Altcoins Talks - Cryptocurrency Forum

Local => Philippines (Tagalog) => Topic started by: arvinabeabe on September 11, 2018, 05:23:19 PM

Title: Para po sa mga expert na sa bitcoin world itong tanong na ito.
Post by: arvinabeabe on September 11, 2018, 05:23:19 PM
Pano po ba maiiwasan ang scam sa bitcoin? or iba pang mga coins na related sa CRYPTO?

marameng tanong sa isip ko na pano nga ba ito maiiwasan para sa mga baguhan na gusto matuto pumasok sa larangan ng ganitong pagaaral para kumita?
Title: Re: Para po sa mga expert na sa bitcoin world itong tanong na ito.
Post by: Nikko on September 11, 2018, 05:35:17 PM
Pano po ba maiiwasan ang scam sa bitcoin? or iba pang mga coins na related sa CRYPTO?

marameng tanong sa isip ko na pano nga ba ito maiiwasan para sa mga baguhan na gusto matuto pumasok sa larangan ng ganitong pagaaral para kumita?
Marami kasing uri ng scam sa mundo ng crypto pero kung about naman sa mga scam na ICO's Op, may mga paraan dyan para maiwasan ang ma scam, katulad ng pagbasa ng white paper ng kanilang project dapat unawain mo ang kanilang proyekto, tsaka dapat hindi anonymous yung team nila at dapat may sapat na karanasan ang team nila sa larangan ng crypto.
Title: Re: Para po sa mga expert na sa bitcoin world itong tanong na ito.
Post by: franne82 on September 12, 2018, 07:19:29 AM
Pano po ba maiiwasan ang scam sa bitcoin? or iba pang mga coins na related sa CRYPTO?

marameng tanong sa isip ko na pano nga ba ito maiiwasan para sa mga baguhan na gusto matuto pumasok sa larangan ng ganitong pagaaral para kumita?
Mas makakabuti kung umiwas ka sa mga HYIP (high-yield investment program) na tinatawag. Karamihan kasi mga yan ay scam. Magingat din sa mga bounties at airdrops na hinihingi ang iyong PK (Private Key).
Title: Re: Para po sa mga expert na sa bitcoin world itong tanong na ito.
Post by: micko09 on September 12, 2018, 09:05:18 AM
Maraming Uri ng scam na hindi mo mapapansin na scam, tulad nung isang nag comment, iwasan mo ung mga HYIP or mas kilala sa mga investment na LENDING Program, sa una lang sila maayos mag pay out pero later on maglalaho bigla at babagsak ang price ng token nila, sa mga ICO naman, mahirap i-identify kung scam ba to or hindi, isa lang key ko jan para malaman mo kung scam ang isang bounty, kung realistic ba ang roadmap or ung project ng isang ICO.
Title: Re: Para po sa mga expert na sa bitcoin world itong tanong na ito.
Post by: comer on September 13, 2018, 01:11:02 AM
Kadalasan wala talagang alam yun mga investors paano ito maiiwasan. nangangapa lang din sila sa pagbabasa ng mga dokomentong nakahain sa kanila. if you are a bounty hunters, kailangan talaga basahin mo muna yun kanilang whitepaper at pag aralan kung maka tutuhanan ba ang nakasulat dito.
Title: Re: Para po sa mga expert na sa bitcoin world itong tanong na ito.
Post by: Mr.X on September 13, 2018, 01:39:44 PM
Sa palagay ko hindi na dapat sa mga expert bitcoin world ang tanong na mga ito kasi alam na nila kung papano dahil sa tagal na nila sa bitcoin at lalong pinagdaanan na nila ang ganito kaya sang ayon ako na hindi na dapat sa kanila ito.
Title: Re: Para po sa mga expert na sa bitcoin world itong tanong na ito.
Post by: reaheart on September 13, 2018, 03:42:37 PM
Tama lahat ang kanilang mga opinion at at kasagutan karagdagan lang lahat tayo dumaan sa pagiging baguhan dito sa crypto at lahat tayo ay nangangapa sa una pero habang napaparank ka marami kang matutunan kailangan mo lang magbasa sa iyon sinasalihan na mga bounty at campaign maliban pa don magresearch din about cypto. alamin kung tutuo ang sinasalihan mo sa pamamagitan ng pagbabasa sa kanilang whitepaper. Sa ganitong uri ng trabaho common na ang mga scammers kaya ingat lang at be aware sa lahat ng pangyayari.
Title: Re: Para po sa mga expert na sa bitcoin world itong tanong na ito.
Post by: Kyoshiro on September 13, 2018, 03:43:50 PM
Mahirap iwasan ang scams sa cryptoworld lalo na kung kapani-paniwala ang kanilang proyekto subalit maaaring mabawasan ang tsansa na makapasok ka sa isang scam. Kailangan mong manaliksik. Suriin mong mabuti ang pinuno ng proyekto na iyong pinasukan. Wag agad magtitiwala sa mga proyekto bagkus ay mag-analisa sa mga maaaring maging kinabukasan nito. Tingan ang popularidad ng proyekto. Kung ito ay popular at mabilis makapang-akit, may posibilidad na ito ay scam. Madalas mong mapapansin ito sa dami ng coins o tokens na inilalaan nila. Maging maingat at mapanuri. Ito ay lubos na makakatulong sa iyo. :) Mahirap talagang makatiempo ng magandang campaign ngayon. Tiyaga at pasensya talaga ang kailangan.
Title: Re: Para po sa mga expert na sa bitcoin world itong tanong na ito.
Post by: Ozark on September 13, 2018, 05:15:49 PM
Pano po ba maiiwasan ang scam sa bitcoin? or iba pang mga coins na related sa CRYPTO?

