Altcoins Talks - Cryptocurrency Forum

Local => Philippines (Filipino) => Topic started by: sirty143 on May 11, 2019, 01:02:19 PM

Title: Tapos na ba ang Bear Market at Bull Market na ba ngayon?
Post by: sirty143 on May 11, 2019, 01:02:19 PM
Halos lahat ng Top 100 Cryptos sa CMC ay kulay GREEN, 6 lang ang kulay PULA, at wow! 7.41% ang itinaas ng Bitcoin at nagkakahalaga ito ngayon ng $6,777.81 sa oras ng pagulat. Sa kasalukyan may total marketcap ito na $119,925,669,910 at trading volume na $23,372,709,098 sa nakalipas na 24-oras. Noong November 2018 matatandaan na nagsimulang bumulusok pababa ang Bitcoin mula $6,000 pababa at ngayon nga ay nagsisimula na itong umarangkada ulit.

Sa inyong palagay, magpatuloy kaya ito sa pagtaas? Mayroon ba kayong nakatabing Bitcoin sa coins.ph? Less than 1BTC ang natitira sa aking coins.ph wallet. Sayang dapat bumili ako noong January 2019 nasa $3000 level pa ang Bitcoin... akala ko bababa pa ito ng $1000 at saka ako bibili. Maling akala... anyways, sana magpatuloy pa ito sa pagtaas ng sa ganoon maraming mga Pinoy bitcoiners na nagho-hodl ng Bitcoin ang maging masaya.
Title: Re: Tapos na ba ang Bear Market at Bull Market na ba ngayon?
Post by: shadowdio on May 11, 2019, 03:27:36 PM
Sa kilos ng bitcoin ngayon mukhang nagpaparamdam na yung bull market, unti unti na rin tumataas ang altcoins , mukhang magandang bumili ngayon baka tataas pa to.
Title: Re: Tapos na ba ang Bear Market at Bull Market na ba ngayon?
Post by: alstevenson on May 11, 2019, 03:31:14 PM
Actually ang hirap talagang ipredict ng market ngayon kung saan papunta pero ako talaga personally napakabullish ko sa kabuuan ng merkado ng crypto pero parang may hindi pa natatapos ang bear market at maaari pang bumaba ulit ang presyo (sa aking palagay lamang dahil walang sapat na batayan kung bakit tumataas ang presyo ng bitcoin, puro manipulasyon lamang).
Title: Re: Tapos na ba ang Bear Market at Bull Market na ba ngayon?
Post by: sirty143 on May 11, 2019, 04:23:15 PM
Sa kilos ng bitcoin ngayon mukhang nagpaparamdam na yung bull market, unti unti na rin tumataas ang altcoins , mukhang magandang bumili ngayon baka tataas pa to.

Dapat noong mababa pa ang presyo, pero ok pa rin naman bumili ngayon. Halos ganyan din ang presyo ng Bitcoin noong 2017 ng bumili ako sa coins.ph maliit nga lang kaya ang laki ng aking panghihinayang ng umabot mahigit 1M PHP ang 1 Bitcoin.

Actually ang hirap talagang ipredict ng market ngayon kung saan papunta pero ako talaga personally napakabullish ko sa kabuuan ng merkado ng crypto pero parang may hindi pa natatapos ang bear market at maaari pang bumaba ulit ang presyo (sa aking palagay lamang dahil walang sapat na batayan kung bakit tumataas ang presyo ng bitcoin, puro manipulasyon lamang).

May mga news articles akong nai-share dito...

https://zycrypto.com/bitcoin-leaves-altcoins-behind-in-its-dramatic-bullish-run/
https://zycrypto.com/bitcoin-btc-is-well-above-6700-altcoins-follow-bullish-lead/
https://www.coindesk.com/above-6000-bitcoins-price-spikes-to-6-month-high

(https://static.coindesk.com/wp-content/uploads/2019/05/Screen-Shot-2019-05-09-at-11.26.23-am.png)

