1
Off topic / Re: Putin’s allies abandon him as the Russian invasion of Ukraine drags on
« on: May 30, 2024, 09:34:51 PM »Kaya nga kabayan. ang daming ganap sa mundo natin tapos puro kaguluhan pa at magkakalapit pa sa bansa natin. Tapos may sarili ding tensyon dito sa bansa natin pero parang ang nakikita ko ay makikipagkasundo nalang ang bansa natin sa China at binibigyan pa daw nila tayo ng chance. Ang pangit pakinggan di ba na parang tayo pa ang may mali pero sa mga ganitong panahon, kung ang kapakanan ng tao ang mahalaga, dapat nalang tayo magpakumbaba at makipag agreement para makapangisda nalang din ang mga mangingisda natin sa karagatan natin.Si Gaddafi ba yang tinutukoy mo kabayan? Yan lang kasi nakikilala sa mga naging presidente sa bansang Libya. Bukod dito sa gyera na nangyayari sa Russia at Ukraine, Taiwan at China. Ngayon may maugong na ginagawa ang North Korea laban sa South Korea. Nagpadala sila ng mga balloons na may lamang masangsang na amoy, waste product ng tao at iba pang mga may toxic chemicals, parang sabay sabay itong mga magkakaalyadong ito nagtitimbre ng world war.Oo nga, yan din ata yung puno't dulo kaya parang napuno na din si Putin dahil ayaw niyang malagyan sa border ng mga military equipment at vehicles sa lugar na yan. Wala na, nangyari at magtatagal pa nga siguro yang gyera naman habang sa bandang Taiwan na taas lang din ng bansa natin ay nagbabadya din pero sana naman ay huwag na matuloy, kahit na resilient tayong mga tao ay hindi na natin gusto pa magkaroon ng panibagong gyera.
Nangyari na ata to sa US dati kung saan tinulungan ng Russia yong bansang Libya at may pinadalang mga missiles yong Russia sa Libya at nagulantang yong US kaya nila pinatalsik yong presidente ng Libya kung hindi ako nagkakamali sa aking history hehe. Weather-weather lang yan kung tutuusin kasi ayaw ng mga bansang ito na malamangan.
Si Gaddafi nga yon kabayan, di ba siya yong napatay ng NATO sa isinagawa nilang pag-atake sa Libya, pasensya hindi ko masyadong natandaan tong storya nila hehe.
Bago lang to sa akin ah, pinadalhan pala ng mga balloons ng North Korea ang South Korea, parang testing na siguro yan kung sakaling sumiklab man ang digmaan ay papadalhan nalang ng North Korea ang South Korea ng Toxic weapon through balloons.
Hindi na maganda yong mga nangyayari sa mundo natin ngayon kaya nga kung maari ay huwag na tayong sumabay dyan sa gusot sa China, daanin na lang sana sa usapan para walang buhay na masasayang.