Altcoins Talks - Cryptocurrency Forum

Local => Philippines (Tagalog) => Topic started by: crypto101 on June 12, 2019, 01:52:50 AM

Title: Anong masasabi niyo sa KAPA? Na nagtrending
Post by: crypto101 on June 12, 2019, 01:52:50 AM
Meroon nga bang sumasali sa inyo nito? mga kapitbahay, kamag-anak, or kaibigan? kawawa naman yung mga nabibiktima nitong Investment SCAMpany, lalo na yung hindi pa nakakabawi sa kanilang puhunan, mainit ito na usapin at paulit ulit itong binabalita, maibabalik pa kaya ng iba yung mga iniinvest nila lalo na yung mga nahuling sumali? pabor ito sa mga nauuunang sumali sa mga ponzi scheme project
Title: Re: Anong masasabi niyo sa KAPA? Na nagtrending
Post by: Cordillerabit on June 12, 2019, 04:59:56 AM
scam kasi walang basbas ng gobyerno hinahanting na sila ng SEC (Securities and Exchange Commission) kaibigan

"MANILA (UPDATED) - The Securities and Exchange Commission (SEC) will file criminal complaints against officials of Kapa Ministry International for an alleged investment scam that reportedly defrauded participants of as much as P50 billion."

utos ng ating Pangulong Duterte:

"President Rodrigo Duterte has ordered authorities to shut down Kapa, which is operating as a religious group."

Source  (https://news.abs-cbn.com/business/06/10/19/sec-to-file-criminal-raps-vs-kapa-ministry-over-investment-scam)
Title: Re: Anong masasabi niyo sa KAPA? Na nagtrending
Post by: micko09 on June 12, 2019, 01:28:20 PM
Actually hindi ko alam yang kapa. Narinig ko nalang nung na TV na. Pero grabe 50B ung na scam. Ganon na ba katanga ung mga sumali jan.?? Kasi kung tutuusin hindi na to bago sa pinas.. jan mo makikita ang mga tao gusto agad ng instant at ayaw mapagod.
Title: Re: Anong masasabi niyo sa KAPA? Na nagtrending
Post by: comer on June 12, 2019, 03:33:45 PM
sa tingin ko, favor sa founder ang mga pangyayaring ito, kung tutuusin pwede na silang tumakbo dala yun mga pera ng kanilang mga members without taking the blame from the public.. The government stop the operation even without any complain from the.members na na guyo sila sa kompanyang ito.. The government taking measure base on historical fact na ang mga ganitong investment scheme ay magre resulta laman sa pagtakbo ng pera ng mga membro...

pina stop ng goverment yun kanilang operation, tuloy walang mailabas na pera yun kapa para sa kanilang mga.members ng mag payout na...

alam naman natin na ito ay investment scam, kung saan tatakbo yun mga founder kapag naka kuha na sila na mlaking.pera mula sa kanilang membro, they take all the money, the blame and the case filed to them. wala silang itinira lahat dinadala nila sa kanilang paglaho.

back to KAPA, naipabalita na as.much as 50billion yun circulating investment na hawak ngayun ng companya. (kay laking pera). im afraid, KAPA will use the situation to stop giving payouts to the investors. They will not take the blame kasi yun government mismo ang nagpahinto sa kanila.. in others words, libre na nila itakbo yun pera..

sana naman pinag aralan muna ito ng pangulo, bago they forcibly close the operation. natingga tuloy lahat ng pera sa companya...

ESTAFA case, madaling lusutan ng founder yan with the 50billion onhand.. kaydami na ng pyramiding case sa bansa, ni isa walang nakulong o kung makulong man hindi nagtagal sa kulungan...  paglalaruan lang yan ng mga abogado gamit yun pera ng nakulimbat nila..

