Welcome. Pareho mo kabayan, napag-alaman ko din ang forum na ito through a telegram channel. A Filipino telegram channel to be exact. Binigyan ako ng referral ng isang kababayan din natin. At malaking pasasalamat ko na napabilang ako sa forum na ito.
Kabayan, kung mamarapatin mo, payong kaibigan, isapuso mo at sundin mo lang ng tama ang mga patakaran dito ay tiyak na malayo ang mararating mo. Marami tayong mga kababayan dito na taos puso ang pagtulong sa mga baguhang katulad mo. At isa pang bagay, dito sa local board natin, tiyak na marami kang matutunan - paglaanan mo ng oras ang pagbabasa ng ibat-ibang topics dito.
Goodluck sa iyo.