marameng tanong sa isip ko na pano nga ba ito maiiwasan para sa mga baguhan na gusto matuto pumasok sa larangan ng ganitong pagaaral para kumita?

Kaibigan, hindi ako expert sa Bitcoin, pero kaya kong sagutin ang tanong mo. Walang SCAM sa Bitcoin at maginng sa lahat ng cryptocurrencies. Google mo lang ang gusto mong crypto, like Bitcoin, at tiyak maraming articles kang makikita.
Title: Re: Para po sa mga expert na sa bitcoin world itong tanong na ito.
Post by: Leebarnes on September 22, 2018, 09:06:02 AM
Hindi naman din ako experto dito pero subukan kung sagutin ang iyong mga katanungan nasa bawat indibidwal na ang pag-iingat pag-aralan muna ang lahat ng bagay bago gumawa ng hakbang kung sa tingin mo hindi maganda at may duda ka mabuti pang umiwas na unang-una tinitingnan ko sa project ay ang kanilang web site sinusuri ko kung gaano ito kaayos at kalinis sumunod ang mga bumubuo dito at ang mahalaga sa akin ay yung mga advisor nila kung credible ba sumunod ay yun ratings nila at partners nila maraming bagay na dapat mong i considered upang kilalanin ang isang project kung maayos.
Title: Re: Para po sa mga expert na sa bitcoin world itong tanong na ito.
Post by: MaluWang on October 04, 2018, 04:09:17 PM
Pano po ba maiiwasan ang scam sa bitcoin? or iba pang mga coins na related sa CRYPTO?

marameng tanong sa isip ko na pano nga ba ito maiiwasan para sa mga baguhan na gusto matuto pumasok sa larangan ng ganitong pagaaral para kumita?

