Altcoins Talks - Cryptocurrency Forum

Local => Philippines (Filipino) => Topic started by: racham02 on May 02, 2018, 03:15:30 PM

Title: Na scammed na ba kayo?
Post by: racham02 on May 02, 2018, 03:15:30 PM
Hi guys, na scammed na ba kayo ng isang ICO? O ano man? Personally I’m not, ngunit gusto ko lang malaman ang inyong karanasan
Title: Re: Na scammed na ba kayo?
Post by: WolfwOod on May 02, 2018, 03:53:31 PM
Hi guys, na scammed na ba kayo ng isang ICO? O ano man? Personally I’m not, ngunit gusto ko lang malaman ang inyong karanasan
Ako, maraming beses na akong nascam. Marami na akong mga sinalihan na mga bounty campaigns at marami talaga ang mga scam ICO’s. Buti nalang bounty hunter lang ako, at effort ko lang ang nasayang. Kaya takot na talaga akong mag invest sa mga ICO. So risky talaga.
Title: Re: Na scammed na ba kayo?
Post by: jullerz on May 02, 2018, 03:57:40 PM
Sa bitcoin oo pero di na e memention ang pangalan kasi sabi nya last week na patapos na ang campaign eh tapos biglang hindi nalang nagparamdam halos tatatlong buwan akung naghintay pero wala parin eh kaya hinayahaan ko nalang.
Title: Re: Na scammed na ba kayo?
Post by: bxbxy on May 02, 2018, 04:55:53 PM
Na scam na ako ng madaming beses sa bounty campaigns. Sayang yung oras at efforts na binuhos ko dun sa mga scam na bounty campaigns kaya para makaiwas sa scamming. Kailangan talaga suriin ng mabuti ang sasalihan or iinves-san mong mga ICO.
Title: Re: Na scammed na ba kayo?
Post by: Angi44 on May 02, 2018, 05:38:29 PM
Yes naranasan ko na ang ma scam  hindi talaga yan maiwasan  dito sa cryptocurrency  may mga ICO na maganda sa  umpisa pagkatapos ng campaign  bigla silang mawawala at kasabay ang pinapaguran mo so ganyan talaga ang buhay.Mag ingat talaga sa paghanap ng legit na campaign.
Title: Re: Na scammed na ba kayo?
Post by: hype on May 03, 2018, 01:00:25 AM
hindi kopa naranasan ang ma scam takot din kasi ako sa investment lalo na wala akong masiyadong kaalam tungkol dito. Pero may naranasan ako na parang na scam din, na scam yung oras at mahabang panahon ko sa isang bounty project tapos hindi naging successful yung proyekto nasayang lang ang panahon ko don.
Title: Re: Na scammed na ba kayo?
Post by: itoyitoy123 on May 03, 2018, 04:27:26 AM
Ako ilang beses na rin na scam sa pag sali ko sa mga bounties at sa mga ico’s di naman ako na scam sa mga ininvest ko di lang talaga nag success ang kanilang projects kaya panatag ako kase maibabalik naman ang pera na ininvest ko sa wallet ko.
Title: Re: Na scammed na ba kayo?
Post by: sheerah on May 03, 2018, 05:32:07 AM
So far Hindi PA po ko nakaranas na mascam at nagbabasakaling Hindi talaga Sana makaranas para Hindi naman masayang yong panahon at effort na maigugugol ko sa ICO.  Tska masakit Yong umasa tayo sa wala lalo Nat pinaghirapan natin.  Kaya dapat seguruhin talaga natin na legit ang sasalihan natin na ICO.  :)
Title: Re: Na scammed na ba kayo?
Post by: Heronzkey on May 03, 2018, 06:02:53 AM
Oo ang nasa lisan ko ay isang airdrop, kasi bago palang ako noon kaya ngayon nag iingat na ako upang hindi na mauulit yun, buti nalang sa airdrop lang yun.
Title: Re: Na scammed na ba kayo?
Post by: YangDump on May 03, 2018, 10:47:54 AM
Hi guys, na scammed na ba kayo ng isang ICO? O ano man? Personally I’m not, ngunit gusto ko lang malaman ang inyong karanasan
Well... meron na din   pero buti na lang at hindi matagal ang bounties nila...mahirap kapag scam..nakakahinayang ng panahon lalo na kapag yun lang ang bounties na sinalihan mo... pero natututo na ako...mas magandang hanapin ang legit na project  kahit matagalan makahanap atleast legit at success siya balang araw
Title: Re: Na scammed na ba kayo?
Post by: Mlhits1405 on May 03, 2018, 10:52:47 AM
Hi guys, na scammed na ba kayo ng isang ICO? O ano man? Personally I’m not, ngunit gusto ko lang malaman ang inyong karanasan

Wla pa namn kaibigan kasi baguhan pa lamang ako dito sa crypto world at kaunti palang ang mga ico kung nasasalihan dito.
