalawa sa tapat ng tindahan na pagbibilhan sana niya ng pandesal. Ngunit imbis na bibili ay tinarak nito ang daan papunta sa bahay ni Aling Belinda.

"Ito na ang tamang panahon. Hindi mo pwedeng isunod ang mga inosenteng tao na walang kalaban-laban sayo!" galit na bulong sa sarili ni Racquel.

Nakita niyang papalabas ng bahay si Aling Belinda. Kaya naman madali siyang nagtago sa puno.

Maliit lamang ang bahay nito. Kaya naman napakabaho sa paligid nito...

Parang nakaramdam ng panganib si Racquel.

"My gosh, wag naman sana akong mahuli na wala akong nagagawang aksyon.Tulungan po ninyo akong maisakatuparan ang misyon ko." Taimtim na dasal niya.

Umiikot ang mata sa paligid  si Aling Belinda. Sinisigurado nito na walang tao sa paligid niya. Ngunit nakaramdam siya ng kaluskos malapit sa pinagtataguan ni Racquel.

Naglakad ito papalapit dito.

Hindi na makahinga si Racquel sa takot.

Mabuti na lang biglang lumabas ang malaking daga.

"Hayup kang daga ka!!!!! Tinakot mo pa ako ng dahil dyan. Mamatay ka!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" malakas na sigaw ni aling Belinda at talagang halos mabasag ang eardrum niya sa lakas ng sigaw niya.

Ngunit kitang-kita niya kung paano nagkikisay ang daga. Hindi nga siya nagkamali isang sabi lang nito talagang mamatay ang isusumpa nito.

Nagmamadali naming tumakbo sa likod bahay si Aling Belinda.

Kaya naman nakahinga na ng maluwag si Racquel....

Mga 5minuto ito nagtagal sa likod bahay at umalis na ng bahay papunta sa kakahuyan....

Nagmadali naming pinuntahn ni Racquel ang pinanggalingan nito.

Halos masuka-suka siya sa amoy.

"Hayup na matanda na ito pamatay sa baho ang dumi. Humanda ka sa gagawin ko."

Takip ang ilong at diring diri na dinampot nito ang mabahong dumi ni Aling Belinda.

"EEEEEEEEEEEEEEiwwww kakadiri. Mabilis na inilagay ni Racquel ang tae ni Aling Belinda sa pintuan nito. Nang madinig niya ang kaluskos ng paa ni Aling Belinda nagmadali siya magtago.

Dinig na dinig niya ang galit nito ng makarating sa bahay niya.

Nahawakan niya ang sariling tae ng buksan ang pinto niya.

"Kung sino man ang may-ari ng tae na ito. Ma-ma-tay na ngayon din." Sigaw ng malakas ni Aling Belinda sabay buhos ng malakas na ulan at isang malakas na kidlat na noon lamang nakita ni Racquel

Biglang sinilip ni Racquel ang kinaroroonan ni Aling Belinda nakita niyang nagkikikisay ito.

Kitang-kita ni Racquel na nagkikisay ito at maya-maya lang ay binawian na ng buhay.

Bigla naman nagdatingan ang taong-bayan at may pangontra ang mga ito. Isang magaling na pari mula sa kabilang baryo.Ngunit ng dinatnan ng mga tao ang kinaroroonan nito ay wala ng buhay ang matanda. Araw ng Miyerkules nila sinakatuparan ang misyon dahil alam nilang mahina ang kapangyarihan ng matanda ngunit hindi na nila nagawa pa ang ritwal.

"Wala ng buhay ang matandang ito. Tinamaan ng kidlat. Sunog ang kalahating pisngi." sigaw ng isang lalaki.

Masaya si Racquel na natapos na ang kasamaan sa kanilang lugar.

Ibinalita sa Nanay niya ang nangyari sa matanda. Ngunit nanatiling lihim sa kanya ang kanyang ginawa. Hinayaan niya na paniwalaan ng taong bayan na kidlat ang ikinamatay nito.

Niyakap niya ng mahigpit ang Nanay niya at di niya napigilan maiyak. Dahil kung ang Nanay niya ang mabibiktima ni Aling Belinda hindi niya kakayaning mawala ito.

