Altcoins Talks - Cryptocurrency Forum

Local => Philippines (Tagalog) => Tulong para sa baguhan => Topic started by: Kyoshiro on September 11, 2018, 02:37:46 PM

Title: Paggawa ng Quality Post
Post by: Kyoshiro on September 11, 2018, 02:37:46 PM
(https://images.all-free-download.com/images/graphiclarge/office_work_background_laptop_desk_tools_icons_decor_6838173.jpg)
Credits: AllFreeDownload

Ang paggawa ng isang mahusay na post ay nangangailangan ng pasensya at kakayahan. Upang mapanatili ang iyong mga mambabasa, kailangan nitong makakuha ng atensiyon. Tulungan mo ang iyong mga tagapagbasa na mas maintindihan ang konsepto ng iyong post ng sa gayon ay maaari nila itong mapahalagahan.

1. Iwaksi ang Pamagat at Panimulang talata.
Ayon kay James Scherers, "ang mga napapanahong pananaliksik ay nagsasabi na 80% ng mga mambabasa ay itinutuon ang kanilang paningin sa pamagat at ang naiwang 20% ay babasahin ang iba pa. Ito ang kahalagahan ng isang magandang pamagat." Ang kapana-panabik na pamagat at introduksyon ay nakapagbibigay ng kagustuhan sa iyong mambabasa na ipagpatuloy ang iyong teksto. Ito ay maituturing na mahalaga sa isang post.

2. Pumili ng iyong mambabasa.
Madalas napapansin na ang mga post ay may mga piling mambabasa. Kunin ang atensyon ng mga users na nais mong bigyan ng kaalaman.

3. Magkasimpatya sa Layunin
Kung nais mong matuto ang iyong mambabasa, gawin mong impormatibo ang iyong sanaysay. Ang layunin ay nakakapagbawas ng mga argumentong maaaring sumulpot sa iyong post. Maaari kang gumamit ng mga salitang konektado na nais mong ipahayag sa mga mambabasa.

4. Kapakipakinabang na Pahapyaw
Gawing maikli ang iyong post hangga't maaari. Ang mahahabang teksto ay maaaring makakantyaw ng mga mambabasa. Maghanap ng mga salita na kayang ipaliwanang ang iyong nais sa maikling paraan.

5. Manaliksik
Magbigay ng mga impormasyon ng may matibay at konkretong reperensiya. Makakatulong ito sa pagpapalawak ng mga ideya sa iyong teksto.

6. Maging Propesyonal.
Siguraduhing ang iyong post ang maging propesyonal hangga't maaari. Mahirap man ito sa simula, subalit mas magiging kapakipakinabang rin ito. Gumamit ng pamatayan. Bantayang ring mabuti ang gramatika at baybay.

7. Maging Palakaibigan
Maging bukas sa mga suhestiyon ng iyong mambabasa. Wag limitahan ang iyong post. Magsimula sa palakaibigan na paraan.

Subukan ang mga suhestiyon na nasa itaas :)

Para sa iba pang detalye:
https://www.searchenginepeople.com
https://www.yoast.com
https://www.huffpost.com



Title: Re: Paggawa ng Quality Post
Post by: Jhon Cover on September 14, 2018, 07:15:19 PM
Ayusa Ang pagka gawa mo paps Tama talaga na think first bago mag pahayag nang post para kung ma kuha ba talaga natin Ang mga  intention nila.
Title: Re: Paggawa ng Quality Post
Post by: arielcryp on September 21, 2018, 11:44:15 AM
Magaling ang pagkagawa mo nito kabayan.Madaling maintindihan at nagkaroon ako ng Ideas kung papaano ako magsimula mag post yung sa akin talaga,.Keep it Up.
Title: Re: Paggawa ng Quality Post
Post by: cheneah on September 21, 2018, 02:07:42 PM
Good job sa thread na ito kabayan.May guide kami paano makapg post ng maayos at quality.Upang maingganyo natin ang mga reader natin na magbasa.Ganun naman talaga kasi eh.Nice job!!
Title: Re: Paggawa ng Quality Post
Post by: Erza on September 22, 2018, 06:34:54 AM
Ayus paps salamat sa threads na ito salamat na nadagdagan naman ang aking kaalaman dito at salamat din na naruto akong paano mag gawa nag post na my quality.
Title: Re: Paggawa ng Quality Post
Post by: Jun on September 29, 2018, 05:31:35 PM
tama ka djan kailangan bagu mag post dapat tanongin natin ang ating sarili tama ba sng ginawa komay sapat ba na batayan at nasa kongkretong katibayan ang sinulat ko uang sa ganun makatulong naman tayu sa baguhan sa forum
Title: Re: Paggawa ng Quality Post
Post by: fgg57fg7 on October 03, 2018, 04:10:46 AM
Malki ang pasasalamat ko sa thread na ito mga kabayan ..ngkaroon aq ng idea at guide paano gunawa ng quality post.
Title: Re: Paggawa ng Quality Post
Post by: Vasilias on October 04, 2018, 09:04:25 AM
isa sa mga nakita kong epektibo rito sa iyong thread kabayan ay ang pagkuha ng interest ng iyong mambabasa. Gamit ang ganitong pamamaraan magagawa nitong matulongan ang isang sumusulat na mapaganda ang posting niya.
Title: Re: Paggawa ng Quality Post
Post by: alstevenson on December 01, 2018, 09:47:02 AM
isa sa mga nakita kong epektibo rito sa iyong thread kabayan ay ang pagkuha ng interest ng iyong mambabasa. Gamit ang ganitong pamamaraan magagawa nitong matulongan ang isang sumusulat na mapaganda ang posting niya.
Tama ka dyan kabayan, yun talaga ang pinakamahlaga para sa akin. Kung makukuha mo ang interes ng mambabasa para simulan nyang basahin ang iyong post.