Madami tayong hindi makatransact dahil sa fees at ayun na nga, nagkaroon bigla ng update si SEC tungkol kay Binance na ipapaban o remove nila sa Philippine market o google play store ang Binance. Kaya pati mga app users na sinasabing hindi apektado ay magiging apektado na. Ako, nakakaaccess pa rin sa desktop pero hindi na ako maglalakas ng loob mag log in at magtransact papunta kay Binance.
Same sakin, naaaccess ko pa naman Binance pero may times na automatically logged out yung account ko. Last week ko siya binuksan then ngyong week nagbukas ako naka logout nanaman siya. Hindi gaya noon na hindi naman madalas mag logout. Kaya mabuti nalang talaga na wala na akong naiwang funds sa Binance.
Yung request nila sa playstore, not sure kung kailan yun at kailan din mag take effect. Pero dadaan pa naman sa process yun, sana lang yung iba na kumakapit pa sa Binance maglipat na muna ng funds dahil baka isang araw pagka gising nila hindi na nila mabuksan ang account nila.
Meron atang logging in expiration kaya kahit mag log in ka ay may expiration tapos maauto log out tayo. Kapag iniisip natin na wala ng interes at ginagawa yung SEC, saka naman sila magkakaroon ng galaw katulad nalang ng announcement nila na iba-ban sa mga play store yung Binance app dahil nga may mga nakakaaccess pa din naman kay Binance gamit ang app nila, pero hindi pa rin yun sapat para maban dahil yung mga nakapagdownload, makakaaccess pa rin.
Not really sure sa logging expiration, kasi noon naman nag log out lang ang account ko every month or kung may update sa app. Pero ngayon ganun na ang nangyayare.
yung sa ginagawa naman ng SEC, by process kasi yan e. Siguro hindi lang sila nagpopost ng updates regarding sa ginagawa nila to completely block ang Binance app, pero nandun sila sa process na lahat ng need iblock ay gagawan na nila ng paraan.