AlgoSigner, ang Unang Algorand Wallet Extension para sa Chrome, ay Upgraded sa isang Bagong Bersyon
Tandaan: Ito ay pagsasalin lamang
Narito ang orihinal na artikulo:
AlgoSigner, the First Algorand Wallet Extension for Chrome, is Upgraded to a New Version na akda ng
Algorand Foundation
Pagdaragdag ng Algorand Standard Asset (ASA) at Suporta ng dApp para sa mga Application Call na TransaksyonMangyaring tandaan na ito ay isang anunsyo ng PureStake.
Boston, MA - Nobyembre 5, 2020 - Ang PureStake, ay nangunguna sa ligtas at maaasahang imprastraktura ng blockchain, ang PureStake ay naglabas ng isang bagong bersyon ng
AlgoSigner sa
Chrome Web Store. Ang update na ito ay nagdaragdag ng makabuluhang functionality para sa Alogorand Standard Assets (ASAs) at nagbibigay-daan sa mga user na magsagawa ng higit pang mga uri ng mga transaksyon bilang karagdagan sa mga pagbabayad. Ang mga user ay maaari na ngayong makipag-transaksyon gamit ang isang malakihang klase ng asset at ibang-uri ng token mula sa universe ng mga available na ASAs kapag nakikipag-ugnay sa mga dapp na pinagana ng AlgoSigner. Ang mga kakayahang ito ay isang pangunahing sangkap para sa pagbuo ng mga application ng DeFi sa Algorand.
Ang AlgoSigner ay isang open source ng
Algorand wallet extension na ginagawang madali upang magamit ang mga ALGO para sa mga pagbabayad, pamumuhunan, o pagpapalitan ng asset sa ligtas na paraan. Ang koponanng PureStake ay nagdagdag ng maraming bago at kapanapanabik na mga tampok:
- Search, opt-in, at paglipat ng mga asset sa user interface.
- Suporta ng dApp para sa mga transaksyon sa clawback at pagsira sa mga asset kung ang mga tampok na ito ay na-configure.
- Suporta ng dApp para sa mga transaksyon ng application.
- Ang mga dApp na transaksyon ay pumapailalim sa karagdagang validation na may mas malinaw na mga error na ibinabalik.
- Suporta para sa mga close-to sa transaksyon sa pagbabayad ng dApp at paglipat ng asset.
- Karagdagang mga babala at mensahe sa user interface para sa mga potensyal na panganib.
I-install ang pinakabagong bersyon ng AlgoSigner sa iyong Chrome browser at gamitin ito sa:
- Ligtas na ma-store at mai-encrypt ang mga Alogrand account secret.
- Pahintulutan ang mga transaksyon ng ALGO na nabuo ng dApps nang hindi sila binibigyan nang direktang access sa iyong mga key.
- Aprubahan ang pagbabayad para sa mga pagbili at serbisyo na nauugnay sa dApp.
- Magpadala at tumanggap ng mga pondo.
- Pag-sign at pag-apruba ng mga transaksyon kapag gumagamit ng dApps.
- Tingnan ang balanse ng Algorand token.
Para sa mga developer na nais na simulang buuin ang AlgoSigner sa kanilang application, maraming resources, kasama ang
an integration guide, ang
sample dApp project, at ang
interactive dApp na gagamitin para sa pag-testing at pag-troubleshoot.
Tungkol sa PureStakeAng koponan ng PureStake ay may malawak na karanasan sa pagbuo ng mga technology company at complex software na mga platform. Pinangungunahan nina Derek Yoo, dating Fuze Founder, at CTO, nagbibigay ang PureStake ng protocol implementation services at lumilikha ng developer tool para sa susunod na henerasyon na mga blockchain network. Dagdagan ang nalalaman:
https://www.purestake.com/