Altcoins Talks - Cryptocurrency Forum

Local => Philippines (Tagalog) => Topic started by: Zed0X on January 25, 2020, 10:52:00 AM

Title: Coins.ph and other crypto app/wallet scams
Post by: Zed0X on January 25, 2020, 10:52:00 AM
Habang nagbabasa ako ng advisory sa coinsph at mga comments ng mga nabiktima ng recent phishing scam, me nabasa akong nakakatawang comment. Pati pala coins pinatos na din ng mga low life scammers.

(https://i.postimg.cc/d0k7r8zT/Untitled.png)

Meron din sila mga mga made up accounts para patunay kunwari na legit yung promo nila
(https://i.postimg.cc/Nj4hDSv3/Untitled.png)

Syempre, karamihan sa atin (kung hindi lahat) ay pamilyar na sa mga ganitong galawan ng mga scammers pero sigurado na marami pa din sa mga kakilala natin ang hindi aware at posibleng mabiktima. Maari lang na inform din natin sila sa mga phishing, giveaway at iba pang uri ng scams.

Ito yung fake page (do not visit).
Code: [Select]
https://www.facebook.com/Coinsph-104868301070849/



I created a new topic para hindi matabunan doon sa main thread. Pwede din i-post dito kung may parehong scams na ginagawa sa ibang crypto apps gaya ng abra at spark.


(Disclaimer: I've already posted a similar topic in another forum)
Title: Re: Coins.ph and other crypto app/wallet scams
Post by: shadowdio on January 26, 2020, 02:48:59 PM
Haha..  daming scam na ganyan sa social media, pati na ang coins.ph ginagamit na nila para mang scam.. ano kaya paglalaroin natin sila kunwari nag send tayo ng 100 bitcoin pero edited yung screenshots hehe.

Ewan ko lang kung meron pang nabiktima na ganitong lumang estilo sa pang scam.
Title: Re: Coins.ph and other crypto app/wallet scams
Post by: Master107 on January 26, 2020, 05:17:06 PM
Determinado tayong mga Pinoy para sa usaping pag-unlad at higit sa lahat para sa pamilya. Kaya hindi nakakapagtaka na marami ang nabibiktima dahil sa pangangailangan. Kaya lang imbes na lumago nasadlak pa sa dusa.

Parehas tayong nangangailangan kaya masakit isipin na may gumagawa ng ganyan sa ating kapwa na kung saan kapos din. Nagdusa na nga sa hindi masuplayan ng sapat ang pamilya eh na sadlak pa lalo sa pagdurusa.

Ang pinangangambahan ko lang ay ang bad effect sa cryptocurrency nang ganitong gawain which can trigger the government to impose new law to regulate cryptocurrency and users sa ating bansa.


Title: Re: Coins.ph and other crypto app/wallet scams
Post by: Cordillerabit on January 27, 2020, 02:38:26 AM
basic na galawan ng mga scammer pero maraming nabibiktima salamat sa maagang paalala kaibigan

#reward
Title: Re: Coins.ph and other crypto app/wallet scams
Post by: Zed0X on January 27, 2020, 11:19:50 AM
basic na galawan ng mga scammer pero maraming nabibiktima salamat sa maagang paalala kaibigan
Old but gold ika nga nila. Nauulit dahil may mga tao pa din na nasisilaw agad sa pera at ayaw pag-aralan muna bago pasukin.



~Ang pinangangambahan ko lang ay ang bad effect sa cryptocurrency nang ganitong gawain which can trigger the government to impose new law to regulate cryptocurrency and users sa ating bansa.
Bad publicity is still publicity daw eh  ;D

Hindi naman na bago ang ganitong modus sa mata ng Gobyerno. Yung mga batas na meron na dati ay applicable din sa mga taong gumagawa nito sa ngalan ng crypto. Bisitahin mo yung SEC website at makikita mo na marami na din nabigyan ng warning at may mga naipasara na.