Title: Re: Na scammed na ba kayo?
Post by: Duavent21 on May 03, 2018, 01:51:40 PM
Ako paps muntik na buti nalang naramdaman ko na scam yong nasalihan ko, dahil sa tagal pa naman nang campaign at hindi pa kumpleto ang information tungkol sa kanilang proyekto talagang masasabi mong scam ito. Pero ngayun nag iingat na ako sa pagsali ina-alam ko muna kung legit ba ang proyekto nito.
Title: Re: Na scammed na ba kayo?
Post by: Igop on May 03, 2018, 03:04:25 PM
hindi ko pa experience na ma scam dahil first time ko pag nakasali sa altcoin bago palang ako kailanga ko pag makasali sa bounty compaign.
Title: Re: Na scammed na ba kayo?
Post by: RianDrops on May 03, 2018, 06:42:03 PM
Kung pera ang pa uusapan ay hindi pa. Ngunit sa efforts ay Oo. Marami na akung sinalihang bounties na scam at nasayang ang efforts ko.
Title: Re: Na scammed na ba kayo?
Post by: @Royale on May 03, 2018, 07:18:57 PM
Hi guys, na scammed na ba kayo ng isang ICO? O ano man? Personally I’m not, ngunit gusto ko lang malaman ang inyong karanasan

Sa kasamaang palad muntik muntikan na pero scam na rin kung tutususin. Yung sinalihan kong campaign na iyon, dollar per post ang bayad. Bale sa 2nd round na ng bounty ako nakasali kaya feeling ko, legit kasi nga pangalawa na. Hay grabe ang sipag kong magpost. Tapos mabasa basa ko sa thread eh hindi pa pala nababayaran yung lahat ng sumali sa first round. Lahat nagrereklamo. Naglahong parang bula yung bounty manager. Walang tanong tanong tinigil ko agad agad yung pagpost ko. Nasayang yung two weeks ko na trabaho.
Title: Re: Na scammed na ba kayo?
Post by: glaizgubz on May 04, 2018, 01:00:30 AM
Bilang bagohan dito,Hindi ko pa naranasan yan.
Kya pinag aaralan ko pang mabuti ang pinasok ko.
Para Hindi masayang ang effort at oras ko.
Title: Re: Na scammed na ba kayo?
Post by: Shan on May 04, 2018, 07:11:28 AM
In my own experience  hindi ki pa naranasan mascam sa mg mga ICO kasi ngayon lng din ako nagfocus, but narinig ko sa ibang mga relatives ko which is marami na clang nasalihan na nascam daw cla, mabuti lng daw sa simula,hindi din naman yan maiiwasan ei kasi nasa crytocurrency tayo.
Title: Re: Na scammed na ba kayo?
Post by: Bruks on May 04, 2018, 08:18:45 AM
Ang daming nababasa ko dito Na scam, nakakatakot naman Na sumali sa mga bounty campaign?!! Paano ba sumuri ng hindi scam yung masasalihan?
Title: Re: Na scammed na ba kayo?
Post by: lloyd123 on May 04, 2018, 10:04:52 AM
Sa ngayon wala pa paps kasi baguhan palang ako at hindi pa nakakasali
Sa mga signature campaign pero baka sa susunod na sasali ako sa mga campaign
Ay ma scammed ako.mag ingat lang tayo mga paps.
Title: Re: Na scammed na ba kayo?
Post by: Chay0526 on May 04, 2018, 12:37:50 PM
Sa ngayon wala pa naman baguhan p lang ako..wala p akong ibang nasalihan na mga campaign.. :P
Title: Re: Na scammed na ba kayo?
Post by: Jonaxx on May 04, 2018, 02:21:28 PM
Sa ngayun wala pa kasi baguhan pa kang ako . At wala pa akong masyadong nasasalihan ng ibang Compaign.
Title: Re: Na scammed na ba kayo?
Post by: Jeankyguboc622 on May 04, 2018, 03:15:43 PM
Ako hindi pa po ako nakaranas na ma scam at sana hindi yan mangyari sakin kasi sayang rin naman ang efforts at pagod ko dito kung ma scam ako hehe .
Title: Re: Na scammed na ba kayo?
Post by: WolfwOod on May 04, 2018, 03:33:27 PM
hindi ko pa experience na ma scam dahil first time ko pag nakasali sa altcoin bago palang ako kailanga ko pag makasali sa bounty compaign.
Ako hindi pa po ako nakaranas na ma scam at sana hindi yan mangyari sakin kasi sayang rin naman ang efforts at pagod ko dito kung ma scam ako hehe .
Mararanasan nyo rin mga idol kapag matagal na kayo sa crypto.  ;D ;D ;D natural talaga ang mga ganyang bagay sa crypto. Kaya wag kayong madidismaya kapag nagyari sa inyo na makasali sa scam na bounty.
