Pinaka the best pa rin talaga ang real estate. Kapag kumita ka ng medyo maganda ganda at tingin mo makakabili ka ng lote, ibili mo ng lote kasi sigurado ka na ang value tataas bawat taon. Marami pa ring mura sa mga probinsiya kasi sa Metro Manila at ibang mga kalapit na city ay medyo mahal na. Pero kung pumaldo ka naman at afford mo basta maganda ang location, ibili mo. Kung ano kaya mo bilhin mo, lote, house and lot, condo, etc. Kapag nakabili ka naman ng lote at tingin mo okay ang location, magandang passive income ang apartment at rental property. Kung pasok pa sa budget mo magpatayo, sulit talaga yan at mapapamana mo pa sa mga anak at kaapu-apuhan mo.