Oo gaya ng ginawa nila noon ng kasagsagan ng axie sa bansa natin, featured yung kumita kaya nga mas lalong na-hype at nahumaling sa paglalaro. Pero in the end, wala pa din knowledge na provided bukod dun sa naging opportunity na kumita. Hindi nga nabanggit kung paano o anumang good side ng crypto, kasi yung axie isa lang naman sa mga malaking opportunity sa crypto yan. Kumbaga ay kulang ang impormasyon sa pagbabahagi nila ng kaalaman.
Naalala ko tuloy naging meme yung mga ininterview doon. Laging ganyan naman ginagawa ng mga shows na yan, kulang sa research at kung may mga experts silang ininterview, hindi naman literal na expert.
Yes totoo yan kabayan lalo na nung naging matunog ang bull run at ICO noong 2017 which is sobrang dame ang kumita ng mas malaki I think yung yung time na nagtrigger na marami ang sumampa or nagrab sa opportunities dito sa crypto world kaya siguro mas umangat ang adoption dito sa atin.
Oo nga kabayan pero ngayon naman ok ang crypto scene sa atin at mas visible naman na mas madaming pinoy na ang natututo paonti onti tungkol dito.
Oo alam naman natin yun na malaki ang future ng bitcoin o cryptocurrency sa bansa natin, ang problema wala namang gaanong mga government official natin ang pumapansin sa bagay na ito para mas lalo pa itong maboost.
sa ngayon kasi sariling sikap lang talaga ng mga crypto community ang tanging naniniwala at gumagawa na maipalaganap ito kahit papaano sa mga carvan pakulo nilang mga ginagawa. Lalo na yung mga dating team or group ng NEM philippines ba yun na nababasa at nakikita ko sa facebook ngayon sa team Solana na sila kasi ito yung trending ngayon.
Meron namang mga agency tulad nalang ng sa BSP na nagiissue ng mga license sa mga exchanges pero more on business attachment pa rin sila. Pero masasabi kong mas malayo na narating ng crypto community sa bansa natin kumpare sa mga ilang taong nakalipas at mas maganda ang nangyayari pero tignan natin kapag bear market ulit.