Title: Re: Na scammed na ba kayo?
Post by: julliandrey on May 06, 2018, 08:19:31 AM
hnd pa naman at wag naman sana ako ma scam sa tulad kong baguhan dito ..
Title: Re: Na scammed na ba kayo?
Post by: AnneAbas on May 06, 2018, 08:32:04 AM
Hindi pa naman , And I hope not , kasi sinisiguro ko din naman ang mga cryptong pinapasukan ko. Kaya kung may papasukan man tayong mga bagay- bagay sisiguraduhin mo na natin para makaiwas sa mga scammer.
Title: Re: Na scammed na ba kayo?
Post by: kenj28 on May 11, 2018, 04:42:10 AM
Oo nai scammed na ako may sinalihan akong signature campaign dati sa bitcointalk at matagal naring natapos ang campaign na iyon pero hanggang ngayon ay wala parin akong natatanggap na reward at sa tingin mukhang abandon project na iyon kaya hindi nagsayang ng oras sa kahihintay at halip ay sumali ako sa ibang campaign
Title: Re: Na scammed na ba kayo?
Post by: Lansboy143 on May 11, 2018, 10:45:30 AM
Na scam na ako ng madaming beses sa bounty campaigns. Sayang yung oras at efforts na binuhos ko dun sa mga scam na bounty campaigns kaya para makaiwas sa scamming. Kailangan talaga suriin ng mabuti ang sasalihan or iinves-san mong mga ICO.





tama  ka paps kailangan talaga natin suriin natin ang mga sasalihan na mga bounty campaigns para hindi masayang ang ating effort at oras sa mga scam na campaigns
Title: Re: Na scammed na ba kayo?
Post by: 1020kingz on May 11, 2018, 11:55:24 AM
Oo na scam na ako sa isang ICO, pero hindi naman ako investor, kaya okay lang sa akin na ma scam pero sayang pa rin ang time at effort.
Title: Re: Na scammed na ba kayo?
Post by: Madapaka05 on May 11, 2018, 01:00:17 PM
Hi guys, na scammed na ba kayo ng isang ICO? O ano man? Personally I’m not, ngunit gusto ko lang malaman ang inyong karanasan

Ako wla pa naman kasi bago palang ako sa forum na ito pero nkasali na ako sa  bounty campaign dito nag oobserve palang ako sa takbo ng ico kung sinalihan,sana wag naman mangyari sakin to para sulit naman ang pagod ko dito.
Title: Re: Na scammed na ba kayo?
Post by: klebsiella on May 11, 2018, 02:31:27 PM
OO naranasan ko nang ma-scam sa isang ICO, pero bounty participant po ako kaya hindi naman ako naglabas ng pera. Ganun pa man nakakainis rin kasi sa time and effort na naibigay ko sa campaign pero wala naman akong magagawa. Kaya move on nalng at sinubukan ang ibang campaigns.
Title: Re: Na scammed na ba kayo?
Post by: ped123 on May 12, 2018, 03:12:37 AM
Hi guys, na scammed na ba kayo ng isang ICO? O ano man? Personally I’m not, ngunit gusto ko lang malaman ang inyong karanasan

Yes. Before talaga na scam ako (pero di ako investor nun, Im only a participant) but now I think twice not only twice, maraming beses ko pinag iisipan to involve any transactions. Natoto akong mag background check and gather lots information before I go for any transactions.
Title: Re: Na scammed na ba kayo?
Post by: Love92Altair on May 12, 2018, 12:36:29 PM
opo kaya medjo natatakot nadin po ako. pero malaki po ang tiwala ko dito sa furom po na ito.
Title: Re: Na scammed na ba kayo?
Post by: RianDrops on May 12, 2018, 12:39:12 PM
OO naranasan ko nang ma-scam sa isang ICO, pero bounty participant po ako kaya hindi naman ako naglabas ng pera. Ganun pa man nakakainis rin kasi sa time and effort na naibigay ko sa campaign pero wala naman akong magagawa. Kaya move on nalng at sinubukan ang ibang campaigns.

Nag research ka sana sis bago ka sumali sa campaign na yun.
Sayang efforts mo don. Buti nalang di ka nag invest.
Title: Re: Na scammed na ba kayo?
Post by: zlejgirl36 on May 12, 2018, 02:55:55 PM
Oo na scam na kami.. pero noong una hindi kami naniniwala kasi parang wala namang mga kahinahinala sa kanila.. hanggang sa napansin din pala ng ibang sumali na scam ito.. hindi na nila pinag patulloy ang campaign.. hanggang isang araw may ng chat sa akin na scam daw talaga yong sinasalihan nmin na campaign.. kaya stop na kami sa bounty campaign na yon.
Title: Re: Na scammed na ba kayo?
