Syempre meron pa rin namang "future" and cryptocurrency sa bansa pero aminin natin na bumaba ata ang level of interest ng mga tao these past few years at parang yung nangyaring pandemic eh di masyado nakatulong para umusbong ng malago ang crypto sa bansa. Katunayan ang Coins.ph na nag-concentrate talaga sa crypto eh di sya umabot sa kasikatan now ng Gcash na meron na ding Gcrypto but still di sya as popular as it should be. Siguro marami ang dahilan nito...isa dito ay yung takot ng marami sa mga risks sa cryptocurrency lalo na na malakas ang volatility dito. Sigurado din ako na marami sa mga Pinoy ang takot ma-scam at palagi sa balita noon ang mga scams na gumagamit ng Bitcoin as medium of payment kaya baka nagconclude ang marami na ang Bitcoin ay isang scam din (na di totoo, syempre). Sa side ng ating gobyerno, in all honestly, kulang ang enthusiasm na pinapakita ng namumumo para sa cryptocurrency kaya hanggang ngayon wala tayong special law regulating the crypto industry for good. Pereo kahit pa man ganito sa atin, may nakikita pa rin tayong pag-asa mahina nga lang ang pag-usad.