Altcoins Talks - Cryptocurrency Forum

Local => Philippines (Filipino) => Topic started by: crypto101 on June 20, 2019, 04:54:28 AM

Title: Anong mangyayari sa Crypto Currency mo kung mawawala ka na?
Post by: crypto101 on June 20, 2019, 04:54:28 AM
Ang buhay natin ngayon ay di natin hawak kung kelan tayo mawawala dito sa mundong ibabaw.
Kaya naitanong ko ang tungkol dito..

Paano kung mawala ka dito sa mundo or biglaan ang pagka-aksidente mo sino ang makikinabang sa mga crypto currency mo na nakalagay sa iba't ibang digital wallet? trx, btc, eth, at iba pang mga digital currency na meroon ka.

Doon sa mga naniniwala na ang fiat money ay kayang higitan ng crypto currency at magiging totoong pera natin  sa digital world, maaari din ba na magkaroon ng family benificiary ang crypto katulad sa fiat money na idinideposito natin sa mga banko? kung sakali man mawawala tayo, mapakinabangan ng pamilya natin at may magki-claim.
Title: Re: Anong mangyayari sa Crypto Currency mo kung mawawala ka na?
Post by: micko09 on June 20, 2019, 10:38:48 AM
madami na din nagtanong ng ganyan sa kabila if ever nga daw mamatay ang isang tao merong cryptocurrency, ung ibang nababasa ko sinisave nila sa USB lahat ng files about sa kanilang Crypto, ung iba gagawa daw ng video para turuan kung sino man ung mapag iiwanan nito.
Title: Re: Anong mangyayari sa Crypto Currency mo kung mawawala ka na?
Post by: marcsymons on June 21, 2019, 12:09:52 PM
Kung walang may alam ng crypto wallets at accounts mo ay tiyak mawawala ang pinaghirapan na crypto assets mo. Kaya ngayon palang turuan mo na ang pinakamalapit na mahal mo sa buhay like asawa or anak para in case may mangyari sayo na masama alam na nila ang gagawin.
Title: Re: Anong mangyayari sa Crypto Currency mo kung mawawala ka na?
Post by: comer on June 21, 2019, 12:23:04 PM
We are not yet to that level mate! decentralize kasi ang crypto at paasword or private key lang ang kailangan para ma access mo ang iyong funds. basically, if mawawala ka, it would also mean losing your funds. unless, sinabihan mo yun kapa milya mo at binigay mo sa kanya yun keys to access your funds. sigurado ma recover yun pero pag wala... GOODBYE na ang ibig sabihin nyan kasabay ng iyun paglisan ay ang pagka wala ng iyun pinag hihirapan.
Title: Re: Anong mangyayari sa Crypto Currency mo kung mawawala ka na?
Post by: Zurcemozz on June 22, 2019, 01:22:13 PM
then all of your hardwork will go to waste, and nobody vcan open your account without giving them the idea of how to do it. Hindi siya tulad sa totoong buhay na kung ikaw man ay mawala ay pwede parin nila matangap ang pera mo as insurance.
Title: Re: Anong mangyayari sa Crypto Currency mo kung mawawala ka na?
Post by: crypto101 on June 23, 2019, 08:25:28 AM
Habang nabubuhay pa tayo mahirap din ipagkatiwala sa kamag-anak yung usb mo pag pera na ang pa-uusapan.. sayang yung pinagpaguran mo tapos iba ang makinabang, sa tingin ko lang hindi din safe na ilagay mo lang ito sa usb, paano kung may ibang makapulot nito eh di sila yung makinabang. Ano pa kayang ibang paraan nito?
Title: Re: Anong mangyayari sa Crypto Currency mo kung mawawala ka na?
Post by: Davenethan07 on June 28, 2019, 08:11:39 AM
Habang nabubuhay pa tayo mahirap din ipagkatiwala sa kamag-anak yung usb mo pag pera na ang pa-uusapan.. sayang yung pinagpaguran mo tapos iba ang makinabang, sa tingin ko lang hindi din safe na ilagay mo lang ito sa usb, paano kung may ibang makapulot nito eh di sila yung makinabang. Ano pa kayang ibang paraan nito?

