Hello, OP (coins.ph.Julze)! Pwede na malaman kung mayroong plano ang pamunuan ng coins.ph na isama sa listahan ng current coins nila ang Facebook LIBRA?
Sa aking palagay, kahit pa maraming kumukontra mayroon talagang pag-asa na mapantayan (o baka malampasan pa) ng LIBRA ang Bitcoin, yan ay kung lahat ng Facebook users, o kahit 2/3 ng FB users sa buong mundo ay susuporta sa LIBRA. Ayon sa report, mayroon 2.38 billion active users ang Facebook kada buwan. Kaya ngayon pa lang nag-iipon na ako ng pang-bili ng LIBRA coin kapag ito'y lumabas sa 1st quarter ng 2020. Kayo?