Altcoins Talks - Cryptocurrency Forum
Local => Philippines (Filipino) => Topic started by: jdcruz1412 on March 31, 2018, 06:03:17 PM
-
Ang dahilan ng pagbabago ng presyo ng isang bagay ay pwedeng mahati sa mga sumusunod:
• Technical Analysis - Ang pag-aaral sa mga nakalipas na presyo, dahil kung pag-aaralan mabuti ang mga nakalipas na presyo ay merong makikitang pattern kung kailan tumataas at bumababa ang presyo ng isang bagay.
• Fundamental Analysis - Ang pag-aaral ng mabuti sa mga produkto, sa kung sino ang nagpapatakbo, at sa katayuan o ano ang kasalukuyang nangyayari sa isang produkto, dahil kung ang isang bagay ay maituturing na magandang produkto, ang nagpapatakbo ay mapagkakatiwalaan, at magaganda ang balitang lumalabas ukol dito sigurado na ang presyo ng bagay na iyon ay tataas.
• Price Manipulation - Ang anumang pag manipula sa presyo ng isang bagay, maaaring ang presyo ay pataasin o pababain. Karaniwang halimbawa nito ay ang Pump and Dump.
Pero ayon sa theorya ng nagpost sa medium meron pang isang bagay na dapat tignan at ito ay ang Cartel.
Ano nga ba ang Cartel?
Ang Cartel ay organisasyon na ginawa ng mga grupo ng mga nagmamay-ari o mga supplier ng isang produkto upang kontrolin ang supply ng produktong kanilang ibinebenta para manipulahin ang presyo ng produktong iyon. Katulad ng nabalitang cartel ng bawang dito sa Pilipinas kung saan umabot hanggang 200pesos kada kilo ang bawang, ngunit ang ginagaya ng cartel sa bitcoin ay hindi pataasin ang presyo nito kundi pababain ang presyo.
Nagmula ang kanyang theorya sa pahayag ni Leo Melamed, ang chairman ng CME Group (dating the Chicago Mercantile Exchange), "We'll 'Tame' Bitcoin"
Ano nga ba ang ginagawa ng Cartel na ito sa bitcoin?
Ang ginagawa ng Cartel ay hindi price manipulation kundi price suppression kung saan kapag tataas na ang presyo ng bitcoin ay mas lalo pa nila itong pinapababa.
Credits to Super Crypto, the original poster in medium
https://medium.com/@super.crypto1/4th-dimension-bitcoin-manipulation-cartel-can-it-be-burnt-no-way-c53de65c166a
Ang presyo ng bitcoin ay pababa ng pababa, ano sa tingin ninyo? Totoo kaya na may cartel ang bitcoin o natural correction lang talaga ang nangyayari dahil na rin sa biglaan ding tumaas ang presyo ng bitcoin?
-
Laking tulong nito paps salamat dito sa inpormasyon ns ito ohh
-
I don't know if totoo ang cartel paps. Pero feel ko parang hindi naman.
-
Di yan totoo paps kasi pag may cartel sana noon pa na manipulate ang price ng bitcoin. Kaya nag kaganyan ang bitcoin dahil sa mga negative news na nagsisilabasan kagaya ng banning all crypto adds sa google,twitter at facebook yan ang dahilan kaya nag bagsak presyo ang bitcoin kasi that negative news ay malaking hadlang sa pag angat ng bitcoin or crypto kaya ganyan ang price o value ng bitcoin sa ngayon.

Sad to say paps. Yan nga ang dahilan sa pagbagsak ng price ng btc. idagdag pa ang banning of crypto sa ibang bansa. At ang pagpapasara ng mga porn sites na gimagamit ng btc.
-
Kung sakaling totoo man yan Cartel na yan mahirap kalaban mga yan dahil mga bigtime mga yan. Mga taong wala magawa sa buhay. Pero wala tayong magagawa sa pagtaas at pagbaba ng bitcoin. Go with the flow lang tayong mga Filipino kaya ignore lang about jan. Nakakstress kasi isipin ang mga ganyan.

Go with the flow kung balyena ka. Pero kung umaasa ka lang sa bounties at airdrops, eh mahirap yun.
-
ako hindi naniwala na mayrong cartel sa bitcoin kong mayron man ganong balita fake news yan,siguro gawa yan sa mga taong gusto lang nilang siraan ang bitcoin.alam natin na aside sa bitcoin may ibang crypto currency ngayon sa market,hindi kaya ito ay gusto lang nilang siraan ang popularity ng bitcoin para bigyang daan ang ibang crypto currency na sumikat
-
Salamat sa impormasyon kabayan, ngayon ko lang ito narinig at masasabi kong useful para sa akin.