Post by: Jang2x123 on May 17, 2018, 05:05:28 PM
Ako po ay wala pero may kilala po ako na nascammed,pero may tiwala po ako dito na hindi ito scammed.
Title: Re: Na scammed na ba kayo?
Post by: Pre on June 01, 2018, 04:42:31 AM
ako hindi pa kasi bagohan pa ako dito,pero ingat lang para hindi ma scam dito sa furom.
Title: Re: Na scammed na ba kayo?
Post by: Markjay11 on June 01, 2018, 06:00:31 AM
Ako? Oo naranasan ko nang ma scam ng ICO at bounty campaign noon kaya ngayun double ingat na talaga ako kasi kapag na scam ka ay parang gumuho ang mundo mo at mawawalan ka ng ganang sumali ulit kasi matatakot kana na baka maulit yun sayo.
Title: Re: Na scammed na ba kayo?
Post by: Freelan123 on June 01, 2018, 10:29:18 AM
ako po hide pa. pero kailangan lang ng doble ingat lang tayo.
Title: Re: Na scammed na ba kayo?
Post by: Yellowish on June 02, 2018, 07:08:42 AM
Hindi pa namn at wag namn sana mangyari sa akin yan. Kaya dapat palagi nating sinisiguro ang mga bagay na papasukin natin para narin maiwasan ang scammed para hindi masayang ang mga oras at effort natin.
Title: Re: Na scammed na ba kayo?
Post by: Pookiechips on June 02, 2018, 08:58:36 AM
Sakin many times na akong na scam sa mga project na maling naiinvestan ko phrone na kasi yun sa crypto world medyo mahirap pa lunasahan mga ganyan
Title: Re: Na scammed na ba kayo?
Post by: victorianomojica on June 02, 2018, 05:45:11 PM
Ako hindi pa at sana hindi yun mangyare dahil sobrang nakakapang Hinayang talaga, kaya ako more explore lang muna ginagawa ko at pag aaralan ko muna mabuti bago ko sumali sa mga. Campaign
Title: Re: Na scammed na ba kayo?
Post by: CryptoToxic on June 02, 2018, 06:56:18 PM
Ako nascam na ng iilang mga ico’s na sinalihan ko pero kahit paman ganun ay meron naman silang binigay na rewards pa din kahit na di talaga ganun dapat ang rate na ibigay saakin, pero lesson learned narin parin saakin yun.
Title: Re: Na scammed na ba kayo?
Post by: Fighter01 on June 03, 2018, 01:29:27 AM
na scam din ako dati dahil pero, ok din yun para matoto ako na hindi na ulit ma scam sa gagawin ko o decision ko na pagpasuk sa ibang campgn.
Title: Re: Na scammed na ba kayo?
Post by: Jhon Cover on June 03, 2018, 10:22:02 PM
Kung ako kabayan wla pa nang yayari sakin Yan..di ko Alam balang araw ay aabot sakin yan..Pero Sabi nila Na para di dw ma scam ay kailngang suriin muna ng mabuti bago pumasok..
Title: Re: Na scammed na ba kayo?
Post by: Lezzkie22 on June 04, 2018, 01:07:03 AM
Wala pa po ako na scam. At hindi ko po alam kong anong mangyari kapag na scam. Pero ang pagkaka alam ko na ang dahilan ng scam ay dahilan ito sa mga na publish natin na mahahalagang impormasiyon. Jan sila magkukuha ng paraan na mag scam sila.
Title: Re: Na scammed na ba kayo?
Post by: Mekong on June 30, 2018, 09:42:40 PM
share lang po, may sinalihan akong  campaign pero madali lang natapos, sayang e cash out ko na sana pero kulang parang mapunta lang sa service fees, yan ay hindi ako na scam- nahuli lang.:-). hindi lang seryoso palagi mga paps may joke din minsan...share lang po ako sa experience ko
Title: Re: Na scammed na ba kayo?
Post by: fortescorde21 on July 09, 2018, 02:35:58 PM
Hindi pa ako na scamdito so far at masaya naman ako dahilhindi ko pa nararanasan ang ma scam
Title: Re: Na scammed na ba kayo?
Post by: Ryanpogz on July 09, 2018, 02:45:55 PM
Ang hirap sa pakiramdam na ma scam ka ng ICO, umaasa ka na ang sinalihan mo ay legit at kikita ka pero pag dating pala ng panahon biglang mawala. Sayang lang ang panahon mo at pagod, tyaga.
Title: Re: Na scammed na ba kayo?
Post by: Jun on July 09, 2018, 04:45:56 PM
yes naranasan ko ma scammed at masakit sa aking kalouban,unang pagkataon kong sumali sa signature campaign  sa  akala ko  legit ang sinalihan ko yun pala nagsayang lang ng time . sa ngayon natotu ako na  hindi umasa para di masaktan,kasi pagud talaga pero scammed pala
Title: Re: Na scammed na ba kayo?
