At parang sa napapansin ko kasi kaya rin nila ibinan kasi mawawalan ang mga bako sa pinas ng mga nag sesave sa banko yung may mga interest dahil mas malaki ang mga offer ni Binance sa annually kumpara sa mga offer ng mga banko. Malamang mismong mga banko ang nag plano o nag hikayat sa SEC na iban ang Binance.
May punto ka rito kabayan pero kung pag-iimpok ang pag-uusapan ay napaka-delikado kung gagawin nating impukan ng ating pera yong Binance kasi nga hindi sila regulated ng ating gobyerno, alam naman natin kahit na malaki pa tong Binance ay may chance rin na ma-hack ito at ito yong dahilan para magsara at mawala yong ini-impok nating pera sa kanila.
Pero ilang beses nabang nagkaroon ng hack isyu ang binance? Diba ilang beses narin, at nung mga panahon na yun ay napatunayan naman ng binance na mahalaga sa kanila ang kanilang mga clients or users.
Imagine after ng mga pangyayari na ganung hacking isyu ay napanatili parin nila ang tiwala ng mga gumagamit ng kanilang platform., kumbaga napatunayan at napakita naman ng binance din sa kanilang mga users ang kahalagan ng bawat isa, though kailangan parin tlaga nilang magcomply sa Sec natin sa isang banda.
Bukod din kasi sa ibang bagay ay napatunayan narin kasi ni binance na mapagkatiwalaan sila na exchange sa ganitong klaseng uri ng crypto business.