Altcoins Talks - Cryptocurrency Forum

Local => Philippines (Filipino) => Topic started by: naitzirhczero on June 13, 2020, 12:44:27 AM

Title: Mga Investment Schemes na Ginagamit ang Ethereum at Smart Contract
Post by: naitzirhczero on June 13, 2020, 12:44:27 AM
Magandang araw mga kababayan. Nais ko lang talakayin itong investment schemes na kumakalat ngayon. Marahil aware na kayo dito dahil talamak ang promotion nito ngayon sa iba't ibang social media lalo na sa Facebook.

Nakakalungkot isipin na ginagamit na naman ang cryptocurrency particularly ang Ethereum at Smart Contract sa mga bagong nagsulputang online business kuno ngayon (I won't name names pero I'm sure alam niyo na mga ito). Ayon sa claim ng mga member nito (bato bato sa langit), ang business daw nila na ito ay isang Smart Contract na pinapatakbo ng Ethereum blockchain at considered na 100% fully decentralized matrix project. Well, siguro applied ang salitang decentralization dito kasi gumagamit sila ng decentralized transactions pero HINDI po ito isang fully decentralized project. Bakit? Kita niyo naman sa way ng kitaan dito which is investment at referral program. Maginvest ka tapos maginvite ka nang maginvite para kumita at makabuo ng isang team para sa isang unli at lifetime na kitaan daw. Para sa akin mas mukha itong isang PYRAMIDING SCHEME na kung saan ang kinikita niyo ay galing sa investment ng mga invites niyo. Meaning kung walang bagong magiinvest, wala nang maiinvite = walang commission... walang spillover, walang autospill, walang overflow, etc... wala ka nang kikitain.

At isa pa yang mga false promises niyo na ang mga ito daw ay scam proof dahil walang sinumang pwede tumakbo ng pera nila. Naku naman, maawa naman kayo sa mga baguhan sa ganyang kalakaran. Alam niyo naman or kung di niyo pa alam, hindi magtatagal magshutdown na yang sinasabi niyong online business. Siguro hindi to accurate pero senyales niyan, magsisimulang magkamaintenance, magkaproblema sa system tapos kalauna'y maglaho na. Kawawa ang mga di kumita, kakasali pa lang at naginvest ng malaki.

Kaya mga kababayan kung meron man sa inyo dito na kasali sa mga scheme na to pakiusap ipaliwanag niyo ng mabuti ang kalakaran, wag puro hype. Wag pansariling interes lang ang isipin. Dahil kung sa sarili niyo risk taker kayo, hindi natin alam kung the same ba sa inyo yang mga invites niyo. Mahirap kumita ng pera lalo na ngayon kaya wag natin idrag down kapwa natin. Kung meron din kayong mga kakilalang nagbabalak sumali, balaan niyo na. Kayo ang may mas alam kung ano ang cryptocurrency, smart contract at blockchain.
Title: Re: Mga Investment Schemes na Ginagamit ang Ethereum at Smart Contract
Post by: sirty143 on June 13, 2020, 12:34:55 PM
Napakaganda ng iyong post, kaya naman di ako nanghihinayang na bigyan ka ng isang karma. 
Title: Re: Mga Investment Schemes na Ginagamit ang Ethereum at Smart Contract
Post by: Jentot on July 06, 2020, 12:02:27 PM
Tingin ko isa sa tintukoy mo dito ay ang Forsage na kumakalat ngayon sa social media na kung saan kikita ka ng malaking eth sa pag invest mo dito. Isa pa ang biztyperz-deluxe.com na nag sasagot ka ng captcha at kikita ka ng malaki kailangan mo lamang mag invest ng 1k ang pagkakalam ko. Lahat ng ito ay may refferal method din at kung saan kikita ka din ng malaki pag madame kayo mainvite.

Mag ingat kayo sa pag invest ngayon kasi malaking halaga na din ang perang mawawala sainyo kung basta basta na lamang kayo maniniwala.