Altcoins Talks - Cryptocurrency Forum

Local => Philippines (Tagalog) => Tulong para sa baguhan => Topic started by: RianDrops on March 29, 2018, 10:24:49 AM

Title: [Registration Agreement] Dapat Basahin Bago Gumawa ng kahit Ano!
Post by: RianDrops on March 29, 2018, 10:24:49 AM
(https://i.imgur.com/eMfgTts.png)

Kami ay mapag-kaibigan sa mga Altcoins na kumonidad, na may sariling token na ("ALTS")

Ang token ay isang community token, pinamamahagi sa mga aktibo at dedikadong myembro ng kumonidad na ito ...

Sa pagsali sa aming kumonidad,
Ikaw ay sumasang-ayon, sa iyong paggamit sa forum na ito, na ikaw ay hindi magpapaskil ng anumang mga materyal na hindi totoo, mapanirang-puri, walang basehan, mapang-abuso, bulgar, mapoot, panliligalig, malaswa, malupit, bastos, pagbabanta, pakiki-alam sa privacy ng ibang tao, adult material, o anu pamang paglabag sa International o United States Federal Law.
Sumasang-ayon ka rin na hindi magpopost na naka-copyright na materyal maliban kung ikaw ang may-ari ng copyright o ikaw ay may written consent mula sa may-ari ng copyrighted na materyal. Spam, flooding, advertisements, chain letters, mga pakanang pyramid, at solisitasyon ay ipinagbabawal din sa forum na ito.

Tandaan na imposible para sa mga tauhan o nagmamay-ari ng forum na ito na kompirmahin ang kredibilidad ng mga posts. Pakitandaan na hindi namin aktibong namomonitor ang mga ipinapasskil na mensahe, at ang mga tauahn ng forum ay hindi responsable sa mga nilalaman nito. Hindi namin nakokompirma ang pagkatotoo, pagkabuo, o pagiging kapaki-pakinabang ng anumang impormasyon na naibibigay. Ang mga ipinaksil na mensahe ay nagpapakita ng mga opinion ng mga may-akda, at hindi ang sariling pananaw ng forum na ito, ng mga tauhan, mga nasasakupan, o ang may-ari ng forum. Ang sinumang naghihinala na ang isang post ay kahina-hinala ay hinihimok na ipa-alam sa administrator o moderator ng forum na ito kaagad. Ang mga tauhan at ang may-ari ng forum na ito ay may karapatang tanggalin ang mga kahina-hinalang nilalaman, sa isang takdang panahon, kung sila ay nakasisigurong  ang pagtatanggal ay karapat-dapt. Ito ay isang manu-manong proseso, kaya, paki-usap isipin na hindi nila magagawang matanggal o mabago ang isang partikular na mensahe agad-agad. Ang patakarang ito ay naaangkop din sa impormasyon ng bawat myembro.

Ikaw ay nananatiling tanging responsable sa nilalaman ng mga ipinaskil mong mga mensahe. At saka, ikaw ay sumasang-ayon na magbayad at pinapa-walang sala ang mga may ari ng forum na ito, anumang websites na may kaugnayan sa forum na ito, ang mga tauhan, at ang mga nasasakopan nito. Ang mga may-ari ng forum na ito ay may karapatan din na ibunyag ang iyong pagkakakilanlan(o anumang may kaugnayan sa iyo na kinolekta sa forum na ito) sa panahon na may formal na reklamo o legal na aksyon na nanggaling sa anumang sitwasyon dahil sa paggamit mo sa forum na ito.

Ikaw ay may kakayahan, habang nagpaparehistro, na pumili ng iyong username. Inirerekomenda namin na panatiliing angkop ang iyong pangalan. Sa pangalan ng user na iyong ererehistro, ikaw ay sumasang-ayon na hindi magbibigay ng iyong password sa ibang tao maliban sa administrator, para sa iyong proteksyon at para sa pang-validity na mga rason. Ikaw ay sumasang-ayon din na hindi gagamit ng account ng ibang user para sa anumang rason. Kami ay nagrerekomenda talaga na gumamit ng komplikado at kakaibang password para sa iyong account, para maiwasan ang pagnanakaw ng iyong, account.

Pagkatapos mong magparehistro at mag login sa forum na ito, ikaw ay obligado sa pag puna sa isang detalyadong profile. Responsibilidad mo na magbigay ng malinis at makatotohanang impormasyon. Ang anumang impormasyon na mapapatunyan ng mga tauhan, o may-ari ng forum na hindi makatotohanan o walang basehan ay tatanggalin, mayroon man o walang abiso. Angkop na mga parusa ay maaaring ipataw.

