Altcoins Talks - Cryptocurrency Forum

Local => Philippines (Tagalog) => Off topic => Topic started by: Kyoshiro on September 01, 2018, 05:32:36 PM

Title: Brain Blaster: Sino ang pumatay kay Kapitan?
Post by: Kyoshiro on September 01, 2018, 05:32:36 PM
Sa isang barkong pandigmaan ng mga Hapones, natagpuang bangkay ang kapitan. Inaakalang ito ay binaril sa loob ng alas otso ng gabi gamit ang isang silencer. Isa kang detective at napagutusang lutasin ang kaso. Hinarap sayo ang limang suspek. Una ay ang asawa ng kapitan, pangalawa ay ang tagapagluto sa barko, pangatlo ang tagapaglinis ng barko, ikaapat ang pahinente ng barko at panghuli naman ang tagaayos ng watawat. Kinuha mo ang kanilang mga panig.

Asawa: "Sinamahan ko ang tagapagluto noon dahil magagabi na at hindi pakumakain ang aking asawa. Nang ibigay ko ang pagkain sa kanya, dali-dali rin akong umalis. Nalaman ko na lang na patay na siya."
Tagapagluto: "Naghahain ako ng pagkain noon para sa kapitan kasama ang kanyang asawa. Pagkatapos ay nagpatuloy na ako sa aking trabaho."
Tagalinis: "Pinatapon sa akin ng kapitan ang mga balat ng kendo at pinalinis na rin niya ang kanyang kwarto sa akin ng.mga oras na iyon habang siya at kasama ng kanyang asawa."
Pahinente: "Dahil gabi na, umalis na rin ako agad matapos ang aking trabaho kasama ang kapitan. Nakipaginuman ako ng mga oras na iyon"
Tagaayos ng watawat: "Nabaligtad ng malakas na hanging ang watawat ng mga oras na iyon kaya dali dali ko itong ibinalik sa dating nitong pwesto."

Nahuli mo ang salarin ayon sa kanilang patotoo. Sino ang pumatay sa kapitan at sa paanong paraan mo ito nalaman?
Title: Re: Brain Blaster: Sino ang pumatay kay Kapitan?
Post by: Jun on October 19, 2018, 06:27:11 AM
hindi nalang ako makialam djan kaibigan baka magkamali pa ako at  at mapagbintangan kong sasali pa ako djan bahala na sila sa pag solve niyan