Wow, this post was made more than two years ago at dalawang taon mahigit na pala yong invasion ng Russia sa Ukraine. Yong mga bali-balita na iniiwanan na si Putin ng kanyang mga kaalyado ay mukhang hindi totoo sapagkat patuloy pa rin naman na umuusad yong invasion nila at tingin ko pa nga ay maku-kubkob nila tong Ukraine balang araw kung walang tulong na maibigay yong allied forces sa kanila.
Posible talaga na mapunta sa kanila ang Ukraine at parang magiging special administrative region katulad ng sa China. Ang laki ng Russia at mayaman. Habang ang Ukraine naman ay ay may mga allies nga pero hindi habambuhay na susuportahan sila ng mga yan dahil may sari sarili silang interes sa giyera na yan. Grabe nga yang digmaan na yan, iniisip ko pa lalo noong unang panahon. Kung ito umabot ng 2 years habang yung dati naman parang dekada ata ang inaabot at higit pa.
posibilidad ay maaring nandun pero hindi lang naman sa Gera ang laban ng Ukraine at Russia kabayan kundi sa sanctions ng Buong mundo , kung patuloy gegerahin ng Russia ang Ukraine eh papasok na ang NATO and ang Allied forces sa digmaan , nagpaparamdam na ang AF na suporta , pero ang talagang magiging mabigat ng haharapin ng Russia makuha man nila ang Ukraine eh yong Sanctions na pwedeng mag baldado sa ekonomiya nila in long term .
sa laki gn russia eh mahihirapan silang dumepende lang sa sarili nila at sa kaalyado nilang bansa dahil wala sa kanila ang direktang magpapakita ng suporta dahil takot silang madamay sa santcioning .
kaya tingin ko eh nagkakaron na ng dalawang isip si puttin sa pinaplano nya lalo nat palapit na dins a digmaan ang pinaka m,alaki nyang kaalyado na China? syempre uunahin gn chinese government ang gera nila kesa sa kanya .