Altcoins Talks - Cryptocurrency Forum
Local => Philippines (Filipino) => Topic started by: Pheonyx on May 08, 2018, 06:02:47 PM
-
Sa palagay niyo mga kaibigan, ang Pilipinas kaya ay malaki ang naitutulong sa pagpapalaganap patungkol sa kagandahan at kahalagahan ng cryptocurrency kahit pa may naibalitang magasawa na nang-scam gamit Ang bitcoin at dahil Dito nabahiran ito ng masamang image?
-
Sa aking palagay ay wala pang ginagawang malaking hakbang ang gobyerno ng Pilipinas patungkol sa cryptocurrency dito sa bansa. Ang batas pa lang na ginawa nila sa cryptocurrency ay sa mga exchanges pa lamang dahil malulugi daw yung mga traditional exchangers at remittance center kaya nirequire nila ang mga Virtual Currency exchanges na magregister din tulad ng mga traditional exchange at sa tingin ko ay wala din silang tinutulong sa pagpapalaganap patungkol sa kagandahan at kahalagahan ng cryptocurrency kundi nag bababala lang sila dito lalo na at marami ang gumagamit sa pangalan ng bitcoin at cryptocurrency na mga scam naman pala at wala talagang kaugnayan sa cryptocurrency.
-
Sa ngayon hindi pa nagiging legal ang Cryptocurrency sa Pilipinas ngunit hindi ito illegal dito. Sa ngayon ginagamit ng pilipinas ang Coins.ph bilang wallet para sa BTC and ETH. Ang Ibang pilipino sa ngayon ay hindi pa mulat sa kung anu ang cryptocurrency especially ang Bitcoin. Dahil sa maling inpormasyon na nakakalap ng iba dahil na din sa kulang na kaalaman dito, madami ang nagsasabi scam ito. Lalo na at dahil sa walang alam ang iba, naloloko sila ng ibang tao kaya nasisira ang pangalan ng Bitcoin or cryptocurrency.
-
Isang cryptocurrency wallet ay isang piraso ng software o application kung saan * iyong iniimbak ang iyong bitcoin, eter, o anumang iba pang mga virtual na pera na mayroon ka.
Isipin mo ito tulad ng wallet kung saan ka nag-iimbak ng iyong pera. Inilalagay mo ang iyong mga perang papel sa wallet. Alam ng lahat na mayroon kang isang wallet (maliban kung hindi mo, na napakalakas nang nakakatakot), ngunit maaari mo lamang kunin ang pera mula sa iyong wallet. (Tandaan: Mag-click dito kung gusto mo ng bitcoin wallet-centric article. Magpatuloy sa pagbabasa kung gusto mong malaman ang higit pa tungkol sa cryptocurrency wallets hindi lamang para sa btc ngunit para sa lahat ng mga barya.)
-
Sa palagay niyo mga kaibigan, ang Pilipinas kaya ay malaki ang naitutulong sa pagpapalaganap patungkol sa kagandahan at kahalagahan ng cryptocurrency kahit pa may naibalitang magasawa na nang-scam gamit Ang bitcoin at dahil Dito nabahiran ito ng masamang image?
Malaki ang maitutulong ng Pilipinas dahil magiging additional force siya sa mga tumutulog na ma promote ang Bitcoin at makakatulong rin ang Pilipinas na isa sa mga sumosuportang bansa lalo na sa legality issues. Kung mas marami mas maganda at isa na ang Pilipinas sa mga bansang maraming Crypto users.
-
Sa palagay niyo mga kaibigan, ang Pilipinas kaya ay malaki ang naitutulong sa pagpapalaganap patungkol sa kagandahan at kahalagahan ng cryptocurrency kahit pa may naibalitang magasawa na nang-scam gamit Ang bitcoin at dahil Dito nabahiran ito ng masamang image?
Una sa lahat kabayan di ko nabalitaan ang mag asawa na nang scam, sa anong paraan sila nakapag scam gamit ang Bitcoin?
Ang tungkol sa tanong mo kung nakatulong ba ang Pilipinas sa pagpapalaganap ng kagandahan ng Bitcoin, Oo naman sa dinami rami ba naman ng mga pinoy na nag po promote at nag e educate sa online, social media at kahit sa personal tungkol sa Cryptocurrencies malaki ang nai ambag nito sa mundo ng cryptocurrency.
May mga tao lang talaga na masama ang intention at di lang sa Bitcoin yan or crypto kundi dati pa yan sa mga fiat currency pa may nang e scam na at di yan nawawala ang kailangan lang mag ingat ang bawat isa hindi lang naman Pilipino ang nang e scam kundi kahit anong lahi.
So di dapat ikabahala yan sa reputasyon natin mga pinoy kasi kahit anong lahi nang e scam din.
-
napakalaki po ng ng parte ang nai-ambag ng Pilipinas kung crypto ang pag-uusapan sapagkat mayron na tayo mga pamantayan patngkol dito at pinag aralan pa din ng mga taga ibang bansa kung papano iregulate ang crypto.
-
Para sakin mahalaga ang relasyon ng cryptocurrency sa Pilipinas dahil malay natin maaaring eto pala ang maging sagot sa kahirapan sa ating bansa ngunit ang nakakalungkot lamang ay kaunti pa lamang saatin ang nakakaalam tungkol sa cryptocurrency
-
may malaking naiambag ang ating mga kababayan na nagpalaganap sa bitcoin maraming nakaalam nito ,at marami sana ang matolungan sa financial problem kon pati pamahalaan natin may gawing batas na mag proteksiyon sa at mapalaganap sa crypto currency. marami na nga na nakaalam nito pero ang nagsagawa nito tayo tayo lang sa pamagitan ng social media pero mas higit na makilala pa ito kong ang government natin may batas na gawin na magpakilala sa bitcoin
-
Sa palagay niyo mga kaibigan, ang Pilipinas kaya ay malaki ang naitutulong sa pagpapalaganap patungkol sa kagandahan at kahalagahan ng cryptocurrency kahit pa may naibalitang magasawa na nang-scam gamit Ang bitcoin at dahil Dito nabahiran ito ng masamang image?
Oo kabayan malaki ang papel na gagampanan ng Pilipinas sa larangan ng cryptocurrency dahil ang Pilipinas ang isa sa mga pioneer in terms sa makabagong teknolohiya na ito.