Post by: divine75 on July 09, 2018, 06:18:35 PM
Hi guys, na scammed na ba kayo ng isang ICO? O ano man? Personally I’m not, ngunit gusto ko lang malaman ang inyong karanasan

Maraming beses sa larangan ng ICO investment,sa bounty hunting o maging sa fiat investment ng cryptocurrency,katulad noong eth trade investment,akala ko noon ay ito ay totoo,pero  yon pala naging biktima na ako ng scam.
Title: Re: Na scammed na ba kayo?
Post by: mrphilippine on July 09, 2018, 08:32:47 PM
Ako may mga ilan din scam works akong napromote before na mga ICO projects. Isa lang masasabi ko jan that it is really distasteful. Nabigyan pa nga ako ng negative reputation ng moderators since nagppromote ako ng Scam na ICO. Kaya dapat talaga pumili tayo ng mga sasalihan natin na mga projects.
Title: Re: Na scammed na ba kayo?
Post by: cheneah on July 10, 2018, 04:26:31 AM
Ako personally wala pa.Kakasimula ko pa lng mag hunt ng bitcoin eh.Pero di talaga maiwasan na marami talaga ang mga mapagsamantala.Ang hirap kung may pera ng involved.Nasayang na nga pera na ininvest mo Pti pagod mo nasayang lang din.Advice nalng siguro suriin ang bounty na sasalihan pag isipan muna bago mag invest.
Title: Re: Na scammed na ba kayo?
Post by: jings009 on July 10, 2018, 06:02:56 AM
Ako sa ngayun hndi pa naman kakastart ko pa lng sa mga bounty, at kung ma scam man ako baka pagod lng ang pang hinyangan, kasi hindi talaga ako nag iinvest.
Title: Re: Na scammed na ba kayo?
Post by: micko09 on July 10, 2018, 06:08:20 AM
ako naman na my nasasalihan akong scammed na ICO, buti nalang hindi ako nag iinvest , bounty hunters lang ako, atleast effort lang nasayang sakin pero mahirao din kasi malaman na legit o scam, ung iba kasi pag dating na ng distribution dun na sila hindi nagpaparamdam.
Title: Re: Na scammed na ba kayo?
Post by: Angkoolart10 on August 01, 2018, 03:50:53 PM
Ang Scam kabayan hibdi yan maiwasan kapagbago palang nag uumpisa sa,negosyo, madalas kasi hindi alam ang pinapasok o sinasalihan na negosyo ka ngyayari nascam.
Title: Re: Na scammed na ba kayo?
Post by: Angi44 on August 01, 2018, 05:23:13 PM
Marami talagang scam ngayon lalo na sa socialmedia or sa site like forum's di maiiwasan yan ngayon lalo nat pera ang pinag uusapan.
Title: Re: Na scammed na ba kayo?
Post by: lockheed on August 01, 2018, 05:24:39 PM
maraming beses na ako na scam napapaniwala sa mga nakakasilaw na pera kaya ayon go lang ng go kahit nabiktima na.
Title: Re: Na scammed na ba kayo?
Post by: Quantum X on August 01, 2018, 08:08:30 PM
Ako Oo. Nakakainis lang kasi sayang ang nainvest mo. Buti nalang hindi kalakihan. Pangalawa sa bounty, maraming beses na pero lahat yon nangyari noong bago pa lang ako at sa BTT yon nangyari.
Title: Re: Na scammed na ba kayo?
Post by: Angel16 on August 02, 2018, 03:00:52 AM
Sa ngayun di ko pa naranasan na ma scam kasi kakasali ko pa lang sa isang signature campaign at wag  naman sana maranasan ma scam kasi sayang naman lahat na pagud ko tapos wala lang tayong mapapala.pero pag ma scam talaga OK lang kasi marami na talaga ang mga scam ngayun kaya ingat na  lang at kilatisin natin mabuti ang mga ICO na sasalihan natin...
Title: Re: Na scammed na ba kayo?
Post by: Quantum X on August 02, 2018, 04:30:38 AM
maraming beses na ako na scam napapaniwala sa mga nakakasilaw na pera kaya ayon go lang ng go kahit nabiktima na.
Ganito ang gawin mo kabayan, palagi mo titingnan ang whitepaper ng isang ICO at ang supply ng token at ang presyo. Kapag mataas ang presyo tapos huge ang number ng token, at tapos ang team lack of experience sa mababasa mo sa profile nila at walang partnership malaki chance na hindi yan mag-success. Pero kapag nakita mo na ok sila at nadalaw mo ang social media accounts nila tapos active go ka na. Kaya lang wala pa rin tayo kasiguruhan na matatanggap natin ang bayad kung ang bounty manager ang pagkatiwalaan na mamigay ng reward kasi may mga bounty manager na tinatakbo ang token. Kaya pipiliin mo rin ang mga maaayos na managers. Minsan ang ginagawa ko social media nalang tinitingnan ko basta maayos ang manager. Kasi tiwala na ako na maayos na ang lahat although hindi pa rin maiwasan ang mga posibling pangit na mangyayari kasi ganon naman talaga.
