gusto ko sana bumili ng solana at cardano thru gcash, pero wala sa list ng metamask. pwede pa guide po. tnx
Yung solana nasa coins.ph na sya at yung ada naman sa maya meron niyan at gcrypto. Mas makakatipid ka kung doon ka nalang bibili dahil ang fee lang nila ay sa spread. Hindi sa pinopromote ko sila pero mas less hassle ka kung yun ang magiging choice mo para bumili o di kaya mag binance ka dahil mas ok nga naman dun.
Kung sa ngayon naman ay pwede pa dumaan ng Binance P2P kasi available pa siya at hindi pa nababan sa atin para direct ng bibili sa exchange.
Mas makakamura kung ikukumpara natin sa coinsph at walang wide spread. Lalo na kung kailangan niya pa itransfer sa other wallet yung ADA or SOL. Pero kung go na siya for long-term holding pagkatapos niya bumili, okay na din siguro sa coinsph.