Title: Re: Anong masasabi niyo sa KAPA? Na nagtrending
Post by: LogiC on June 13, 2019, 08:09:30 AM
Actually scheme siya or ponzi. Weve joined this and I can say is superb investment. I know there is risk we just took it and guess what it is paying and even earn 10x or more sa initial investment. Hindi naman siya nagstop pa peero pinatigil so hindi natin masabi na may naiscam na diba? I know it is not under by govt regulations. So is crypto? isnt it? So scan din to kasi ala din basbas eh. Kakatawa naman yung allegiations ng iba dito.
Title: Re: Anong masasabi niyo sa KAPA? Na nagtrending
Post by: Zurcemozz on June 13, 2019, 12:56:13 PM
I really don't know about this one after all , pero kung ito man ay magiging konektado sa Cryptocurrency na ginagawa natin, panigurado , panibagong kasiraan nanaman sa crypto world at mas maraming tao ang matatakot na pumasok sa ganito dahil sa mga naririnig nila etc.
Title: Re: Anong masasabi niyo sa KAPA? Na nagtrending
Post by: crypto101 on June 14, 2019, 12:31:22 PM
Ang sabi nila ang KAPA ay di investment kundi donation. Nakapagtataka na sinasabing donation eh ang mga nag donate naghihintay ng kapalit at mas higit pa sa donate na binigay nila ang hinihintay nilang mabalik sa kanila. Ang alam ko pag donate binigay mo ng buong puso bilang tulong sa nangangailangan at hindi naghihintay nang ano mang kapalit. Sasabihin ba naman na 30% love gift monthly. Pina cute pa nila tawag sa KAPA ginawang donate imbes na investment.
Title: Re: Anong masasabi niyo sa KAPA? Na nagtrending
Post by: kreiskleidolon on June 14, 2019, 04:27:32 PM
Okey legit hahahahahaha kikita ka talaga sa KAPA  pero marunong mag basa para kumita pero pwede den naman kayo mag hanap ng ibang bounty kong talagang di kayo naka join at para maka iwas scam hahahaha nanaman  mag basa
Title: Re: Anong masasabi niyo sa KAPA? Na nagtrending
Post by: micko09 on June 14, 2019, 06:40:57 PM
Ang sabi nila ang KAPA ay di investment kundi donation. Nakapagtataka na sinasabing donation eh ang mga nag donate naghihintay ng kapalit at mas higit pa sa donate na binigay nila ang hinihintay nilang mabalik sa kanila. Ang alam ko pag donate binigay mo ng buong puso bilang tulong sa nangangailangan at hindi naghihintay nang ano mang kapalit. Sasabihin ba naman na 30% love gift monthly. Pina cute pa nila tawag sa KAPA ginawang donate imbes na investment.
Yun din ung pagkaka alam ko sa mga sabi sabi na donation daw ung mga binigay ng tao. Kasi pastor ata yung pinaka founder ng Kapa,Pero grabe naman sa donation na 50Bilyon, halatang nang scam yang mga yan.
Title: Re: Anong masasabi niyo sa KAPA? Na nagtrending
Post by: Zurcemozz on June 15, 2019, 03:54:10 PM

Ano yun, donation para lang sa pastor, tapos halagang 50bilyon, parang iba naman na pahuhuntungan nun at parang grabe naman si pastor kung ganoon kalaki ung hawak nyang pera.
Title: Re: Anong masasabi niyo sa KAPA? Na nagtrending
Post by: crypto101 on June 16, 2019, 10:55:18 AM
Meroon yan mga kasabwat si Pastor, hindi maaari na mag-isa lang siya na humawak sa ganyan kalaking halaga, may mga binanggit yung iba dito na nakinabang pa sa KAPA. Marami parin sa mga kababayan natin na umaasa sa kapa at patunayan daw nila na hindi SCAM, sinisisi pa nila sa ating pangulo. Kahit na napatunayan na na-scam ito.
Title: Re: Anong masasabi niyo sa KAPA? Na nagtrending
Post by: ZionRTZ on June 16, 2019, 11:36:01 AM
Actually scheme siya or ponzi. Weve joined this and I can say is superb investment. I know there is risk we just took it and guess what it is paying and even earn 10x or more sa initial investment. Hindi naman siya nagstop pa peero pinatigil so hindi natin masabi na may naiscam na diba? I know it is not under by govt regulations. So is crypto? isnt it? So scan din to kasi ala din basbas eh. Kakatawa naman yung allegiations ng iba dito.
Please, don't even compare a ponzi scheme using crypto as a front to the legitimacy of cryptocurrencies investments/trading here. Cryptocurrency itself does not guarantee you a 30% return and you know that. And by the way, may mga exchanges na binigyan ng basbas ng gobyerno para mag-operate dito.

