Altcoins Talks - Cryptocurrency Forum
Local => Philippines (Filipino) => Balita Cryptocurrency => Topic started by: RianDrops on April 07, 2018, 02:17:03 PM
-
Inaresto ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Anti-Organized Crime Unit ang umano'y lider ng isang investment scam na tumangay ng milyong piso sa mga na-engganyong mamuhunan sa bitcoin.
Bangko Sentral on bitcoins: Study it 'very closely'
Beware of scams using bitcoin, cryptocurrencies, SEC warns
Arestado si Arnel Ordonio, may-ari ng kompanyang NewG, isang investment company na nanghihikayat umano ng mga mamumuhunan.
Ayon sa biktimang si Rotskie Bautista, nahikayat umano siya na mag-invest ng mga kaibigan noong Oktubre.
Noong una raw ay natuwa siya dahil lumalago ang kaniyang pera pero nang lumaon, hindi na niya nakukuha ang ipinangakong kita.
"Minsan umaabot na ng 100 percent ang kita...October to December, good siya, minsan advanced ko pa nakukuha," paliwanag niya kaya hindi siya naghinala.
Lima ang sinampahan ng kaso ng mga biktima ng bitcoin investment scam
Bukod sa Department of Justice, nagsampa rin ng reklamo ang ilang mga biktima sa Marikina Prosecutor's Office.
"Bitcoin is being used to get investment, parang iyun 'yung way of enticement through the investors. 'Yung parang P25,000 mo is magiging P50,000 in 16 days," ayon kay Atty. Maggie Abraham, abogado ng mga biktima.
Nalaman pa ng mga biktima na walang lisensiya ang kompanya ni Ordonio na tumanggap ng investment dahil nakarehistro pala ito na computer shop.
Aminado si Bautista na malabo nang maibalik pa ang P15 milyon nilang ipinuhunan.
Kinumpirma naman ng CIDG na hawak na nila si Ordonio pero tumanggi silang magbigay ng ano mang detalye.
Anila, ihaharap sa Martes si Ordonio sa isang press conference ni outgoing Philippine National Police (PNP) Chief Ronald Dela Rosa.
--Ulat ni Maan Macapagal, ABS-CBN News
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Share
Save
Facebook
Share on Twitter
GPlus
LinkedIn
Read More: PatrolPH Tagalog news balita scam bitcoin investment investment scam TV Patrol TV Patrol Weekend Maan Macapagal
source: http://news.abs-cbn.com/news/04/07/18/lider-ng-umanoy-bitcoin-investment-scam-arestado
-
Ayan ang mahirap sa panahon ngayon masyadong sakin na sa pera dapat lang na makulong lalo na pag sobrang laking pera ang halaga ang na scam.
-
Due process talaga ang batas ngayon kong may mga katiwalaan kailangang pagbayaran. What he did is what he get ganyan lang naman talaga mangyayari.
-
Haha sa huli wlang nagwawagi na ksamaan kya always do right kahit malaki man makuha mong pag galing da kasamaan mabilis lang yan mawawala haha sasakluban ka a ng langit at lupa
-
Dapat talaga makulong yung mga ganitong uri ng tao. Nandadaya sila at nagnanakaw para lang magkapera at yan ang dahilan kung bakit nasisira ang imahe ng bitcoin dito sa pilipinas. Sana naman ay hindi na maulit ang ganitong mga balita. Dapat din yung mga nag iinvest ay suriin muna ng maigi kung legit ba or trusted ang kanilang sasalihan.
-
Diyan kayo nararapat sa kulongan mga scammers, ng dahil sa inyo medyo nasira talaga ang imahe ng bitcoin dito sa atin dahil sa mga kagagawan ninyo. Akala tuloy ng parents ko na scam yung ginagawa ko kasi na headline daw yung bitcoin na scam.
-
yan ksi ii dpat ksi nag trabaho nlang kau ng marangal ng scam p kau kawawa nman yung mga nbiktima .
at marami tuloy ndi n mga nniniwala sa bitcoin kc scam daw
-
ang dami na talagang tao nang luluko sa kapwa para lang makuha ng madaliang pera ,dapat maging aware tayo mga kapatid sa mga taong ganyan mahirap na baka maluko tayo, kawawa na man ang bitcoin na dumihan tuloy ang name niya.
-
Talagang masasabi natin na madaming mandurogas na mga tao ngayon pero madami din ang nagpapaloko dahil sa wala silang alam about crypto at yan ang kinakabahala ko kase nasisira ang pangalan ng bitcoin dahil sa walang kwentang mga tao.
-
Mabuti naman kung ganon para hidi na maka Scam pa sa iba or makaluko pa...dapat sa mga ganyan matuto din silang magtrabaho ng maayos wag yong puro panluluko sa kapwa.
-
ito ang isa sa pinakamasakit para sa atin. dahil sa mga taong ganito bumavava ang merkado ng crypto at natatakot ang mga baguhan mag invest dahil sa ganitong mga tao.
-
magandaǹg balita yan dapat talagang mahuli ang ganyang mga tao,at maganda din balita nagpatunay lang na sikat na ang bitcoin kaya maraming tao napaniwala akala nila totoo
-
Buti naman naaresto ndin sila. >:( >:(Dahil sa hirap ng buhay kaya nagawa din nilang gumawa ng paraan para makapang gantso sa kapwa nila.Sana naisip din nila na yung mga investor,dugo at pawis rin ang naging puhunan para makapag invest na nagbabasakali na lumago ang pera nila.