Maganda din mag diversify sa ganitong mga IPO lalo na at si G Xchange(Gcash) ito. Sa mga mahilig sa ganitong investment, para sa akin magandang opportunity din siya kung meron kang extra money. Kung all in ka sa crypto, maganda din na kapag nag profit ka ay mag expand ka sa mga ganitong IPOs para support na din sa mga local companies natin pero dapat marunong ka rin pumili. Sa IPO naman ito, maganda siya dahil kilalang kilala naman ang Gcash. Need ko pa magbasa ng maraming info dito at sana mas padaliin nila na pwede maging part thru mismong Gcash app.