1
Philippines (Tagalog) / Re: Bitcoin Stocked sa 63k
« on: Today at 08:59:41 PM »Ok lang yan, yan din ang plano ko sa 2025 pero hindi ko ilalabas ng todo dahil iiwan ko lang sa market ang ibang holdings. Pero majorly, magbebenta talaga karamihan sa 2025 dahil yan ang inaasahang pinakamataas na presyo para sa bull run na ito. At kung bago man dumating yang taon na yan at magkaroon ng magandang breakout, mas maganda at mas maaga. Basta expect nalang natin na hindi rin naman magtatagal at matatapos ang cycle na ito pero mahaba haba pa.Antay antay lang kasi pwede talaga sa span na sinabi mo, posible talagang doon na magkaroon ng magandang actions sa price. Pero sa kinatagalan talaga natin makikita kaya dapat habaan lang ang pisi at huwag masyadong madismaya kung bumaba man after na tumaas dahil parang wala namang talo doon kapag pumalo siya. Kapag umabot na ng $100k, panigurado bentahan na talaga tayo mga kabayan hehe pero syempre magtira pa rin ng holdings.
Mayroon akong isang kaibigan na nagti-trading, sabi niya ipu-pullout daw nya yong portpolio nya sa October 2025 dahil sa panahon na yon at bearish na daw kaya tingin ko bago dumating yong 2025 ay magkakaroon pa tayo ng major breakouts sa presyo ng bitcoin, sana magkatotoo yong sinabi ng kaibigan ko.