May ilan na nagsasabing pwede lumipat sa Bybit o sa OKX dahil may P2P, pero walang information kung kasama ba sila o hindi sa mga mababan ngayong darating na katapusan ng buwan.
Sa ngayon ang pinaka-importante talaga sa akin ay yung P2P ng Binance napakadali gumawa ng mga transaksyon lalo na pag-convert ng coins into USDT then to Gcash or Paymaya or local banks. Kailangan talaga natin makahanap ng magandang alternatibo kagaya ng naibigay ni Binance. May nakita ako sa Kucoin meron din pala sila p2P at may mga Pinoy din na buyers katulad ng Binance pero di ko na na-explore masyado kaya wala pa akong masabi kung ok ba din dun. Kung wala tayo makita sigurado balik na naman tayo sa Coins,ph na alam natin na medyo di mataas masyado ang kanila service excellence kumpara sa Binance. Sa ngayon wala pa ring pahayag ang Binance sa isyung ito kaya parang malaki ang tsansa na aalis na rin siguro sila dito sa Pilipinas.
Yes, OKX, Bybit, Kucoin, yan yung mga nasubukan kong exchange na may P2P at maganda din ang rate. Kagaya sa Binance, mayroon din silang direct sa gcash, paymaya, and any other banks na available. Medyo maninibago ka lang siguro sa umpisa dahil may ilan silang pagkakaiba sa looks ng application nila.
Coins.Ph din ang balak ko kung sakali, pero kung hindi madadamay yung exchange na may P2P or sa susunod pa sila mababan, yun ang gagamitin ko for cashout. Hanggang available pa ang service, sulitin nalang ang paggamit.