pansin ko lang naman, Yun mga ibang lahi na andito sa forum like Russians, kahit hindi Naman kagandahan Yun mga post nila, andami parin nagbibigay ng karma sa kanila. Sa tingin ko, they support each other talaga. hindi sila masyado madamot to look for a very excellent post para magbigay ng karma.
Sana Naman we should lower our standard sometimes to help each other dito sa forum. Sino ba naman Ang magtutulungan kundi tayo tayo lang...
- Madami akong nakikitang ganyan sa kabilang forum platform sa ibang mga lokal na bansa na kahit walang kwenta yung mga pinag-uusapan ay nagbabatuhan sila ng karma dun, partida pahirapan pa makakuha ng karma sa kabilang platform samantalang dito libre naman maibibigay subalit naipagkakait pang ibigay kung may sense naman yung sinasabi.
Pero hindi ko naman din nilalahat ng mga lokal na kababayan natin ay ganun mate, karamihan lang, sana nga din talaga tayong mga pinoy dito sa ating lokal ay magkaisang magkatulungan din sa isa't-isa sa simpleng bagay na tulad nito, alam naman natin kahit simpleng message lang at may sense ay huwag na nating pagkaitan ng karma.