1
Philippines (Tagalog) / Re: Magkakagera na ata Philippines vs China, anong mangyayari sa BTC dito?
« on: Today at 03:49:24 PM »Sana nga magbago pa ang isip ni BBM. Doon palang sa pag open ng mga base militar ng US sa bansa natin, libre yan. Samantalang kay Digong dati, pinagbayad niya pa. Dapat talaga pabor sa bansa at hindi pabor lang sa pansariling interes ang mga nagiging desisyon ng pangulo natin. Sabi nga ay baka pinapaboran lang ang US para makuha na nila yung mga frozen accounts nila.Yan nalang talaga tapos alyansa pa. May nakita akong balita na pumunta si Pres. Xi sa EU countries kabilang na ang France at nakipag deal siya doon bilang trade partner o basta bilang maging maganda ang samahan nila. Habang ang France naman ay sumasali dito sa bansa natin sa paglalayag sa West Phil. Sea kaya parang ang gulo gulo ng international politics. Mas mainam nalang siguro talaga na magfocus nalang ang mga politiko natin dito sa mga problema sa bansa natin.
France ay palaging sakit sa ulo ng NATO parang Turkey rin yan. hangang ngayon ata naniniwala parin si Macron na military power parin sila gaya ng panahon ni Napoleon. may delimma parin ang mga yan kung kanino talaga sila papanig. kasi wala rin naman silang tiwala sa US. at ang US rin wala ring tiwala sa kanila.
parang Germany lang din na nanghingi ng military support sa US pero hindi pinadalhan ng US ng mga higrade weapon dahil alam nila ang nakaraan ng Germany kaya duda rin ang US baka bumaliktad. nagkapraningan na ang mga yan.
alam nila pag naging super power uli ang Germany baka maging rouge na naman ito gaya ng panahon ni Hitler. sinupress din ng US ang EU. ayaw rin ng US na maging super military country ang mga bansa jan. takot din sila baka lumaban sa kanila.
Sa pagbisita ni Xijin Ping don sa EU ay parang pagmarka ng kanyang mga ka-alyansa kaya medyo nahati ang EU. yung EurAsia ay kung saan dumaraan yung trade route nila at may malaking influence ang China jan kabilang yung Hungary at iba pa.
kaya at this point talaga, dapat balansehin ng BBM kung kanino sya papanig. pero sa ngayon medyo huli na dahil marami ng gusot.