From the start alam mo ng ponzi scheme ang kapa and you still say na walang na-scam? Do you really have to wait na hindi na sila makapagbayad bago mo sabihin na na-scam? Nakakatawa yung allegations? Mas nakakatawa yung mga ganid na alam na nga lang na ponzi pero sumali pa din.
Title: Re: Anong masasabi niyo sa KAPA? Na nagtrending
Post by: Davenethan07 on June 16, 2019, 06:34:45 PM
Ang sabi nila ang KAPA ay di investment kundi donation. Nakapagtataka na sinasabing donation eh ang mga nag donate naghihintay ng kapalit at mas higit pa sa donate na binigay nila ang hinihintay nilang mabalik sa kanila. Ang alam ko pag donate binigay mo ng buong puso bilang tulong sa nangangailangan at hindi naghihintay nang ano mang kapalit. Sasabihin ba naman na 30% love gift monthly. Pina cute pa nila tawag sa KAPA ginawang donate imbes na investment.
Yun din ung pagkaka alam ko sa mga sabi sabi na donation daw ung mga binigay ng tao. Kasi pastor ata yung pinaka founder ng Kapa,Pero grabe naman sa donation na 50Bilyon, halatang nang scam yang mga yan.

Tama ka sa sinabi mo, scam nga talaga ang KAPA at saka itong pastor na ito tuso talaga kasi parang inuoto lang nito ang mga mahihirap na nabiktima ginamit lang ang pangalan ng panginoon. Para sa akin ang ganitong investment scheme ay kapareho parin ng ponzi scheme na laganap noong 1920 at ito ay naging isang paraan ng ibang grupo na mag tayu ng negosyo gamit ang ganitong sistema.
Title: Re: Anong masasabi niyo sa KAPA? Na nagtrending
Post by: hype on June 17, 2019, 12:37:20 PM
KaPa- ("Kabos Padatuon" ibig sabihin sa cebuano/bisaya, sa tagalog ay Mahihirap Payayamanin).  Kala ko nito nuon isang pamamalakad ng gamit ang crypto. pero sa mga nabanggit ito raw ay hindi investment o investment scheme dahil nga tawag sa 'Pay In' ay donasyson lang ayon sa founder ng KAPA na isang Pastor. Ang nagpagtataka kung saan ba kinukuha ang mga Interest na 38% na maibabalik sa mga membro? Ito ay masiyadong malaki at iyan hindi ko alam..

Positibo- Dahil sa KAPA maraming na tulungan na mahihirap 
Nigatibo-
Wala itong tax kaya matatawag na ilegal.
Wala nang nag didiposito sa bangko, sa bangko 3% interest pero sa kapa 38%.
Wala nang nag tratrabaho tulad ng Construction worker, Farmer, Fisher  etc. dahil nag hihintay nalang sa mga pay out so babagsak talaga ang ekonomiya. mamahal ang produkto tulad ng isda dahil wala ng mangingisda so kunti nalang ang source ng isda so mahal ang benta nito, maging sa ibang produkto rin...