Title: Re: Na scammed na ba kayo?
Post by: jings009 on August 02, 2018, 05:33:24 AM
Ako naka tatlo na ako nasalihan na scam, kaya ngayun bago ako sumasali talaga tinitingnan ko maiigi ang campaign kung katiwala tiwala ba or hindi.
Title: Re: Na scammed na ba kayo?
Post by: mitch321 on August 02, 2018, 11:13:25 AM
Sa ngayon hindi pa ako naka try na na scammed piro yong mga kaibigan ko at kakilala ko naka try na sila na na scam.piro tuloy parin ang pagtatrabaho nila.hindi sila nawalan ng pag-asa.kaya ako patuloy parin ang pagtatrabaho dito sa altcoinstalk.
Title: Re: Na scammed na ba kayo?
Post by: Dreamer02 on August 02, 2018, 07:28:37 PM
Maraming bisis na kabayan masasaktan kalang kapag binilang mo, hindi talaga yan maiiwasan kabayan nandyan talaga ang scam kaakibat nayan sa crypto. Ang tanging magagawa mo nalang ay tangapin at mag move on.
Title: Re: Na scammed na ba kayo?
Post by: -Lazy- on August 04, 2018, 12:57:57 AM
Bagaman di direktang naiscam kasi di nman ako naginvest ng btc or eth, parang scam narin paps kasi sumali ako sa mga bounty projects nila. Syempre naginvest ako ng time at efforts tapos mauuwi lang sa wala. Nagbayad naman ng token ung iba pero since scam naman yung project, useless din.
Title: Re: Na scammed na ba kayo?
Post by: alexhelton on October 06, 2018, 05:29:25 AM
Nobody can be trusted. Scammers everywhere.
Title: Re: Na scammed na ba kayo?
Post by: andruke on October 06, 2018, 05:37:18 AM
You can't trust anyone without guarantees.
Title: Re: Na scammed na ba kayo?
Post by: alexhelton on October 06, 2018, 05:41:14 AM
It turns out that investments are always a risk
Title: Re: Na scammed na ba kayo?
Post by: andruke on October 06, 2018, 05:44:45 AM
Fortunately, there are services such as W12 project  w12.io (https://tokensale.w12.io/ru/?utm_source=psv&utm_medium=altcoinstalks&utm_campaign=altcoinstalks.com/index.php?topic=18106.msg197989#msg197989) thanks to which you can not worry about your money. This guarantees 100% safety
Title: Re: Na scammed na ba kayo?
Post by: TiffanyLien23 on October 07, 2018, 07:43:17 AM
Uo naman.. Ilang beses na akong na scam at ilang beses na din akong sumuko o huminto sa pag hahanap ng mga bounty pero nang naglaon na realize ko na mas mabuti kung hindi ako susuko kasi part talaga yan ng trabaho na ito.. Kaya para maging succesful mas mabuti talaga na ipagpapatuloy na maghanap ng mga ICO dito.Ika ng Quitters never win..  :)
Title: Re: Na scammed na ba kayo?
Post by: Dansoy on October 09, 2018, 12:41:33 PM
Sa ilang buwan  na pagiging bounty hunter , isang beses lang ako na scam. Hindi ko rin kung scam ba tawag  kasi pagkatapos nang campaign wala akong na tanggap na pabuya dahil hindi successfull and project. Hindi ko na rin pinilit o nangarap na makatanggap galing sa project na yun. I move on at naghanap na mas magandang project.
Title: Re: Na scammed na ba kayo?
Post by: fgg57fg7 on October 09, 2018, 03:05:07 PM
Tama kayo mga kabayan ang scammers ay anywhere...lalo na pagpera ang pag uusapan lalo na malaki ang tubo. .in 15 day's or in a month nako scam na yan. ..ako hindi  ako abasta basta maniniwala lalo ang pera. .ang hirap kitain ng pera dito sa atin pa naman
Title: Re: Na scammed na ba kayo?
Post by: Kyoshiro on October 09, 2018, 03:49:48 PM
Hindi pa naman, pero as I wish, sana naman Hindi. Dahil mahirap talagang makapasok sa isang legit na campaign ngayon lalo na't laganap ang scamming. Slam ko naman na Hindi talaga un maiiwasan pero as much as possible maghahanap ako ng campaign na talagang legit para di sayang ang oras ko through inspection at deep research.
Title: Re: Na scammed na ba kayo?
