Altcoins Talks - Cryptocurrency Forum
Local => Philippines (Filipino) => Topic started by: Zed0X on October 16, 2019, 11:13:17 AM
-
There is this group, na ngayon ko lang nalaman, called the Better Than Cash Alliance (BTCA) conducting surveys sa mga digital transactions. They submit their report to the Bangko Sentral (BSP) and according to BSP, encouraging daw yung preliminary result. The full report is expected to be submitted by the end of the month or by next month.
Unknown to many, meron na din pa lang earlier efforts to increase the use of digital payments sa ating bansa. Dati kasi, nasa 1% lang daw (2013) at ang target ngayon ng BSP ay maging 20% by 2020. Through the launching of the National Retail Payment System (NRPS), nagkaroon ngayon ng PESONet (Philippine EFT System and Operations Network) at InstaPay
Pamilyar naman tayo na available ang InstaPay sa app na madalas natin gamitin (CoinsPh) at sa Gcash na din. Sa huling datos ng BSP, umabot na sa P20.92 billion ang InstaPay transactions with 2.47 million transactions. Sa palagay ko malaki-laki ang naiambag nating mga Pinoy crypto enthusiast sa bilang na yan.
Sa bansa na nagsusulong ng cashless (o fiat-less) payments at bukas sa blockchain & cryptocurrency, mukhang maganda ang hinaharap nating mga sumusuporta sa crypto.
References:
- https://www.philstar.com/business/2019/10/07/1957947/bsp-sees-encouraging-rise-cashless-transactions/amp/
- https://bitpinas.com/news/cashless-transaction-rising-philippines/
I have already posted a similar topic in another forum
-
salamat sa iyong pagbabahagi dito kabayan, magandang role yan para sa ating mga nagki-crypto, about naman sa pesonet may meaning din pala yang iba hahah. Pero wala pa sa kalahati ang gumagamit ng digital currency sa ating bansa at sana mahikayat pa natin ang ilang mga kababayan natin dito at maniniwala pagdating sa crypto.
-
helpful na kaalaman ito na dapat malaman din ng iba salamat pagbabahagi kaibigan keep up happy 2 years anniversary nga pala dito sa altcoinstalks
#reward
-
helpful na kaalaman ito na dapat malaman din ng iba salamat pagbabahagi kaibigan keep up happy 2 years anniversary nga pala dito sa altcoinstalks
#reward
wow, happy 2 years anniversary, may pa give away po ba sila dito kabayan
-
Good news to kabayan, unti-unti nang dadami ang cashless transactions dito sa ating bansa at pagtagal tagal ay makikilala na nila ang cryptocurrency. Digital currency talaga ang future ng ating bansa at tingin ko unti-unti nang nagaadopt ang mga bangko at baka gumawa na din sila nt kanilang token or coin para makasabay.
-
Sa palagay ko, nagsusurvey na ang Bangko Sentral ng Pilipinas para i adopt ang digital currency sa bansa. Kahit alam nila na marami na sa mga pilipino ang nag ccrypto, hindi nila ito ipinagbabawal at isa ito sa mga senyales na open ang bansa natin sa ganitong technolohiya at sana makitaan ng positibong resulta ang cashless transaction para papasakin na nila ng blockchain space.
-
Sa palagay ko, nagsusurvey na ang Bangko Sentral ng Pilipinas para i adopt ang digital currency sa bansa. Kahit alam nila na marami na sa mga pilipino ang nag ccrypto, hindi nila ito ipinagbabawal at isa ito sa mga senyales na open ang bansa natin sa ganitong technolohiya at sana makitaan ng positibong resulta ang cashless transaction para papasakin na nila ng blockchain space.
Yup as far as I know patuloy pa din ang pagreresearch nila patungkol sa cryptocurrency simula pa noong 2017 (last bull run). And as a result of this mas lumalago pa ang adopsyon ng cryptocurrency sa ating bansa. Ang isa sa mga pinakamagandang resulta nito ay yung bitcoin atm ng unionbank at mga stablecoin ng ibang bangko.