Pinunasan ang luha.

"Ewwwwwwwwwwwwwww....ang baho." Diring diri na tumakbo sa banyo si Racquel para maligo dahil nakalimutan niya maghugas ng kamay.

"Racquel,, lintik kang bata ka. Saan mo ba inihawak ang kamay mo at pati ako dinamay mo pa. Amoy tae ako." Diring diri na sabi ng Nanay nito.

 The End.....

Offline Jun

  • Hero Member
  • *
  • Activity: 1156
  • points:
    4711
  • Karma: 1
  • Trade Count: (0)
  • Referrals: 0
  • Last Active: April 17, 2024, 05:04:06 AM
    • View Profile

  • Total Badges: 21
    Badges: (View All)
    Sixth year Anniversary 10 Posts First Post
Re: Pinoy horror stories
« Reply #5 on: October 18, 2018, 06:02:34 AM »
ako ganito ang isang driver pinara ng isang babae  na nakaitim sa bandang cemetery  kitangkita sa driver na itim ang sout niya,pero ng pagbaba niya nakita sa driver puti na ang sout niya . diba nakatatakot? kaya tinanong niya bat pumuti ana sout mo at sumagot ito binabad ko sa detergent
                 ▄▄▄▄▄▄▄▄▄                 
         ▄▄▄███████████████▄▄▄         
      ▄█████████████████████████▄       
   ▄███████████████████████████████▄   
  ▄████████████▀▀▀▀▀       ▀▀▀▀█████▄   
 ██████████▀ ▄▄▄▄▄▄▄▄▄       ▄████████ 
▐█████████████████████▀    ▄██████████▌
███████████████████▀▀    ▄█████████████
█████████████████▀    ▄████████████████
██████████████▀    ▄██████████████████▀
▐█████████▀▀   ▄▄██████████████████▀▀   
 ▀█████▀    ▄█████████████████▀▀▀   ▄   
  ▀██▀                         ▄████▀   
    ▀████████▄▄▄▄▄▄▄▄█████████████▀     
      ▀█████████████████████████▀   
         ▀▀▀███████████████▀▀▀
               ▀▀▀▀▀▀▀▀▀         
 
.zeosX.
            Borrow with or without collateral
                        ■ Luxurious and stunning quality cards
■ Superior crypto mobile wallet      ■ Investments, auction and lending
  ...WHITEPAPER....
                          ▄▄▄
                    ▄▄▄██████
              ▄▄▄█████▀▀████▌
        ▄▄▄████████▀ ▄██████
  ▄▄▄██████████▀▀  ▄███████▌
▀███████████▀   ▄██████████
   ▀▀▀███▀    ▄███████████▌
        █▌  ██████████████
        ▐█ ██████████████▌
         █████▀ ▀████████
          ██▀      ▀████▌
                      ▀▀
    ▄▄████████▄▄   
  ▄██████████████▄ 
 ███████████▀▀█████
█████▌ ▀██     ▄████
█████▌         █████
██████▄      ▄██████
 █████▀    ▄▄██████
  ▀██████████████▀ 
    ▀▀████████▀▀   
▄██████████████████▄
████████████▀▀▀▀▀███
██████████▀     ▄███
██████████   ███████
███████▌        ▐███
████████▄▄   ▄▄▄████
██████████   ███████
██████████   ███████
▀█████████   ██████▀
▄██████████████████▄
██▀▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▄▀██
██ ███████████ ██ ██
██ ████▀▄▄▄▄▀████ ██
██ ███ █▌  ▐█ ███ ██
██ ████▄▀▀▀▀▄████ ██
██ ██████████████ ██
██▄▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▀▄██
▀██████████████████▀
altcoinstalks

 

ETH & ERC20 Tokens Donations: 0x2143F7146F0AadC0F9d85ea98F23273Da0e002Ab
BNB & BEP20 Tokens Donations: 0xcbDAB774B5659cB905d4db5487F9e2057b96147F
BTC Donations: bc1qjf99wr3dz9jn9fr43q28x0r50zeyxewcq8swng
BTC Tips for Moderators: 1Pz1S3d4Aiq7QE4m3MmuoUPEvKaAYbZRoG
Powered by SMFPacks Social Login Mod