Hello, mga mod, lalong lalo na sa 17-year old na mod, ano ba ang panuntunan sa
pag-post ng quality dito sa Usapang Presyo? Ano ba ang "quality penalty" na sinasabi mo? Maari bang mag-bigay kayo ng ehemplo?
May mga kababayan na tayong nasampolan dito na kung saan binaba ang kanilang ranggo dahil sa labis na pagpopost dito sa usapang presyo, o mas kilala bilang quality penalty. Kaya sana huwag nating abusuhin
No offense, pero nakita ko ang iyong mga posts mod Unknown, wala akong nakitang matino na mga pangungusap sa wikang Pilipino. Kaya huwag mong ipag-mayabang ang mga ini-rekomenda mo na nasampolan na hindi quality ang dahil ang iyong mga post wala di sa ayos at di rin quality. Ganyan marahil ang iyong gawain sa bitcointalk silipin ang mga kapwa Pinoy at isumbong sa halip na tulungan. Di maganda ugali mo, bata...maraming napapahamak sa ganyan.
Sa aking pagkaka-alam, kapag sinabing Usapang Presyo, sa wikang Inglis "Price Talk" ang pinag-uusapan o ang tinatalakay ay PRESYO, at sapagkat 'cryptocurrency' ang mga tinatalakay natin dito kada segundo nag-iiba ang kanilang presyo. Kaya ang tanong, hindi ba maaring mag-post o sumagot sa 'thread' para ibahagi ang pag-babago ng presyo? Oo nga't maaari natin itong matunghayan sa mga 'exchanges' o 'CoinMarketCap', ano naman ang silbi ng seksyon o 'board' na ito kung sa mga 'exchanges' at 'CoinMarketCap' pa tayo pupunta?