Para sa akin maganda pag na store ito sa email mo at transparent ka sa asawa mo sa mga detalye ng iyong mga asset. Ang email ang pinakamagandang paraan at secure na paglalagyan ng iyong cryptocurrency coins and tokens. Di ito nabubura at ang importante linked ito sa mobile number mo at alam ng pamilya mo ang password nito. Di pangmatagalan ang usb masisira din yan kalaunan, mas mabuti sa email or sa google keep mo ilagay ang mga private access nito dahil naka save ito sa server nila.
Title: Re: Anong mangyayari sa Crypto Currency mo kung mawawala ka na?
Post by: crypto101 on June 29, 2019, 08:32:49 AM

May ilang mga nagsasabi kabayan na di daw maganda maglagay ng mahahalagang bagay sa online server, katulad ng password at mga documents sa bangko, pwede itong mahack at makukuha pa ng iba lahat ng impormasyon mo kung magkataon.
mukhang safe pa ito siguro kung isusulat lang sa papel or booklet at itago.
Title: Re: Anong mangyayari sa Crypto Currency mo kung mawawala ka na?
Post by: zendicator on June 29, 2019, 08:12:48 PM
Maaaring sulosyonan yan sa pamamagitan ng regulasyon sa ating bansa o di kaya ay magpapatupad ng batas na kilalanin ang crypto bilang asset para mayroong proteksyon ang ating tagapag mana kapag mawala na tayo. Isang malawakang pag aaral ang kakailanganin para mapatupad ang mga ganyan.
Title: Re: Anong mangyayari sa Crypto Currency mo kung mawawala ka na?
Post by: crypto101 on July 02, 2019, 06:27:43 AM
Maaaring sulosyonan yan sa pamamagitan ng regulasyon sa ating bansa o di kaya ay magpapatupad ng batas na kilalanin ang crypto bilang asset para mayroong proteksyon ang ating tagapag mana kapag mawala na tayo. Isang malawakang pag aaral ang kakailanganin para mapatupad ang mga ganyan.
Sana nga masulosyunan ito kabayan lalo na kung parami ng parami ang gumagamit nito sa ating bansa, sa ngayon wala pa naman siguro sa kalahati ang gumagamit nito at nakakaalam lalo na sa liblib na lugar at mga probinsya. Kung kilalanin ito ay dapat lang na mabigyan ito ng proteksyon para sa mga pamilyang naiwan at naulila.
Title: Re: Anong mangyayari sa Crypto Currency mo kung mawawala ka na?
Post by: rakitzogi on December 04, 2020, 04:28:39 PM
Oo nga naisip ko din yun. Siguro nga magandang topic ito kasi kasama na din ng mga tao dito talaga ang Cryptocurrency. Magandang paalala ito para hindi masayang ang pinaghihirapan natin sa mga sinasalihan na kung sakali man maksidente. salamat sa tips
Title: Re: Anong mangyayari sa Crypto Currency mo kung mawawala ka na?
Post by: Quantum X on December 04, 2020, 04:33:47 PM
Ang sa akin kabayan nakasulat sa isang notebook ang lahat ng info ng wallet ko at nakikita nila. Kaya kung mawala man ako alam nila yon at Hindi ako manga gamba dahil may mga alam kakilala kami na may alam din sa cryptocurrency.
Title: Re: Anong mangyayari sa Crypto Currency mo kung mawawala ka na?
Post by: Gostudio on December 09, 2020, 02:28:19 AM
Ang sa akin kabayan nakasulat sa isang notebook ang lahat ng info ng wallet ko at nakikita nila. Kaya kung mawala man ako alam nila yon at Hindi ako manga gamba dahil may mga alam kakilala kami na may alam din sa cryptocurrency.

Ganyan din ang ginagawa ko sir. Mas maigi na ilista sa papel upang hindi makalimutan. Kailangan din itong ingatan. Shalom, shalom.
Title: Re: Anong mangyayari sa Crypto Currency mo kung mawawala ka na?
Post by: Donken on December 10, 2020, 02:34:05 PM
Kabayan kung walang may alam tungkol sa cyrpto wallets at sa account mo ay siguradong mawawala ang pinagharapan mo. Ang kelangan mong gawin ay ikalat mo ang nalalaman mo dito kagaya ng iyong pamilya kapag ito ay lilinasin mo na .