Ayan! Grabe taas ng fee now compared nung mga nakaraang araw panic selling ba ngayon mga pipol or buying or tinamad na mga miners? 😅 Di ko pa kasi nacheck ang market, sakit sa bulsa nyan lalo na kung konti lang naman yung ikacashout mo. 😅 Meron pa ako konting holdings siguro antay na lang din ako na mas bumaba pa ang fee bago ilipat sa ibang wallets.
Tumaas yan kanena ng $300 as recommended fee based on mempool.space. I heard na maraming mga users ang gustong masama ang mga transaction nila sa bitcoin halving block 840,000, kaya nag kanda letsi-letse ang fees at tiba-tiba mga miners ngayon. Kahit na naging kalahati nalang ng 6 btc yung mining reward eh mas tumaas pa kita nila dahil sa transactions fees.
Sinasamantala nila bro dahil alam nila dahil sa pagbaba ng mamimina nila at taas ng competition hindi na gaanong magiging profitable ang mining ang inabot ko kanina $250 biro mo umabot pa pala ng $300 record breaking ata itong transaction fee na ito, ito ay dahil sa pagmina ng Runes na noon huling halving ay wala naman.
Marami talagang unexpected na nangyayari kada halving nakakatakot lang baka magtagal ito ng mga ilang araw sana magkaroon ng window na bumaba kahit $4, para marami makatransact.
- Anak ng putakte naman, grabe breaking the record 300$ sa isang transaction fee, sinong tang* papayag sa ganyan, Kung yung rune nga talaga ang dahilan ng kalokohan na yan wala talagang magtatangkang magsagawa ng transaction, makatao paba yang transaction fee na yan na hinihingi sa mga holders? Para ng nanghoholdap ng legal alam yun hahaha.
siyempre wala talagang magtatangkang magsagawa ng transaction kung ganyan ba naman yung amount na hinihingi, katumbas na sahod na yan ng ibang mga empleyado mas mataas pa nga yan sa ibang empleyado, dinaig pa sahod ng kasambahay, tindera at construction worker.