Post by: adam27 on October 09, 2018, 04:45:15 PM
Hindi ko pa nararanasang ma-iscam or maloko ng kung sino baata wag magpapadala sa mga bagay bagay na madali kang makukuha wag natin hayaan mangyare ito
Title: Re: Na scammed na ba kayo?
Post by: CebuBitcoin on October 09, 2018, 04:59:35 PM
Hi guys, na scammed na ba kayo ng isang ICO? O ano man? Personally I’m not, ngunit gusto ko lang malaman ang inyong karanasan
Oo kabayan, twice akong na scam ng mga fake ICO's pero ok lang dahil sa tingin ko lahat naman atang nagsisimula sa larangan ng crypto ay na scam na.
Title: Re: Na scammed na ba kayo?
Post by: Leebarnes on October 09, 2018, 05:15:18 PM
Maraming beses na din akong na scam buti nga sa bounty lng pagod at oras lang ang nasayang pero sege pa rin ng segi sa nga nila ang umaayaw ay hindi magwawagi haha!
Title: Re: Na scammed na ba kayo?
Post by: arielcryp on October 10, 2018, 01:49:15 PM
Sa online wala pa pero sa personal oo na xperience ko.Tipong yun nalang ang pera mo isapalaran mo pa hoping na tumubo.Di ko alam na maluko ako at ma scam.Sobrang nanlumo ako.Pero dito sa bounty wala pa rin di pa ako sumasali sa trading eh.
Title: Re: Na scammed na ba kayo?
Post by: Crypto on October 11, 2018, 04:36:57 PM
Hi guys, na scammed na ba kayo ng isang ICO? O ano man? Personally I’m not, ngunit gusto ko lang malaman ang inyong karanasan
Sa tingin ko lahat atang pumapasok sa crypto world ay nakaranas ng ma scam, na scam narin ako pero kunti lang at lesson learn narin sa akin yun.
Title: Re: Na scammed na ba kayo?
Post by: Adjong on October 12, 2018, 04:59:21 PM
Hi guys, na scammed na ba kayo ng isang ICO? O ano man? Personally I’m not, ngunit gusto ko lang malaman ang inyong karanasan
para sa akin hindi pa ako na scammed ng ICO dahil newbie palang po ako
Title: Re: Na scammed na ba kayo?
Post by: DaratexCoin on October 12, 2018, 05:26:53 PM
Kung scam lang ang pag-uusapan, maraming beses na. Lalo na doon sa kabilang forum, ilang beses narin nasayang ang effort ko sa pagsali sa mga bounty campaigns. Kaya ngayon, I've learned na. hindi na ako padalos-dalos sa pagsali ng ibat-ibang mga campaigns, sinisiguro ko muna na Legit ito.
Title: Re: Na scammed na ba kayo?
Post by: Dreamer02 on October 13, 2018, 04:58:26 PM
Hindi ka matatawag na bounty hunter kabayan kapag hindi ka nakaranas nang scam, lahat nang mga bounty hunters at pati na rin investors nakaranas nayan nang scam ayaw lang aminin, maraming bisis na ako nakasali nang scam na bounty campaign pero ok lang hindi naman ako naglabas nang sarili kung pera. oras nga lang ang nasayang. Pero go go rin ako nang go dahil alam ko kikita rin ako.
Title: Re: Na scammed na ba kayo?
Post by: Crypto on October 13, 2018, 05:29:08 PM
Hi guys, na scammed na ba kayo ng isang ICO? O ano man? Personally I’m not, ngunit gusto ko lang malaman ang inyong karanasan
Oo,papz ilang beses na akong na scammed dahil sa pag invest sa mga ico, pero natutu na ako ngayon at nag iingat na ako sa pag iinvest.
Title: Re: Na scammed na ba kayo?
Post by: Unknown on October 13, 2018, 05:50:19 PM
Hi guys, na scammed na ba kayo ng isang ICO? O ano man? Personally I’m not, ngunit gusto ko lang malaman ang inyong karanasan
na scam na ako sa mga sinalihan kong Social media campaigns kaya naman tinamad na kong salihan ito dahil nakakapagod rin mag like at share/retweet kaya pinagtutuunan ko nalang ng pansin ang signature campaign at sana di matulad sa soc media campaign
Title: Re: Na scammed na ba kayo?
Post by: gnojda on October 14, 2018, 10:35:42 AM
para sa akin oo isang beses ako na scam dahil mali ang napasa ko,imbis wallet address lang epapasa ko privatekey ang na epasa ko kaya yon na scam ako.pero ngayon hindi na siguro mangyayari yon dahil natutu na ako
Title: Re: Na scammed na ba kayo?
Post by: alstevenson on November 28, 2018, 05:03:22 PM
Hi guys, na scammed na ba kayo ng isang ICO? O ano man? Personally I’m not, ngunit gusto ko lang malaman ang inyong karanasan
Oo kabayan nascam na ako ng isang ICO noong baguhan palang ako pero tinuring ko nalang iyong bilang magandang karanasa para di na maulit pa.
