Altcoins Talks - Cryptocurrency Forum

Local => Philippines (Tagalog) => Tulong para sa baguhan => Topic started by: crypto101 on April 01, 2019, 03:04:42 AM

Title: Wikang pinapayagan sa pagtuturo sa ating Local Board
Post by: crypto101 on April 01, 2019, 03:04:42 AM
May ilang katanungan lang po ako, Pinapayagan parin po ba ang pagtuturo ng Ingles dito sa local board natin? may nababasa lang akong gabay at may nababasa din akong post, lilinawin lang po natin para sa ating mga kababayan. Salamat po sa pagsagot 😎
Title: Re: Wikang pinapayagan sa pagtuturo sa ating Local Board
Post by: julerz12 on July 20, 2019, 02:54:38 PM
May ilang katanungan lang po ako, Pinapayagan parin po ba ang pagtuturo ng Ingles dito sa local board natin? may nababasa lang akong gabay at may nababasa din akong post, lilinawin lang po natin para sa ating mga kababayan. Salamat po sa pagsagot 😎

Dapat siguro Filipino dahil local board ito at dahil iyon ang pambansang wika nating mga 'Pinoy? (Question marked din po yan)
Pero kung ako masusunod, kahit tag-lish (Tagalog-English) pupwede na. Bakit? Known naman ang mga 'Pinoy na nakakaintindi ng English. That's actually one of our strong points as Filipinos and gives us competitive edge sa ibang mga lahi. So, kung naiintindihan naman ng mga kapwa kababayan natin, marahil ay walang problem kung Ingles o Filipino man ang gagamitin.
Title: Re: Wikang pinapayagan sa pagtuturo sa ating Local Board
Post by: crypto101 on July 21, 2019, 04:57:02 AM
At dapat lang na ipagmalaki natin ang sariling atin, unti unti na itong natatabunan ng ibang lenguwahi, gayahin natin yung ibang local board pag pumasok ka sa kanila ay wala kang ibang nakikitang wika na ginagamit nila, kundi mga sariling wika nila ang ginagamit kahit sabihin ng lahat na ang ingles ay international language.
Title: Re: Wikang pinapayagan sa pagtuturo sa ating Local Board
Post by: cryptoperry on July 23, 2019, 06:16:43 PM
Di maiiwasan ng iba na mag taglish dito kabayan pero dapat talaga ay mostly tagalog ginagamit na word dito sa local section natin.
Title: Re: Wikang pinapayagan sa pagtuturo sa ating Local Board
Post by: Cordillerabit on July 31, 2019, 05:03:53 AM
pag local board siempre wika natin ang gamitin da best yun kaibigan. pag labas ng local board siempre pinaka safe English gamitin natin na hindi dapat masyadong wrong grammar hehe kasi ganun din ako eh haha. para iwas penalty yun lang masasabi ko kasi di natin alam ang takbo ng utak ng mga global mod natin posibleng penalty agad tayo pag ganun.
Title: Re: Wikang pinapayagan sa pagtuturo sa ating Local Board
Post by: crypto101 on August 06, 2019, 10:38:48 AM
pag local board siempre wika natin ang gamitin da best yun kaibigan. pag labas ng local board siempre pinaka safe English gamitin natin na hindi dapat masyadong wrong grammar hehe kasi ganun din ako eh haha. para iwas penalty yun lang masasabi ko kasi di natin alam ang takbo ng utak ng mga global mod natin posibleng penalty agad tayo pag ganun.
salamat sa mga sagot, yung iba po kasi nating kababayan kahit pambansang wika natin ay tagalog ay nahihirapan sila kaya di nila maiiwasan na mag english..
Masasabi ko lang maganda yung ibang board nagkakaisa sila sa linguwahe nila.