Isa, Dalawa, Tatlo
Post ngayon, Balita doon, at reply dito.
Ano nga ba ang tunay na kahalagahan mo?
Na tila sa iyong ganda ay naaakit ako.
Sa mga letrang taglay, nagbibigay ng pag-asa
Sa mga puntos mo't gabay, di binigo ang puso kong umaasa
Sana'y magpatuloy pa, tanging kong hiling sa mga tala.
Subalit natutuliro, sa mga kailangan kong malaman
Alam kong tiyak kang mapagkakakitaan.
Kaya lubos kong paghihirapan,
Ang mas makilala ka para sa kinabukasan.
Isa lang ang sasabihin.
Salamat sa iyo giliw.
Na kahit di ibigin
Sasama ako sa mga musika mo't saliw.