Title: Re: Tapos na ba ang Bear Market at Bull Market na ba ngayon?
Post by: moonuranus on May 11, 2019, 05:02:45 PM
Tingin ko mukang tapos na nga ang bear market dahil mahigit isang buwan narin simula ng umarangkada ang bitcoin mula sa 4k patungo sa 6k grabe ang itinaas at tuloy tuloy pa sya, bullrun na nga ata ito
Title: Re: Tapos na ba ang Bear Market at Bull Market na ba ngayon?
Post by: kreiskleidolon on May 12, 2019, 09:01:13 AM
Ehhhhhmm mahirap sabihin na tapos na ang bear market. Pero para sakin  usang buwan ng nakakalipas ng nag lago ito at mahigit tinaas nito at altcoin tumaas rin mga sir  at ang presyo ng bitcoin. Legit na
Isipin ninyo higit 1 bitcoin  converted to php wow.
Title: Re: Tapos na ba ang Bear Market at Bull Market na ba ngayon?
Post by: sirty143 on May 12, 2019, 03:07:02 PM
~nip~ simula ng umarangkada ang bitcoin mula sa 4k patungo sa 6k grabe ang itinaas at tuloy tuloy pa sya, bullrun na nga ata ito

Marahil nga nagsisimula ng umarangkada ang Bitcoin. Sa loob lang ng 48-oras $1,000 ang itinaas nito at matagumpay niyang naabot at nalampasan ang $7,000 na antas at ngayon nga ay naglalaro ito sa presyong $7,103.26 sa panahon ng pagsulat.

Title: Re: Tapos na ba ang Bear Market at Bull Market na ba ngayon?
Post by: comer on May 13, 2019, 03:31:25 PM
mukhang pumasok na nga ang bull market, nagsimula ito noong unang week ng april at hanggang ngayon patuloy parin itong tumataas. Sana nga eh mag tuloy tuloy pa ito medyo hindi pa ako nakaka bawi sa nakaraang taon. negative parin ang investment ko.. na hack yun binance tapos may mga negatibo pang.mga balita na lumapas pero hindi yun naging dahilan para bumagsak ang merkado kaya sa tingin ko nag umpisa na talaga ang bull market.
Title: Re: Tapos na ba ang Bear Market at Bull Market na ba ngayon?
Post by: sirty143 on May 14, 2019, 12:53:45 PM
mukhang pumasok na nga ang bull market, nagsimula ito noong unang week ng april at hanggang ngayon patuloy parin itong tumataas. Sana nga eh mag tuloy tuloy pa ito medyo hindi pa ako nakaka bawi sa nakaraang taon. negative parin ang investment ko.. na hack yun binance tapos may mga negatibo pang.mga balita na lumapas pero hindi yun naging dahilan para bumagsak ang merkado kaya sa tingin ko nag umpisa na talaga ang bull market.

Ang bull market ay nagsimula noon pang December 2018 medyo hindi lang halata, naging kapansin-pansin na ito ng magsimula ang January 2019. Pagmasdan ninyo ang Bitcoin Char (https://coinmarketcap.com/currencies/bitcoin/#charts)t, at Bitcoin Historical Data (https://coinmarketcap.com/currencies/bitcoin/historical-data/?start=20180514&end=20190514).
Title: Re: Tapos na ba ang Bear Market at Bull Market na ba ngayon?
Post by: Zurcemozz on May 14, 2019, 01:21:49 PM
Sana tumaas pa ung presyo nito, para maraming value pa na pwede pang maingat, at maapektuhan ung ibang altcoins, especially ung mga hold kong coins, sana please maramdaman ko ung tunay nilang sinasabi na payaman ang Cryptoworld !
Title: Re: Tapos na ba ang Bear Market at Bull Market na ba ngayon?
Post by: sirty143 on May 14, 2019, 04:16:21 PM
Sana tumaas pa ung presyo nito, para maraming value pa na pwede pang maingat, at maapektuhan ung ibang altcoins, especially ung mga hold kong coins, sana please maramdaman ko ung tunay nilang sinasabi na payaman ang Cryptoworld !

