Expect mo nalang kabayan hanggang next year ang peak ng bull run at baka $100k ang maging peak pero madaming nagsasabi na baka umabot pa tayo ng $150k. Kung umabot man sa ganoong price, mas maganda at panigurado mas maraming magbebentahan at aalis na sa market para kunin yung pinag iipon nila ng sobrang tagal na panahon. Basta hold lang kabayan dahil hindi natin alam kung hanggang gaano katagal tayo maghihintay.
ganun na nga kabayan , salamat sa payo and sana ganon ang gawin natin lahat sa panahong ito , kasi ang hirap din bantayan ang akyat panaog ng presyo now at dahil na din dun eh makukuntento tayo once umakyat na ang price sa 6 digits na pangarap nating lahat.
Basta ma-hit mo yung price target mo, yun ang intindihin mo. Hindi natin alam kung kailan mangyayari yan, puwedeng this year o kaya next year. Kaya yang lahat ng effect na yan galing sa halving at ang maganda sa ngayon ay may tulong na din ng bitcoin etf kaya posibleng mas malaki yung cycle ngayon. Kaya nga lang, kapag ikukumpara mo yung times kung gaano kalaki tinaas ni btc bawat cycle ay pababa ng pababa yung times niya baka maging 2x or 3x nalang.
Tama yan, ugaliin natin na magset ng price target kung saan tayo magbebenta. Mag take profit tayo kahit hindi natin ma-hit yung highest peak at least nag profit tayo sa investment natin, ayos na yun. May next bear market pa tayong papasukin at mabuting may bala, imbis na maipit ang investment natin hanggang susunod na bull run.
Sa binigay mo naman na possible abutin ng price, malaki pa din ang magiging end result ng price ni BTC kahit sa ganyang multiplyer lang abutin niya ngayong bull run. Pero tignan natin, expect the unexpected ika nga.