Gusto lang ng mga kaaway nya na makulong siya pero hindi naman nila kayang gawin at wala silang strong evidence para gawin yun. Binabaling nila ang tunay na isyu sa bagyong kristine dahil sa lintek na pinagyabang ni BBM nung last sona nya na 5500 flood control abay nagreflect yung kasinungalingan nyang yun dahil sa Typhoon kristine.
Isipin mo hindi naman binabaha pero biglang binaha sa btangas, meaning hindi narmdaman yung Flood control na pinaglaanan ng 1,4B kada araw. Tapos yung nangyayari sa pambubuly nga ng China sa atin pilit pinagtatakpan ng mga lintek na hearing ng mga tuwad ay este huwadcom pala. Para lang hindi makita yung kapalpakan ng gobyerno na meron tayo ngayon.
Yan nalang lagi ang issue sa bansa natin. Kapag may mga importanteng bagay na dapat talakayin ay binabaling nila ang atensyon ng taumbayan sa ibang bagay. Nakakalungkot lang na walang accountability ang mga nakaluklok na mga opisyal ng gobyerno. Wala e, nasasanay na sila na sa mga mahihirap na sitwasyon imbes na tumutok ay ibabaling sa ibang bagay para hindi mapag usapan ang mga kapalpakan nila. Nakakalungkot lang pero mulat naman na ang sambayanan.
Yeah totoo yan kabayan kaya iniiwasan ko na lang makakita or makanuod ng news about pulitika para iwas stress pero may mahagip talaga eh lalo na kapag nabisita tayo sa ibang bahay tulad ngayon busy nanaman sila kakakalampag kay digong though about justice din yun pero marami ang dapat mas inuuna eh China is one inch closer to invade us bakit ko nasabi yan? Kasi ang mga barko ng chekwa at mismo mga tao nila nasa bansa na natin yung iba nagmimina pa na may basbas galing MGB. Dahil kasi more on pulitika kumbaga kaya gantihan na lang yam sila kung sino nakaupo pero ang main na problema ng bansa ay napababayaan na. Ang dapat kasi na ayusin ng gobyerno eh yung pagpapabilis ng acquisition or procurement nila ng mga defensive weapons ng bansa para naman magkaroon tayo ng pangil kasi kahit pa sabihin natin na madadaan sa bilateral talks wala din kwenta yan kasi yung isang party ay agressive at gumagawa ng propaganda at deception para matalo tayo kahit sa psychological warfare paano pa kaya kung di mo tapatan physically yan eh di magiging normal na lang na ibubully tayo ganun? so paano kapag nagwithdraw ang America ng kanilang mga troops and equipments for some reason, paano tayo? Eh di province of chekwa nga resulta satin diba? So dapat matagal nang ginawa yang modernization program eh saka buhusan ng malaki ang defense budget ng bansa may mga tao lang talaga na sarili lang iniisip kaya kampante lang sila na di tayo lulusubin dahil sa pansariling interes dagdag mo pa yung procurement plans na aabutin pa nang gyera bago makakuha ng panibagong asset na may "fitted for but not with" so good luck na lang talaga sa Pilipinas nating mahal.
hindi naman papayag ang US na bumili tayo ng mga weapons. remember that during the time of Marcos Sr. dinis-armahan tayo ng US dahil tayo ang may pinakamalakas na Army dito sa Asia nung panahon na yun. mas gusto nila kanila mang galing ang weapons at kadalasan yung luma na at yung refurbish nila. ganyan ang ally ng Pilipinas.
yung mga Chinese nandito na yan panahon pa lang ni Lapu-lapu. yung tinatawag nating mga Parian ay kulungan ng mga Chinese nung panahon na dumating yung mga Kastila. matagal na yung mga Chinese dito, in fact sila may-ari ng mga Malls dito sa Pilipinas.
Si Lucio Tan nga may-ari pa ng airline. ngayun na pina-privatize yung MIA, mga Chinese rin ang bibili nyan. hindi tayo aatakihin ng mga yan dahil walang dahilan. yung Taiwan nga hindi nila inatake tayo pa kaya. pero totoo yang mga nabili na nila yung mga politicians dito.
yang kay Alice Guo ay lantaran lang na pag-agaw ng mga properties nya at ng mga POGOs kahit may license.