Pakitandaan na bawat post mo, ang iyong IP address ay recorded, sa panahon sa ikaw ay kailangang e banned sa forum na ito o ang iyong ISP contract. Ito ay mangyayari lamang sa panahon na ikaw ay nakagawa ng malaking paglabag sa kasunduang ito.

Pakitandaan din na ang software ay naglalagay ng cookie, isang text file na naglalaman ng kunting impormasyon (kagaya ng iyong username at password), sa cache ng iyong browser. Ito ay ginagamit lamang kung ikaw ay panatiliing logged in/out. Ang software ay hindi kumukuha or nagbibigay ng ibang uri ng impormasyon sa inyong computer.   
 



Original thread: http://www.altcoinstalks.com/index.php?action=register (http://www.altcoinstalks.com/index.php?action=register)

Translated by: RianDrops (http://www.altcoinstalks.com/index.php?action=profile)
Title: Re: [Registration Agreement] Dapat Basahin Bago Gumawa ng kahit Ano!
Post by: jekjekey on March 29, 2018, 01:28:29 PM
Ganda ng pagkaka translate paps. keep it up!
Title: Re: [Registration Agreement] Dapat Basahin Bago Gumawa ng kahit Ano!
Post by: RianDrops on March 29, 2018, 04:32:04 PM
Ganda ng pagkaka translate paps. keep it up!

Salamat sa iyung papuri paps.
Title: Re: [Registration Agreement] Dapat Basahin Bago Gumawa ng kahit Ano!
Post by: Laicka on March 31, 2018, 06:53:43 PM
galing ng pagkakatranslate mo paps malalim ang pagkakatagalog pero maganda nice one may bayad naba yan ?? ;) :D :)
Title: Re: [Registration Agreement] Dapat Basahin Bago Gumawa ng kahit Ano!
Post by: jekjekey on March 31, 2018, 06:56:37 PM
galing ng pagkakatranslate mo paps malalim ang pagkakatagalog pero maganda nice one may bayad naba yan ?? ;) :D :)

Haha may bayad lahat ng post natin dito paps kaya may points tayo kaya be active lang byad lahat ng post mo kaya more active lang tayo at make a good and helpful thread para sa mga kababayan natin.
Title: Re: [Registration Agreement] Dapat Basahin Bago Gumawa ng kahit Ano!
Post by: RianDrops on March 31, 2018, 06:59:15 PM
galing ng pagkakatranslate mo paps malalim ang pagkakatagalog pero maganda nice one may bayad naba yan ?? ;) :D :)

Points lang bayad nyan paps. Walang tokens akung marerecieve sa pagtatranslate nyan. Ang akin lang is makatulong sa mga newbies.
Title: Re: [Registration Agreement] Dapat Basahin Bago Gumawa ng kahit Ano!
Post by: Laicka on April 01, 2018, 09:00:52 AM
ah kala ko may bayad na btc paps haha pero ok naman galing paps makakatulong talaga to sa mga kababayan natin na mga baguhan..
Title: Re: [Registration Agreement] Dapat Basahin Bago Gumawa ng kahit Ano!
Post by: RianDrops on April 01, 2018, 10:14:22 AM
ah kala ko may bayad na btc paps haha pero ok naman galing paps makakatulong talaga to sa mga kababayan natin na mga baguhan..

Hehehehe... Mababayaran ka lang kapag naging verified translator ka at may magpapatranslate sa iyo.
Title: Re: [Registration Agreement] Dapat Basahin Bago Gumawa ng kahit Ano!
Post by: bryandigz on April 02, 2018, 06:37:35 AM
Ganda ng pagkaka translate paps. keep it up!


Tama ka ang ganda at ang lalim ng pag kaka translate. Salamat sayo paps dami ko natutunan.lalopa at baguhan plang ako.
Title: Re: [Registration Agreement] Dapat Basahin Bago Gumawa ng kahit Ano!
Post by: RianDrops on April 02, 2018, 06:42:34 AM
Ganda ng pagkaka translate paps. keep it up!


Tama ka ang ganda at ang lalim ng pag kaka translate. Salamat sayo paps dami ko natutunan.lalopa at baguhan plang ako.

