Altcoins Talks - Cryptocurrency Forum

Local => Philippines (Tagalog) => Balita Cryptocurrency => Topic started by: emjay825 on August 12, 2018, 07:35:35 AM

Title: Weiss Ratings: XRP Ang Pinakamabilis sa Paglilipat ng Pondo sa mga Exchanges
Post by: emjay825 on August 12, 2018, 07:35:35 AM
Ayon sa isang tweet na nabasa ko kaninang umaga, ang Weiss (https://www.weissratings.com), isang rating agency ay naniniwala na ang Ripple's XRP ay ang pinakamabilis na cryptocurrency para sa paglipat ng mga pondo sa pagitan ng mga Exchanges.

Ang Weiss Ratings para sa kaalaman ng ating mga kababayan ay isang independyenteng rating firm para sa mga stock, mutual funds, cryptocurrencies, ETFs at institusyong pinansyal, ay nagpahayag sa pamamagitan ng isang tweet noong nakaraang linggo na naniniwala na ang Ripple's XRP ay ang pinakamabilis na cryptocurrency para sa paglilipat ng mga pondo sa pagitan ng mga Exchanges, at ang ideal na base currency para sa Binance, ang pinaka-popular na Exchanges sa buong mundo.

(https://i.imgur.com/ca9iN1v.png)

Pinagmulan: https://twitter.com/WeissRatings/status/1028023240017502213

Mga kabayan at kabarangay, naniniwala ba kayo sa pahayag na ito ng Weiss Ratings? Marahil mainam na talakayin natin ito sa pamamagitan ng inyong mga kumento sa ibaba.