Marahil malaki-laki ang naka-hodl mong Bitcoin!? :) Well, kahapon ang presyo ng Bitcoin ay $8,047.41, at kaninang 05:59:34 AM (forum time) ang presyo nito ay $7,919.69. Ngayon sa oras ng pagsulat, ang presyo nito ay $8,170.38, bale tumaas siya ng 9.66%.
Title: Re: Tapos na ba ang Bear Market at Bull Market na ba ngayon?
Post by: micko09 on May 15, 2019, 06:37:42 AM
marahil my mga chances padin ang pagbaba nito, pero maganda na ito sinyales na unti unti na itong tumataas at sana magtuloy tuloy pa ito sa susunod na mga araw.
Title: Re: Tapos na ba ang Bear Market at Bull Market na ba ngayon?
Post by: alstevenson on May 16, 2019, 01:34:47 PM
marahil my mga chances padin ang pagbaba nito, pero maganda na ito sinyales na unti unti na itong tumataas at sana magtuloy tuloy pa ito sa susunod na mga araw.
Yes malaki pa ang tyansa na mas lalong bumaba ang presyo ng bitcoin o ng kabuuang merkado. Walang sapat na batayan ang pagangat ng presyo nito, ang ETF ay namove na naman. At wala kong nakikitang good news na sumuporta sa pump na ito.
Title: Re: Tapos na ba ang Bear Market at Bull Market na ba ngayon?
Post by: sirty143 on May 16, 2019, 04:14:54 PM
Kung bumaba man siya marahil mga ilang porsyento lang, kagaya ngayon sa oras ng pagsulat, -1.27% ang ibinaba ng Bitcoin at naglalaro ito sa presyong $7,878.59. Maraming expert at analyst ang nagsasabi na ito ay aabot at lalampasan ang $10,000 mark bago matapos ang buwang kasalukuyan. Kaya pag-isipan ninyong mabuti kung bibili kayo o hindi.
Title: Re: Tapos na ba ang Bear Market at Bull Market na ba ngayon?
Post by: jet on May 16, 2019, 05:14:08 PM
Kung bumaba man siya marahil mga ilang porsyento lang, kagaya ngayon sa oras ng pagsulat, -1.27% ang ibinaba ng Bitcoin at naglalaro ito sa presyong $7,878.59. Maraming expert at analyst ang nagsasabi na ito ay aabot at lalampasan ang $10,000 mark bago matapos ang buwang kasalukuyan. Kaya pag-isipan ninyong mabuti kung bibili kayo o hindi.
parang malabo lumagpas ng $10000 bago matapos ang May... parang maglalaro lang ito sa $8k to $9k bago matapos ang buwang na ito.. napansin ko si btc sa  above $8.5k kaya lang parang napaso biglang bumalik sa $7.9k parang may nag pump ng price temporarily kaya di niya na sustain yun pressure at biglang bumagsak sa below $8k.
Title: Re: Tapos na ba ang Bear Market at Bull Market na ba ngayon?
Post by: Zurcemozz on May 17, 2019, 08:33:15 AM
Mukhang nag iiba ang ikot ng market ngayon guys, pag tingin ko sa coinmarket cap kanina halos, puro red ang market, medyo tagilid pa ata ang bullrun natin, Hope na sana wag, Please sana mag continue ang BullRun this year, para sa ikabubuti ng lahat.
Title: Re: Tapos na ba ang Bear Market at Bull Market na ba ngayon?
Post by: ZionRTZ on May 17, 2019, 09:09:27 AM
May major sell off na nagaganap ngayon. Pababa na naman ng pababa. Mukhang hindi pa tayo nakakaalis sa bear market. Ewan ko lang kung magkaroon ng matibay na support sa $7K.
Title: Re: Tapos na ba ang Bear Market at Bull Market na ba ngayon?
Post by: micko09 on May 17, 2019, 09:32:53 AM
Mukhang nag iiba ang ikot ng market ngayon guys, pag tingin ko sa coinmarket cap kanina halos, puro red ang market, medyo tagilid pa ata ang bullrun natin, Hope na sana wag, Please sana mag continue ang BullRun this year, para sa ikabubuti ng lahat.

Normal lang na mag red sya dahil kakagaling nya lang sa mataas na presyo. As trader once na ang isang coin tumaas at nabili mo ng mas mababang presyo, opportunity to para mag sell, thats why nag rered sya.. and magugulat ka pag nag red sya mag ggreen bigla sya dahil maraming bibili ng mas murang presyo.