~ ano kaya paglalaroin natin sila kunwari nag send tayo ng 100 bitcoin pero edited yung screenshots hehe.

Ewan ko lang kung meron pang nabiktima na ganitong lumang estilo sa pang scam.
Huwag na baka may maniwala pa  ;D
Malamang may mabibiktima pa din sa ganyang pamamaraan kaya dapat alerto din tayo sa pagpayo sa kanila.
Title: Re: Coins.ph and other crypto app/wallet scams
Post by: shadowdio on January 27, 2020, 03:23:40 PM
Chinecheck ko ang page nila parang na wala na ang kanilang post? siguro denilete nila? or may nag sugbong tapos dinilete ang kanilang post..
Title: Re: Coins.ph and other crypto app/wallet scams
Post by: zendicator on January 27, 2020, 05:03:40 PM
Desperado na talaga ang mga scammers ngayon. Sana naman ay walangnmag dedeposit sa ganyang address. Im sure na marami sa ating mga kababayan anv ma eenganyo sa mga ganyang pakulo. Sa atin, alam natin na scam yan pero sa mga bagohang kababayan natin ay hindi maiiwasan. Na mag send sila ng pera sa ganyang address. Sana may gumabay sa ating mga kababayan.
Title: Re: Coins.ph and other crypto app/wallet scams
Post by: alstevenson on January 28, 2020, 04:15:45 PM
Actualy andami talagang scammers imposing as coins.ph at take note na madami-dami na ding nabiktima ito kaya patuloy pa din ang pang-iscam ng mga scammers. Basta lagi lang nakaon ang 2fa ay mahihirapan na yang mga yan na i-bypass ang ating mga account.
Title: Re: Coins.ph and other crypto app/wallet scams
Post by: Zed0X on January 29, 2020, 05:15:22 PM
Chinecheck ko ang page nila parang na wala na ang kanilang post? siguro denilete nila? or may nag sugbong tapos dinilete ang kanilang post..
Wala talaga silang sariling post sa wall nila. Kumbaga taga-comment lang sila ng mga fake giveaways sa mga posts ng official Coins.ph facebook page.

Actualy andami talagang scammers imposing as coins.ph at take note na madami-dami na ding nabiktima ito kaya patuloy pa din ang pang-iscam ng mga scammers. Basta lagi lang nakaon ang 2fa ay mahihirapan na yang mga yan na i-bypass ang ating mga account.
Nabiktima ng fake giveaways ba ang ibig mo sabihin o yung sa phishing site? Marami na talaga nabiktima dun sa phishing site gamit ang SMS service provider ng Coins pero wala pa ako nabasang nabiktima nung pekeng facebook giveaway.
Title: Re: Coins.ph and other crypto app/wallet scams
Post by: LeVi on January 30, 2020, 05:36:24 AM
desperado talaga sila .. nakakaawang mga nilalang .
Title: Re: Coins.ph and other crypto app/wallet scams
Post by: shadowdio on January 30, 2020, 03:22:52 PM
Chinecheck ko ang page nila parang na wala na ang kanilang post? siguro denilete nila? or may nag sugbong tapos dinilete ang kanilang post..
Wala talaga silang sariling post sa wall nila. Kumbaga taga-comment lang sila ng mga fake giveaways sa mga posts ng official Coins.ph facebook page.

Ahh.. Ganun pala ang estilo nila sa pang scam.. magkokoment pala sa official coins.ph para kunwari sila talaga ang totoong nagcomment. Galing mautak ang mga loko..
Title: Re: Coins.ph and other crypto app/wallet scams
Post by: Yette on March 01, 2020, 12:49:59 PM
Katakot naman yan... Ako inaamin ko minsan na tetempt ako kasi baka nga totoo pero lagi akong nagdadalawang isip kung magkakaroon ba talaga akono mawawalan.
Title: Re: Coins.ph and other crypto app/wallet scams
Post by: Master107 on March 05, 2020, 05:52:16 AM
Chinecheck ko ang page nila parang na wala na ang kanilang post? siguro denilete nila? or may nag sugbong tapos dinilete ang kanilang post..
Wala talaga silang sariling post sa wall nila. Kumbaga taga-comment lang sila ng mga fake giveaways sa mga posts ng official Coins.ph facebook page.

