Altcoins Talks - Cryptocurrency Forum
Local => Philippines (Filipino) => Topic started by: YangDump on April 22, 2018, 03:13:47 AM
-
Intro: Alam kong tagalog dapat dito pero paki intindi na lang :)
1. Have a clear target and a clear stop loss
Remember: trading doesn’t need emotions; only reason and rationality. And you just can’t ignore discipline.
2. Sometimes it’s better to take a small percent profit per position (especially during the bear market). Yes, you will need to make more positions for significant gains, but the guarantees of the success will be much higher. The truth is that the best traders in the world aim for small and consistent profits. They know this is the only way to success.
3. Do not trade with money that you need for living expenses. This is called "risk capital" for a reason.
4. Don't be a blind bull. ALL markets are cyclical. Don't be afraid of failures or failures on the market - this is where you can earn more money.
5. Don’t go for one coin, but invest in multiple currencies. That way you’ll spread the risk.
Happy trading!
Source:http://telegra.ph/5-tips-to-reduce-your-risk-when-trading-bitcoins-and-altcoins-04-21
-
Magandang ang payo na ito sa trading kabayan. Susubukan kong isalin sa ating wika at ipaliwanag na rin ng kaunti upang mas maintindihan ng mas marami nating mga kababayan.
1. Magkaroon ng target o presyo kung saan ang kita ay katanggap tanggap na sa iyo bilang trader at magkaroon din ng presyo kung saan kapag ang presyo ay bababa sa presyong itinakda ay magbebenta upang maiwasan ang pagkalugi
Tandaan: Ang trading ay hindi nangangailangan ng emosyon; kundi rason at katwiran. At huwag balewalain ang disipilna.
2. Minsan ay mas mabuti na magbenta ng maliit lang na porsyento ang kikitain kada posisyon (lalo na kung pababa ang merkado). Oo, kakailangan ng mas maraming posisyon upang maramdaman ang kita, pero ginagarantiya nito na ang success ay mas mataas. Ang totoo ang pinakamagaling na traders sa mundo ay mas pinipili ang maliit at sigurado na kita. Alam nila na ito ang daan patungo sa success.
3. Huwag gamitin sa pag trade ang pera na kakailangan sa pang araw-araw na pamumuhay. Ang tawag dito ay "risk capital" o ang pera na handa at kaya mo lang isugal dahil misan ay may nalulugi din sa trading.
4. Huwag maging bulag na toro ;D ang ibig sabihin nito ay huwag basta basta bibili dahil lang madaming bumibili at pataas ang presyo. Ang lahat ng merkado ay tumataas at bumababa din. Huwag matakot sa pagkakamali at sa pagbaba ng presyo sa merkado - dito ka kikita ng mas malaki.
5. Huwag bibili ng isang coin lang, subalit ay bumili ng iba ibang currencies. Sa paraang iyon ay mahahati din ang tiyansa na malugi.
Masayang pakikipagpalitan!
Source:http://telegra.ph/5-tips-to-reduce-your-risk-when-trading-bitcoins-and-altcoins-04-21
Paano ito iaaply sa trading,
1. Have a clear target and a clear stop loss.
Kunwari ay nakabili ka ng ether sa halagang $500 bilang panimula magtakda k ng target na siguro ay $600 kapag umabot sa $600 ang presyo o mas mataas pa ay ibenta na ang iyong ether at dahil walang kasiguraduhan ang presyo kailangan din ng stop loss kunwari ay pababa ng pababa ang presyo at hindi mo naibenta ang iyong ether maganda na magtakda ka ng stop loss mo sa pagitan ng $510 - $550 dahil may kita ka pa rin at maiiwasan mo ang malugi.
2. Sometimes it’s better to take a small percent profit per position (especially during the bear market).
Walang kasiguraduhan sa trading at market, hindi mo alam kung kelan tataas o bababa ang presyo at minsan ay may mga pagkakataon na pababa ng pababa ang presyo o tinatawag din na "bear market" sa mga ganoong pagkakataon ay mas mabuti na kumita ng maliitan ngunit sigurado. Kahit mga $1 - $10 kada trade dahil kapag naipon ito ay medyo malaki din ang kikitain mo lalo na kung pababa talaga ang presyo.
3. Do not trade with money that you need for living expenses.
Huwag isugal ang pera na kakailaganin sa pagkain, kuryente, tubig at iba pa. Hindi sa lahat ng trade ay maaari kang kumita dahil minsan ay may nalulugi din at kung ginamit mo ang pera na kailangan sa pang araw-araw na pamumuhay ay wala kayong kakainin, pambayad sa kuryente at tubig at iba pa. Gumamit lang ng halaga na kaya mong mawala kahit malugi ito.
4. Don't be a blind bull.
Ang halimbawa nito ay ang mga taong bumili ng Bitcoin noong December 2017 ang presyo ng bitcoin noong panahong iyon ay pataas at madami din ang bumibili nito kung saan umabot ang presyo ng bitcoin sa $19,000 ngunit makikita natin ngayon na mas mababa ang presyo ng bitcoin at may iba din na kumita dahil bumili sila noong sobrang baba ang presyo ng bitcoin.
5. Don’t go for one coin, but invest in multiple currencies.
Mas maganda kung ikakalat ang iyong investment sa iba ibang currency huwag lang sa iisang coin. Minsan may mga pagkakataon na ang presyo ng Bitcoin ay pababa at ang presyo ng ibang currency ay pataas. Kung halimbawa ay Bitcoin lang ang binili mo at biglang bumaba ang presyo nito kumpara sa presyo ng iyong pagkakabili ay malulugi ka na kaagad hindi katulad kung ikakalat mo sa iba ibang currency ang iyong investment kung sakali man na bumaba ang presyo ng isa ay ayos lang dahil meron ka pa ring ibang currency na baka ang presyo ay pataas naman.
-
Learn risk management kasi di ka lagi mananalo satrading minsan may loss din kahit mga pro natatalo kya matuto kang mag compute ng itatalo at ipapanalo mohh
-
Salamat masyado paps sa mga tips mo malaking tulong ito sa bawat papasok ng trading na sa simula palang alam na nila ang risk dito at talagang may mga failure talaga at dahil dito mas aasensho tayo sa pagtrading.
-
Nice! Tips mo paps, maambunin kami nito! hahahah Lalo na sa mga magsisimula para sa trading.
-
3. Do not trade with money that you need for living expenses. This is called "risk capital" for a reason.
Ito talagang #3 ang iniiwasan kong gawin sa trading. Kung matalo mo ito, wala ng kakainin pamilya mo kinabukasan. ;D
-
My 5 tips to reduce my risk of trading the forum are :
1 .)Collect /Reseach information
2.) The Target
3.) Think positive
4.) Have faith
5.) Trust to God
-
Salamat sa topic na ito paps ngayun meron na akong tips para sa trading, dahil gusto ko sanang pasukin ito pero wala talaga akong alam kung ano o paano ito tumatakbo. Ang alam kulang kasi bibili kalang nang token o coin na may potencial na tumaas sa pagdating panahun.