Title: Re: Na scammed na ba kayo?
Post by: Yette on November 29, 2018, 03:07:20 AM
Isang malaking oo!!!. Kahit sabihin na nating isang bounty lang yun pero nag effort ka ma meet ang requirements nila para makuha mo ung bounty nila but in the end wala sila binigay sau. (sa kabilang forum to nangyari).
Title: Re: Na scammed na ba kayo?
Post by: Shen033112 on November 29, 2018, 03:38:45 AM
Halos Naman lahat ng Bounty hunters nakaranas na ma scam sa isang proyekto dahil Isa ito sa consequences natin at hindi natin maiiwasan yan na may mga proyekto na maganda lang sa una pero sa huli bigla nalang maglalaho na parang bula,pero hindi iyon hadlang sa akin dahil marami pa din ang legit na campaign kaya ipinagpatuloy ko parin Ang pagsali dito.
Title: Re: Na scammed na ba kayo?
Post by: alstevenson on November 29, 2018, 03:57:13 AM
Halos Naman lahat ng Bounty hunters nakaranas na ma scam sa isang proyekto dahil Isa ito sa consequences natin at hindi natin maiiwasan yan na may mga proyekto na maganda lang sa una pero sa huli bigla nalang maglalaho na parang bula,pero hindi iyon hadlang sa akin dahil marami pa din ang legit na campaign kaya ipinagpatuloy ko parin Ang pagsali dito.
Tama ka dyan kabayan, hindi talaga maiiwasan ang mga scam projects lalong lalo na sa bounty hunting pero ang mahalaga natuto ka sa mga pagkakamali mo at matuto kang tumingin ng mga legit na projects.
Title: Re: Na scammed na ba kayo?
Post by: rhubygold23 on November 30, 2018, 02:31:59 AM
Hi guys, na scammed na ba kayo ng isang ICO? O ano man? Personally I’m not, ngunit gusto ko lang malaman ang inyong karanasan

Alam mo kabayan kahit san ka magpunta marami talaga scammer. Marami talaga gumagawa ng hindi maganda sa kapwa nila kaya kung may gagawin ka kailangan mo pag isipan ng mabuti para hindi ka ma scam. Pero minsan kahit anung gawin mo pag iingat talagang marami ang gumagawa ng hindi maganda sa mga kapwa nila mas gusto pa kasi nila mang scam kaysa mag trabaho ng parehas kaya kahit saang lugar marami talagang scammer kaya pinaka magandang gawin double ingat lang lagi kabayan.
Title: Re: Na scammed na ba kayo?
Post by: sirty143 on November 30, 2018, 07:58:21 AM
Hi guys, na scammed na ba kayo ng isang ICO? O ano man? Personally I’m not, ngunit gusto ko lang malaman ang inyong karanasan

Ang masasabi ko, sa mahigit 50 ICO projects na sinalihan ko sa kabilang forum (bitcointalk) more or less 40 ang hindi nagbayad o nang-SCAM. Dito sa forum na ito, wala pa rin akong natatanggap na rewards sa aking mga sinalihan, isa na ang LOCALTRADE PROJECT (https://www.altcoinstalks.com/index.php?topic=34038.0) na may ipinagmamayabang na may $25Million rewards. Sa aking palagay ay umiiwas na mag-bayad dahil ng matapos ang bounty campaign bigla nilang inire-require ang mga participants na magsumite ng KYC at nabigay pa ng DEADLINE... ibig sabihin talagang intensyon nilang di mag-bayad.
Title: Re: Na scammed na ba kayo?
Post by: alstevenson on December 01, 2018, 08:59:26 AM
Hi guys, na scammed na ba kayo ng isang ICO? O ano man? Personally I’m not, ngunit gusto ko lang malaman ang inyong karanasan

Ang masasabi ko, sa mahigit 50 ICO projects na sinalihan ko sa kabilang forum (bitcointalk) more or less 40 ang hindi nagbayad o nang-SCAM. Dito sa forum na ito, wala pa rin akong natatanggap na rewards sa aking mga sinalihan, isa na ang LOCALTRADE PROJECT (https://www.altcoinstalks.com/index.php?topic=34038.0) na may ipinagmamayabang na may $25Million rewards. Sa aking palagay ay umiiwas na mag-bayad dahil ng matapos ang bounty campaign bigla nilang inire-require ang mga participants na magsumite ng KYC at nabigay pa ng DEADLINE... ibig sabihin talagang intensyon nilang di mag-bayad.
Anong nangyari kabayan? Karamihan naman sa mga ICO nagrerequire ng KYC sa mga hunters ngayon? Nabayaran ba kayo ng nagsumite kayo ng KYC?