Altcoins Talks - Cryptocurrency Forum

Local => Philippines (Tagalog) => Topic started by: comer on February 10, 2021, 06:31:13 PM

Title: BNB humaharorot!
Post by: comer on February 10, 2021, 06:31:13 PM
kamusta mga BNB holders? laki ng inangat ng price ngayon. Last month nasa $40 lang bawat isang BNB. pero ngayon nag touch down na siya at $140 at mukhang tataas pa Yan. Parang mag tuloy tuloy pa itong bull run sa dami Ng mga whales na gustong pumasok. Nong nag annonsyo si elon musk na binili siya ng worth $1.5B BTC bigla nalang umakyat Ang presyo ni Bitcoin at kasali narin Yun ibang alts token. masarap Ang buhay ngayon ng mga holders and some season traders dahil sa biglaan taas ng value.
Title: Re: BNB humaharorot!
Post by: 0t3p0t on February 11, 2021, 05:58:06 AM
Hindi ako hodler pero nagbalak ako dati na mag-invest sa BNB kaso walang budget. Napakalaki talaga ng advantage kapag may pang-invest lalo na kapag go with the flow lang sa estado ng market. Halos lahat kasi ng coins apektado kapag tumataas ang presyo ng Bitcoin. Tiyak malaki profit ng iba nating mga kabayan na naka jump in nung nag-endorse/shill/post si Elon Musk about Bitcoin.
Title: Re: BNB humaharorot!
Post by: shadowdio on February 12, 2021, 04:09:58 PM
Sigurado yung mga mayaman lalong yumayaman ngayon dahil hold nalang sila ng hold hindi nila muna kukunin ang pera dahil hindi naman nila kailangan.. Congrats sa nag hold ng BNB ngayon pero yung naka hold ng ADA ay pinaka swerte kasi dati $0.1 lang noon ngayon nasa $0.9 so tumobo ng 8 times ang pera mo.. wow
Title: Re: BNB humaharorot!
Post by: comer on February 14, 2021, 03:12:56 PM
Sigurado yung mga mayaman lalong yumayaman ngayon dahil hold nalang sila ng hold hindi nila muna kukunin ang pera dahil hindi naman nila kailangan.. Congrats sa nag hold ng BNB ngayon pero yung naka hold ng ADA ay pinaka swerte kasi dati $0.1 lang noon ngayon nasa $0.9 so tumobo ng 8 times ang pera mo.. wow
naka hold ako Ng 1BNB price nyan Nong nakuha ko $20 hanggang sa maging $40 na siya... hindi Kasi ako makontento kaya ibenenta ko at sumali ako sa future trading ni binance... tumubo Naman noon una kaya lang sa susunod na mga araw naubos din... laki ng pagsisisi ko Kasi one week after maubos yun pera humaharorot si BNB to $140. Sana nalang na e hold ko man lang para lumaki... ngayon balik ako sa Wala.. pero hindi parin ako nawala ng pagasa. Kung sakali na nagka pera ako papasulin ko uli si future trading parang madali lang Ang pera doon.. Kung tataas o pababa Basta tama lang Ang hula mo, profit parin Ang labas eh.
Title: Re: BNB humaharorot!
Post by: LeVi on February 15, 2021, 01:44:49 PM
tataas pa BNB kabayan , nag cut sila sa years ng burning ng BNB , imbis na 20 years , ginawa nilang 5 years , so bawat burn , mas malaki yung maibabawas at mas lalong tataas ang presyo , dahil sa demand .
Title: Re: BNB humaharorot!
Post by: Tristanerus on March 10, 2021, 02:42:40 PM
Noon pipitsugi lang ang value nang BNB  ngayon sobrang laki na, parang unti unting lumaki kada buwan. Sumaaabay sa pag harorot ng bitcoin. Sana noon palang esinali ko na itong coins na ito sa aking portfolio at ng sa ganun nagsasaya na ako ngayon sa laki ng profits na harvest.
Title: Re: BNB humaharorot!
Post by: sirty143 on May 20, 2021, 05:38:30 AM
tataas pa BNB kabayan , nag cut sila sa years ng burning ng BNB , imbis na 20 years , ginawa nilang 5 years , so bawat burn , mas malaki yung maibabawas at mas lalong tataas ang presyo , dahil sa demand .

Sobrang yaman ng mayari ng Binance, $1.9B lang naman ang kaniyang real time networth. Nasa ika-apat na pwesto na ang BNB at di kataka-taka na bago matapos ang taong kasalukuyan kinakatok na niya ang Ethereum na mag-give way.



Title: Re: BNB humaharorot!
Post by: sirty143 on June 04, 2021, 09:58:40 AM
Hindi ako hodler pero nagbalak ako dati na mag-invest sa BNB kaso walang budget. Napakalaki talaga ng advantage kapag may pang-invest lalo na kapag go with the flow lang sa estado ng market. Halos lahat kasi ng coins apektado kapag tumataas ang presyo ng Bitcoin. Tiyak malaki profit ng iba nating mga kabayan na naka jump in nung nag-endorse/shill/post si Elon Musk about Bitcoin.

Parehas lang tayong walang budget, pandemic kasi. Grabe talaga ang itinaas ng BNB. Tingnan ninyo ang Historical Data niya, https://coinmarketcap.com/currencies/binance-coin/historical-data/

Ang presyo niya noong Jan 01, 2021 ay $37.37 at noong time na iyan kayang-kaya ko bumili ng 10 o kahit 15 BNB.   

Sa ngayon, itong Dogecoin (DOGE) (https://coinmarketcap.com/currencies/dogecoin/historical-data/) ang pinag-aaralan ko at balak bilhin medyo mura pa kasi. Di ba iyan ang paborito ni Elon Musk? :) Basahin ninyo ang mga sumusunod at ng may ideya kayo.

https://gadgets.ndtv.com/internet/news/elon-musk-tweets-dogecoin-price-spike-by-15-percent-2455204

https://www.forbes.com/sites/roberthart/2021/06/02/dogecoin-soars-as-elon-musk-declares-the-cryptos-inevitable-financial-takeover-following-coinbase-pro-listing/

https://www.forbes.com/sites/billybambrough/2021/06/03/while-elon-musk-boosts-the-dogecoin-price-the-tesla-dogecoin-dream-is-already-coming-true/

Title: Re: BNB humaharorot!
Post by: marcsymons on June 09, 2021, 05:39:05 AM
Maganda kasi ang platform ng BNB. Isa sa napakagandang featurer nila sa mga stake holders na nagustuhan ko ay ang pag burn ng token nila kada buwan yata yon which mean tataas ang price value habang unti-unting lili-it ang maximum supply ng BNB coins nila.