Altcoins Talks - Cryptocurrency Forum

Local => Philippines (Filipino) => Topic started by: LogiC on January 31, 2020, 07:28:46 AM

Title: Advantages of Imtoken Version 2.0!
Post by: LogiC on January 31, 2020, 07:28:46 AM
Hello guys yung mga mahilig sa airdrop and bounty nung kasagsagan ng 2017 bullrun alam ko ang pinakagamit na wallet ay ang imToken app version 1 dahil karamihan sa mga proyekto ay under ng eth network at puro erc20 tokens. Kung kayo ay hindi pa nag uupgrade mula sa version 1 papunta sa bagong version nito ay sobrang laki ng kaibahan at talaga namang maganda ang mga naging improvements. Sa mga hindi pa ay basahin lamang ang mga detalye sa baba at sigurado magugustuhan ninyo ang mga bagong dagdag na serbisyo nito.



Mga advantage ng imToken version 2

(https://i.postimg.cc/Rh2rc4Ps/1-wg-Tq-T-IGFdp-HVTQKIOLFEQ.png)

Noong una ethereum wallet lang talaga siya and ang supported niya lang is yung mga erc20 tokens. Pero ngayon talaga naman nakakamaangha dahil simula nung nilabas siya last 2018 ay ang dami ng supported na cryptocurrency katulad ng btc, bch, ltc, tron, atom, eos, nervos at marami pang iba.

Sa imtoken 2.0 mayroon kang default wallet na mayroon ng eth, eos, btc and cosmos na iisa ang identity at isang mnemonic para sa lahat ng ito. Hindi ba all in one na siya. Di katulad ng ibang wallet na need mo magkaroon ng bawat isa para sa mga wallet na iyon.
 



(https://i.postimg.cc/mZ9GsFhK/1-juurc-OHTXrzmxg-Asxnc-Npw.png)

Gamit ang imToken 2.0, ay maaari ka din gumamit ng mga advance na functions, katulad ng pag pabilis ng transaksyon sa normal na transaksyons speed, pag synchronise ng mga address ng bawat coins, at pag manage ng mga transaksyons.

Kalimitan maghihintay ka pa namamina ito para maprocess ang inyong kaukulang transaksyon ngunit sa imtoken 2.0 kayang kaya talaga pabilisin ito.




(https://i.postimg.cc/2y7c5YsL/1-K7g7-Gm-Sp-Zdviiy-Op-Le-Lh-Iw.png)

Ito ang pinakagusto kosa lahat dahil hindi mo na kailangan isend sa merkado ang inyong tokens dahil maaari na ninyong direktang ibenta kapalit ang mga supported na tokens ng imToken app. Kumbaga instant exchange talaga siya. Since ang tether ay nagtransfer na sa eth network at erc20 token na siya, mas mabilis ninyo ng mattrade ang inyong eth or ibang token diretso sa USDT. Diba ayos!




(https://i.postimg.cc/pXPc69jf/1-tt-Tj-TUIFn-ZBNNca-Gr-NCK1g.png)

Ang kagandahan ng imToken 2.0 ay dati puro mga updates lang sa unang version or news ang nakikita natin ngayon ay maaari na natin iexplore ang mga supported na dApp ng bawat blockchain ng eth, eos, tron at iba pa. Puwedeng puwede ninyong subukan gamitin ang mga token ninyo para magamit ang mga dApp na ito. Sa ngayon hindi ko pa sinusubukan ito, pero kung may suggestion kayo na okay na dApp at supported nila baka pag trip ko subukan ko din! Comment below lang sa suggestion if ever fan kayo ng dApp at maaari din kayong magbigay ng suggestion.




(https://i.postimg.cc/FK0jvp57/1-d4lb-OV6hg-E4km2-Ir-B7-C3kg.png)

Ang huling advantage niya ay maaari ninyo rin siyang ipair sa mga hardware wallet ninyo katulad ng imKey, Ledger, CoolWallet. Sa ngayon parang imKey palang ang supported at maaari ng magamit baka sa susunod na mga update ay gumana na sa iba pang mga hardware wallets.




Para sa mga hindi pa naguupgrade from version 1 to version 2 ito just watch this video for easy tutorial.
Steps to update your imToken version 1 to new improved imToken version 2 (https://youtu.be/yZFD4togwCY)

 Reference (https://medium.com/imtoken/5-reasons-to-try-out-imtoken-2-0-now-2ee43e0ec366)


This post has been posted on other forum on my other account.
Title: Re: Advantages of Imtoken Version 2.0!
Post by: Cordillerabit on January 31, 2020, 12:48:31 PM
aba ayos a kaibigan upgrade na pala siya. lalong pinaganda sa version 2
Title: Re: Advantages of Imtoken Version 2.0!
Post by: LogiC on February 01, 2020, 03:26:52 AM
aba ayos a kaibigan upgrade na pala siya. lalong pinaganda sa version 2

