Sayang naman yung first airdrop kung nakalimutan mo sa katagalan. Medyo malaki din ang binibigay nila per account nung first phase. Yung ibang nakita ko mababa na ang 10 account tapos parang 70$ each ata ang natanggap nun. Kaya marami ang naka-paldo nung time na yun. Okay din yang pixel, hindi ko lang talaga matuloy-tuloy ng paglalaro sa ngayon dahil sobrang busy sa work at pati na may mga nilalakad na importante. Nasa Binance na din yan kaya magandang ifarm yan.
Nako sayang nga airdrop hindi ko na nga alam din yung account na ginagawa ko dun.
Sa pixel kahit 30 minutes time ok na balikan mo na lang ulit sya pag may free time harvest time naman yun at para mabenta sa market tanim ulit after at pahinga sa sauna. Yun lang naman ginagawa ko marami na kong coins kaya na proprovide ko yung needs sa task bar ni hazel at ma deliver yung mga item para maka kuha ng pixels hindi ako babad mag laro nito binabilikan ko lang din sya after mag plant, mag benta o mag craft at mag deliver sa task bar hindi naman nakaen ng oras tsaka active ako sa discord nila kaya alam ko yung mga oras na may free energy boost.
Parang axie style din pala yan, ibig sabihin meron din palang mga iskolar din dyan? tama ba? parang kamakailan lang ay nagkaroon ng pagbabago dyan na kung saan ay yung berry ba yun naging pixel na ngayon, so medyo new updated sila ngayon.
Pero susubukan ko yang sinasabi ninyo para naman kahit pano makasabay sa trend dahil parang nakikita ko na pwede itong sumunod sa axie lalo pa't paparating na ang halving at bull run.
Hindi dati dalawa talaga token nila berry at pixels ngayon tinanggal na nila yung berry at yung sinong mga may hawak ng berry nuon pinaswap na sa pixels kaya swerte ang mga naunang nag laro kung marami silang berry nuon malamang magugulat sila sa laman ng account nila ngayon na maraming pixels pwendeng pambili ng land duon at mag karon ng passive income.
Sa scholar naman pwede sya pero hindi talaga parehas sa axie na may sariling dashboard para sa mag bibigay ng scholar pero dito sa pixels ilaw mismo gagawa ng account at mag sesetup ng wallet sa account ang access lang nang bibigyan mo ng scholar ay email sa wallet lang sya walang access.