Ako marami na akong nabasa na horror story kay coins.ph pero wala naman akong bad experience sa kanila. At pagkakaalam ko basta kung ibaban ka nila o yung account mo, bibigyan ka nila ng pagkakataon na iwithdraw muna. Siguro mas maganda diyan ay iemail sila at alamin kung anong totoong nangyari, kung hindi man nila idisclose yan ay magbibigay sila ng instructions para mabawi yung deposit na ginawa ni kabayan na 30k.
Ang isang malaking isyu noon kay Coins.Ph ay talaga yang banning of accounts marami ang nagreklamo kasi sigurado sila na kung wala naman silang mali eh maliit lang na infraction ang nagawa...kaya ayan tuloy parang nag-asim ang maraming tao na nasa crypto sa Pinas kay Coins.Ph. Sila pa naman sana ang nauna sa crypto sa Pinas dapat number one talaga sila pero parang ayaw nilang makinig sa mga hinaing ng mga tao na sa totoo lang ang tunay bumubuhay sa kanila. Ang isang masama kong karanasan sa Coins.Ph ay pagkakamali kung itransfer ang aking ETH to another exchange na di tumatanggap ng ETH galing sa exchange na gumagamit ng smart contract kaya nawala ang 2 ETH ko...ang di ko nagustuhan eh walang abiso ang Coins.Ph na sa ETH gumagamit sila ng smart contract sana nilagay nila mismo dun sa account ng tao para madaling makita. Hanggang ngayon di pa rin nabalik ang 2 ETH ko dahil may hiinihingi ang kabilang exchange na di maibigay ng Coins.Ph. Ngayon sa posibleng pag-alis ng Binance dito sa Pinas posible na marami ang babalik sa Coins.Ph pero sana naman eh matuto sila bnigyan ng halaga ang darating na malaking oportunidad na makabawi sila.
Sayang naman yung 2 ETH, ang laking halaga na niyan sa ngayon. Hindi mo na ba sinubukan na habulin baka sakaling magawan pa ng paraan. Kasi kung may hinihingi lang na info yung exchange na galing sa Coins.ph possible na may chance pa na maibalik. Baka maidaan sa pagrereklamo para makuha yung info na need mo.
Siguro kung babalik ang mga users sa coins.ph dahil sa pagkawala ng Binance, hindi ibig sabihin nun na maghohold na ulit sila. Bale magiging cash out option nalang ito. Pero totoo, sana matuto sila makinig sa suggestion ng users nila para sa ikabubuti ng exchange nila.