Altcoins Talks - Cryptocurrency Forum

Local => Philippines (Filipino) => Balita Cryptocurrency => Topic started by: RianDrops on March 28, 2018, 03:20:02 PM

Title: Bitcoin sa Perspektibong Pangekonomiya
Post by: RianDrops on March 28, 2018, 03:20:02 PM
Ayon sa gobyerno ng Pilipinas, inaasahang magkaroon ng 7% na paglaki sa ekonomiya ng Pilipinas ngayong taong 2015. Habang nananatiling napakaoptimistiko pa ang pamahalaan mula sa mahinang paglaki noong unang kapat na nagpakita ng pinakamababang pagangat sa ekonomiya sa tatlong taon nang nakalilipas. Sinabi naman ng World Bank na makakatulong ang pagkakaroon ng mga remittance at pagbagsak ng presyo ng langis sa ekonomiya. Kaya paano naman maaring pumasok ang bitcoin dito sa ating pagsasadula?

Sangkatutak ng mga remittance ang napapadala at natatangap mula sa ating mga kababayang nagibang bansa, o ang mga Overseas Filipino Workers. Gaya na lang sa sinabi ng World Bank, ang mga padala ay mas lalong makakatulong sa pagangat at paglaki ng ekonomiya, lalong lalo na salamat sa mga bagong serbisyong kakapasok pa lang sa publiko, tulad ng Rebit.ph, Coins.ph at Palarin.

Tulad nang sinabi sa ating isa pang artikulo na sinasabi kung paano pinapadali ng bitcoin ang pagpapadala ng pera ng mga OFW sa kanilang mga pamilya, maasahang mapapadali rin ang pagangat ng ekonomiya sa paggamit ng mga nito.

Ayon ulit sa World Bank, ang Pilipinas ang pangalawang pinakamalaking bansang gumagamit ng remittance sa buong mundo. Sinasabi noong 2010 na $21 bilyon ang napadala sa Pilipinas, at lalong tumataas ito. Kaya hindi lang makakatulong ang mga remittance sa ating mga kababayan, maangat rin ang ekonomiya at mapapalawak rin ang paggamit ng bitcoin dito sa ating bansa.

Ang bitcoin ay isang napakabatang cryptocurrency, at tutuloy pa ang paglaki nito sa Pilipinas, lalong lalo na na makakatulong ito sa buhay ng napakarami nating kapamilyang nasa ibang bansa. Mayroon na ngang mga malalaking komunidad at mga kumbensyong ginaganap buwan buwan. Sa huli at sa hinaharap, mukhang may benepisyo ang pagsamasama at pagkampi ng ekonomiya ng Pilipinas at ang paggamit ng bitcoin dito sa ating bansa at sa buong mundo.


Source:https://ph.newsbtc.com/2015/07/15/bitcoin-sa-perspektibong-pangekonomiya/ (https://ph.newsbtc.com/2015/07/15/bitcoin-sa-perspektibong-pangekonomiya/)