Goodluck sa forum na ito paps, hope you all the best. Magpost ka lang ng interesting topics at bibigyan kita ng + karma. Huwag ka lang mag spam dito.
Title: Re: [Registration Agreement] Dapat Basahin Bago Gumawa ng kahit Ano!
Post by: Cordillerabit on April 02, 2018, 06:45:08 AM
active na active kana paps  ;D ayos na ayos ang pagkatranslate mu   ;)
Title: Re: [Registration Agreement] Dapat Basahin Bago Gumawa ng kahit Ano!
Post by: RianDrops on April 02, 2018, 06:49:14 AM
active na active kana paps  ;D ayos na ayos ang pagkatranslate mu   ;)

Salamat paps. ;D
Title: Re: [Registration Agreement] Dapat Basahin Bago Gumawa ng kahit Ano!
Post by: jekjekey on April 03, 2018, 06:14:41 AM
active na active kana paps  ;D ayos na ayos ang pagkatranslate mu   ;)

Salamat paps. ;D


Oo nga keep it up paps! Sana dadami din translators dito soon para lalago itong section at ang forum.
Title: Re: [Registration Agreement] Dapat Basahin Bago Gumawa ng kahit Ano!
Post by: Charlotte09 on April 26, 2018, 04:57:44 PM
Newbie here. Salamat ng marami
Title: Re: [Registration Agreement] Dapat Basahin Bago Gumawa ng kahit Ano!
Post by: RianDrops on April 28, 2018, 06:22:13 AM
Newbie here. Salamat ng marami

Walang anuman. ;D Read and follow rules lang para iwas problema sa forum na ito.
Title: Re: [Registration Agreement] Dapat Basahin Bago Gumawa ng kahit Ano!
Post by: Love92Altair on May 04, 2018, 02:12:26 PM
thank you for the rules its a big help for me as a newbie.. ill going to read it every day for me to learn more.
Title: Re: [Registration Agreement] Dapat Basahin Bago Gumawa ng kahit Ano!
Post by: RianDrops on May 05, 2018, 11:11:55 AM
thank you for the rules its a big help for me as a newbie.. ill going to read it every day for me to learn more.

You're welcome kabayan. Salamat at binasa mo ang agreement dahil dyan malaman mo kung ano ang pwede at di pwede.
Title: Re: [Registration Agreement] Dapat Basahin Bago Gumawa ng kahit Ano!
Post by: zlejgirl36 on May 10, 2018, 06:34:01 AM
Babyn Steps here... salamat
Title: Re: [Registration Agreement] Dapat Basahin Bago Gumawa ng kahit Ano!
Post by: rhegs27 on May 19, 2018, 11:24:50 AM
maganda ang pag ka translate salamat sa thread nkakatulong ito sa tulad nmin baguhan palang sa forum
Title: Re: [Registration Agreement] Dapat Basahin Bago Gumawa ng kahit Ano!
Post by: kenjelay on May 24, 2018, 03:58:00 PM
Tama lang na basahin muna ang mga agreement kasi paano mo malalaman kung Hindi ito binasa. We should read first before doing any reckless thing. Nang sa ganon ay wala tayong pagsisisihan.
Title: Re: [Registration Agreement] Dapat Basahin Bago Gumawa ng kahit Ano!
Post by: lbravo3 on June 16, 2018, 07:56:47 AM
Following the rules is not hard. Especially if you have a guide like this.
Title: Re: [Registration Agreement] Dapat Basahin Bago Gumawa ng kahit Ano!
Post by: bryandigz on September 07, 2018, 01:15:22 PM
Ayos pag kaka translate mo paps dami kodin natotonan.galing.nice paps.husay.
Title: Re: [Registration Agreement] Dapat Basahin Bago Gumawa ng kahit Ano!
Post by: Mr.X on September 20, 2018, 05:13:22 PM
Dapat lang talaga basahin ang registration agreement bago magsimula sa pagtrabaho upang maintindihan ang  bawat batas kung ano ang dapat gawin.
Title: Re: [Registration Agreement] Dapat Basahin Bago Gumawa ng kahit Ano!
Post by: fgg57fg7 on October 04, 2018, 05:50:51 AM
Salamat bossing ng thread mo. ..ganda basahin madaling maintindihan naming mga bagohan ...ty po again
Title: Re: [Registration Agreement] Dapat Basahin Bago Gumawa ng kahit Ano!
Post by: crypto101 on April 01, 2019, 02:21:32 AM
Salamat, sinubukan ko kung counted ba yung pagpost sa off topic, pero di pala
Title: Re: [Registration Agreement] Dapat Basahin Bago Gumawa ng kahit Ano!
Post by: sneakyboi on September 26, 2020, 11:41:53 AM
Thank you po dito, Napakalaking tulong po nito samin. Napaka-informative po.
Title: Re: [Registration Agreement] Dapat Basahin Bago Gumawa ng kahit Ano!
Post by: JR on November 21, 2020, 03:11:56 PM
Salamat po higit kung naunawaan ang registration agreement.
Nice translation.
👍