Oo kabayan, kung need ninyo ng btc wallet at iba pang major coins ay ito ang gamitin ninyo talagang maganda siya. Last 2018 pa yan, napansin ko lang wala masyado gumagawa oh nagbibigay ng pansin kaya akin ng ginawa ito.
Title: Re: Advantages of Imtoken Version 2.0!
Post by: alstevenson on February 01, 2020, 09:44:28 AM
Wow nice, ok na pala ang development ng imtoken. Dati ay ginagamit ko lang ito sa multiple account airdrops dahil maganda ang wallet na ito. Pero ngayon madami na pala ang sinusuportahan nyang token hopefully in the future magkaroon din ng exchange yung wallet nya.
Title: Re: Advantages of Imtoken Version 2.0!
Post by: LogiC on February 02, 2020, 05:07:39 AM
Wow nice, ok na pala ang development ng imtoken. Dati ay ginagamit ko lang ito sa multiple account airdrops dahil maganda ang wallet na ito. Pero ngayon madami na pala ang sinusuportahan nyang token hopefully in the future magkaroon din ng exchange yung wallet nya.

Read the whole post paps Supported din ang exchange may mga tokens na puwede mo iexchange gamit ang imtoken pero limited pa lamang sila. Im waiting para madagdagan ang supported tokens and sana pati exchange ng btc eh magawaan din nila ng paraan.
Title: Re: Advantages of Imtoken Version 2.0!
Post by: zendicator on February 02, 2020, 09:34:36 PM
Nice. Di ko akalain na meron palang ganyan kasi ginagamit ko sa oag babounty ko ay ang metamask ko. Ano pa ang advantage ng imtoken wallet? Mas maganda ba sya kesa sa trust wallet?
Title: Re: Advantages of Imtoken Version 2.0!
Post by: LogiC on February 04, 2020, 05:38:18 AM
Nice. Di ko akalain na meron palang ganyan kasi ginagamit ko sa oag babounty ko ay ang metamask ko. Ano pa ang advantage ng imtoken wallet? Mas maganda ba sya kesa sa trust wallet?

Hindi ko masabing mas okay kaysa sa trust wallet pero meron din akong trust wallet ang kagandahan lang ng imtoken 2.0 for me is yung accesibility niya sa mga other coins which is all in one na. Same lang naman halos. Mas madami lang puwedeng ibuy and sell sa trust wallet exchange compared sa imtoken version 2.
Title: Re: Advantages of Imtoken Version 2.0!
Post by: alstevenson on February 05, 2020, 05:12:27 AM
Wow nice, ok na pala ang development ng imtoken. Dati ay ginagamit ko lang ito sa multiple account airdrops dahil maganda ang wallet na ito. Pero ngayon madami na pala ang sinusuportahan nyang token hopefully in the future magkaroon din ng exchange yung wallet nya.

Read the whole post paps Supported din ang exchange may mga tokens na puwede mo iexchange gamit ang imtoken pero limited pa lamang sila. Im waiting para madagdagan ang supported tokens and sana pati exchange ng btc eh magawaan din nila ng paraan.
My bad, tama ka nga mayroon ng exchange na built in sa wallet parang trust wallet na sya. Mas maganda siguro kung supported lahat ng tokens at coins sa exchange pero tuloy tuloy pa din naman ang development nya kaya ok lang. Btw, natanggap din ba yung wallet nya ng NFT?
Title: Re: Advantages of Imtoken Version 2.0!
Post by: LogiC on March 05, 2020, 08:22:35 AM
Bump


Great news if youre familiar guys with BUSD or yung Binance Stable coin, available na siya sa tokenlon ng imtoken version 2.0 ito yung mga pairings niya. Mapapansin ninyo mas madami na siyang puwedeng ka pair na stable coin and this is an advantage since most of those stable coins can be found on most exchange. For me advantahe siya kasi maaari mong magamit ang BUSD papunta sa tokenlon then easily convertable na into eth which is a plus point for me.

BUSD <> ETH

BUSD <> imBTC

BUSD <> USDT

BUSD <> PAX

BUSD <> USDC

BUSD <> TUSD

BUSD <> DAI


Reference:
https://tokenlon.zendesk.com/hc/en-us/articles/360040481271?locale=en-US&utm_source=imtoken (https://tokenlon.zendesk.com/hc/en-us/articles/360040481271?locale=en-US&utm_source=imtoken)

NOTE: Reshared this this topic from my other account on other forum.
Title: Re: Advantages of Imtoken Version 2.0!
Post by: emjay825 on April 18, 2020, 10:04:18 AM
Salamat sa pag-post nitong imToken, medyo bago sa aking pandinig ito kaya pag-aralan ko ang ibinahagi mong video.
Title: Re: Advantages of Imtoken Version 2.0!
Post by: Jentot on July 06, 2020, 03:48:05 PM
Salamat sa pag-post nitong imToken, medyo bago sa aking pandinig ito kaya pag-aralan ko ang ibinahagi mong video.
Saken din bago lamang din kasi noong 2017 MEW lamang at Metamask ginagamit ko sa pagbobounty at airdrop, tapos ngayon trustwallet na ginagamit ko kinokonek ko lamang yung old wallet ko dun gamit ang private key.
Title: Re: Advantages of Imtoken Version 2.0!
Post by: mikyrrad on July 23, 2020, 12:59:15 PM
Gamit ko yan dati naglipat ako sa trustwallet balik nalang kaya ulit ako hehe.