Walang SCAM sa Bitcoin! Baka ang sinasabi ay ang mga napapa-balitang Bitcoin Scam dito sa Pilipinas? Hindi Bitcoin iyon, iyon ay isang uri ng MLM o Multi-Level Marketing na ang estilo ay Pyramid o Ponzi at ginagamit nila ang popularidad ng Bitcoin, gamit ang mga Bitcoin YouTube videos para makakuha ng mga investor. Pwede mo naman i-search sa Google ang, "Bitcoin Scam" para malaman mo. Ngayon, para malaman mo ang tunay na Bitcoin, i-Google mo ang, "Bitcoin" ang nangungunang lalabas sa Search Results, iyon ang tungkol sa bitcoin, ito siya, Bitcoin - Open source P2P money ... subukan mo para makita o makuha ang link o URL.
Title: Re: Para po sa mga expert na sa bitcoin world itong tanong na ito.
Post by: Yette on October 04, 2018, 04:21:07 PM
Di po ako expert sa bitcoin pero kahit paano may idea ako how atleast to avoid scam. If about sa tokens and coins, wag agad maniniwala sa mabilisang kita if you invest in a particular coins. As to bouty naman kung saan madalas tayo kumita better to read their project and make sure na meron silang spreadsheet to know your progress  or kung na meet mo yung requirements para magkaroon ng tokens. Na scam na rin ako sa isang ICO (bounty) after a month of following all the requirements to have some stake wala silang binayad (sa kabilang forum to nangyari sa akin hindi dito sa altcoinstalks)
Title: Re: Para po sa mga expert na sa bitcoin world itong tanong na ito.
Post by: jjeeppeerrxx on October 05, 2018, 06:01:21 AM
Doing research kabayan ay isa sa paraan upang ma iwasan ang mga scam projects or ICO's, background check mo muna ang project na gusto mong pag investsan upang mas mapaliit ang porsyento na ma e scam ka. Maraming factors na kailangan mo e consider sa tuwing pipili ka ng project na paglalagyan mo ng iyong capital.

Ang mahirap lang ngayon ay ang pagbibigay ng oras kasi di natin mabigyan ng maraming oras ang pag research sa isang project kaya karamihan sa atin ay nag de depende nalang sa mga kakilala at mga recommendation nila dun tayo napapasali kasi hindi madali magresearch nakakapagod din kaya karamihan din pinapasok ang lahat ng project pagdating sa bounty hunting para kahit papano 1 out of 100 project meron isa na legit at magbabayad.
Title: Re: Para po sa mga expert na sa bitcoin world itong tanong na ito.
Post by: Jun on October 31, 2018, 08:29:50 AM
hindi talaga natin maiwasan na ma scam tayo dahin djan na yang mga tao na greedy at mang lamang sa kapwa pero mabawasan kunti na ma scam kong tayo may alam at marunong kumilatis sa mga project dapat kilatisin natin ang at  kanilang roadmap at hindi lang yan madaming e consider natin lara malaman natin
Title: Re: Para po sa mga expert na sa bitcoin world itong tanong na ito.
Post by: mnbvcxz on October 31, 2018, 02:05:02 PM
Madali lang naman yan, tingnan  kong realistic ang kanilang layunin upang gawin ang kanilang proyekto dahil ang tunay na project ay mayroong realistic whitepaper so, kong hindi makatutuhanan ang kanilang layunin posible scam ang proyektong iyon.

Pagdating naman sa team dapat ay hayag ang kanilang pagkakakilanlan upang silbing garantiya sa anu mang maaring mangyari sa hinaharap ng kanilang proyekto.
 
Title: Re: Para po sa mga expert na sa bitcoin world itong tanong na ito.
Post by: Pheonyx on October 31, 2018, 02:43:40 PM
Mahirap kasi malaman ang scam sa panahon natin ngayon kabayan kasi Marami ng mga scammers na magagaling. Mas Maganda Kung maginvest ka sa mga may escrow nalang muna na mga project.
Title: Re: Para po sa mga expert na sa bitcoin world itong tanong na ito.
Post by: alstevenson on November 28, 2018, 03:33:29 PM
Pano po ba maiiwasan ang scam sa bitcoin? or iba pang mga coins na related sa CRYPTO?

marameng tanong sa isip ko na pano nga ba ito maiiwasan para sa mga baguhan na gusto matuto pumasok sa larangan ng ganitong pagaaral para kumita?
Unang-una wag kang magpapaloko sa mga hyip o ponzi scheme, yung tipong may mga investments dahil pwede kang kumita dito ng libre at walang nilalabas na pera.