1
Philippines (Tagalog) / Re: Saan aabot si Bitcoin sa susunod sa buwan?
« on: Today at 04:40:58 AM »Ang pagiging disiplinado ay hindi nakabase sa dami ng pera na meron ang isang tao. Mayaman o mahirap man maaari kang magkaroon nito, hindi kasi ito madedevelop sa isang araw lamang. Naniniwala ako na kahit sa trading applicable ito kasi walang strategy na may 100% win rate kaya upang kumita kailangang makapag-stick ka sa iyong plan. Totoo, na yung mga mayayamang tao ay parang sentimo nalang sa kanila ang kanilang ininvest kaya hindi sila masyadong apektado kapag bumaba ang presyo, pero hindi ito ibig sabihin na disiplinado sila, maaari pa ring maging greedy kung sakaling magkaroon sila ng matinding emosyon dito.Tama, kaya dapat tayong maging disiplinado upang maiwasan ang pagiging greedy. Ang pagiging disiplinado ay kailangang i-develop, hindi ito makukuha sa isang araw lang. Maaaring maiwasan mo ang greed kung ikaw ay isang disiplinadong tao. Dahil cryptocurrency ang pinag-uusapan natin, maaari tayong magbasa ng mga aklat na makakatulong sa atin na magkaroon ng matibay na pag-iisip kapag nag-iinvest o nagtititrade.
Hindi talaga natin maiwasan kabayan na magiging greedy paminsan-minsan dahil may iba't-iba tayong mga pangangailangan sa buhay. May iba dyan ng gusto na ibenta yong bitcoin nila sa ganitong presyo dahil may pagagastusan ng pera. Yong matatawag natin na disiplinado ay marahil ay may kaya yon sa buhay na wala silang paki kung magkano na presyo ng bitcoin sa ngayon dahil naka-hold lang naman sila.