My Opinion!
okay sana kung yong mga membro ay hindi hihinto sa kanilang mga trabaho tulad ng pangingisda imbes na bangka o motorboat ang gamit bibili ng mas malaki at mga bagong kagamitan para umunlad pa ang pangingisda o hanapbuhay para hindi babagsak ang ekonomiya at mag iisue ng mga resibo para sa tax ng government😎😎

Title: Re: Anong masasabi niyo sa KAPA? Na nagtrending
Post by: hype on June 17, 2019, 12:57:30 PM
Meroon yan mga kasabwat si Pastor, hindi maaari na mag-isa lang siya na humawak sa ganyan kalaking halaga, may mga binanggit yung iba dito na nakinabang pa sa KAPA. Marami parin sa mga kababayan natin na umaasa sa kapa at patunayan daw nila na hindi SCAM, sinisisi pa nila sa ating pangulo. Kahit na napatunayan na na-scam ito.

posible yan kabayan kasi saan niya nakukuha ang 38% na interest? .. pero may mga kwento rin na si Pastor ay may nahukay na kayaman at ginawa niya ang programa na ito para ma itago ang kanyang pinaghahawakan.. mga sabi sabi lang na narinig at nalaman ko pero hindi ako sigurado kung totoo ba ito..
Title: Re: Anong masasabi niyo sa KAPA? Na nagtrending
Post by: crypto101 on June 18, 2019, 12:36:30 PM
Yung founder ng KAPA na si Apolinario, nasa departure order na. Sana  matuto na yung mga pinoy kung ano yung sinasalihan nila.
Title: Re: Anong masasabi niyo sa KAPA? Na nagtrending
Post by: cryptocancer85 on June 30, 2019, 02:24:40 PM
Meroon nga bang sumasali sa inyo nito? mga kapitbahay, kamag-anak, or kaibigan? kawawa naman yung mga nabibiktima nitong Investment SCAMpany, lalo na yung hindi pa nakakabawi sa kanilang puhunan, mainit ito na usapin at paulit ulit itong binabalita, maibabalik pa kaya ng iba yung mga iniinvest nila lalo na yung mga nahuling sumali? pabor ito sa mga nauuunang sumali sa mga ponzi scheme project
Yes, may kakilala ako sobrang lungkot nga nabalitaan lang nila wala na ang kapa malaki laki kasi na invest nila excited pa nga mag pay out pero nabalitaan nalang nila magsirado hirap nga pag ganyan sitwasyon di mo na mababawi pera mo. Sana nga may mga kababayan natin wag pa dalos dalos mag invest na pera siguruhin natin dito SCAM.
Title: Re: Anong masasabi niyo sa KAPA? Na nagtrending
Post by: marcsymons on July 01, 2019, 03:58:37 AM
So sa huli, nalaman talaga na ito ay isang Ponzi scheme at kawawa naman ang mga nabiktima na hindi pa naka pay out at hindi na nilala mababawi ang pera nila. Sana naman matuto na sila na kapag walang feasible products or so good to be true ang ROI at laling hindi register sa SEC ay mag duda  na sila.
Title: Re: Anong masasabi niyo sa KAPA? Na nagtrending
Post by: zendicator on July 03, 2019, 05:22:20 AM
Minsan na rin ako nagpa loko sa malaking return na investment. 30% return ng Kappa ay halatang scam na ito. ginagamit lang nila yan para mag attract nga mga investors. Sabi nila wala pa daw may nagrereklamo na  na scam ng KAPA, hihintiyin pa ba natin na may ma scam bago ma aksyonan ng gobyerno?
Title: Re: Anong masasabi niyo sa KAPA? Na nagtrending
Post by: moonuranus on July 05, 2019, 11:34:12 AM
Unang tingin palang alam mo na na ponzi scheme talaga yan dahil ang pinangbabayad nila sa mga nag invest o tinatawag nilang "donate" kuno na may kapalit, ay kinukuha nila sa mga sumunod na mag iinvest. Kawawa naman talaga yung mga nag invest ng malaki dapat talaga umiwas tayo sa mga ganitong mga scheme.