Ahh.. Ganun pala ang estilo nila sa pang scam.. magkokoment pala sa official coins.ph para kunwari sila talaga ang totoong nagcomment. Galing mautak ang mga loko..

Pretty sure na gagawa sila ng bagong modus to scam again in different ways in the same purpose and group. Kaya naman mahigpit ko pong pinapaalala na maging maingat at mapanuri bago ma fall in love sa big reward/profit daw pero dead bull pala.
Ingat tayo nga kababayan.
Mas maigi rin siguro na ishare natin sa ibang users ang ganitong system para makaiwas din sila.
Title: Re: Coins.ph and other crypto app/wallet scams
Post by: emjay825 on April 18, 2020, 10:25:54 AM
OP, salamat post. Kung di ko napuntahan at nabasa ang babala mo, marahil baka isa ako sa mabibiktima. Salamat muli.
Title: Re: Coins.ph and other crypto app/wallet scams
Post by: Jentot on July 06, 2020, 03:38:39 PM
May ganyan na din pala nagaganap sa coins.ph. Gagawin talaga lahat ng paraan ng scammer para kumita sa panluluko ng tao. May nakita na din akong ganyang style sa bounty campaign na sinalihan ko dati eh.
Title: Re: Coins.ph and other crypto app/wallet scams
Post by: Quantum X on August 10, 2020, 08:43:45 PM
Haha. Ibang klase talaga mga scammers sa pinas. Hindi din nagiisip na yong mga taong may posibling by sa coinsph ay kabisado na mga ganyang galawan. Mukhang matindi pangangailangan ng scammer na yan at nagbabaka sakali na makascam.
Title: Re: Coins.ph and other crypto app/wallet scams
Post by: Anthony Estiva on November 05, 2020, 07:15:19 AM
Kailangan maging mapagmasid tayo palagi mga ginoo at binibini. Maaari tayong mabintima ng phishing at iba pang scams. Kaya naman laging maging alerto 24/7.
Title: Re: Coins.ph and other crypto app/wallet scams
Post by: Gostudio on November 25, 2020, 04:52:19 AM
Tama kayo mga kababayan. Kailangan nating mag-ingat sa mga scammers. Isa sa mga gamit ko rin ay Coins.ph.
Title: Re: Coins.ph and other crypto app/wallet scams
Post by: Cordillerabit on November 25, 2020, 05:00:00 AM
😊

please read rules para iwas penalty this is consider a spam. iwasan lang ang ganito kabayan
Title: Re: Coins.ph and other crypto app/wallet scams
Post by: rakitzogi on November 27, 2020, 06:05:15 PM
Big help sir. Salamat sa information mo. Para iwas scam na din. Dami  a talagang scammer ngayon. Kaya dapat laging tinitignan muna kung okey o hindi ang isang site. Sana may magpost pa about maiwasan ang mga scammer. Big help
Title: Re: Coins.ph and other crypto app/wallet scams
Post by: Donken on December 10, 2020, 03:44:45 PM
Salamat sa babala mo sir sa ngayon talaga gagawin ang lahat para mascam ka lang kaya mag ingat ingat tayo baka kung hindi ko to mabasa baka ma scam din ako kaya maraming salamat sir
Title: Re: Coins.ph and other crypto app/wallet scams
Post by: Master107 on December 10, 2020, 04:16:26 PM
baka kung hindi ko to mabasa baka ma scam din ako kaya maraming salamat sir

Kailang lang talaga magbasa minsan para makita ang kahalagahan ng content kung ano at para saan. At para din makita ang legit and scam url.
Title: Re: Coins.ph and other crypto app/wallet scams
Post by: Donken on December 10, 2020, 04:29:34 PM
Maraming salamat sa pag bibigay ng babala sir  :)