Altcoins Talks - Cryptocurrency Forum

Local => Philippines (Filipino) => Topic started by: eugenefonts on June 06, 2018, 05:35:10 AM

Title: Ano ang back up plan mo pag namatay ka.?
Post by: eugenefonts on June 06, 2018, 05:35:10 AM
Mga kababayan may plano na ba kayo sa inyong mga CRYPTO WALLET kung kayo ay biglang namatay ? Alam natin na hindi natin madadala sa langit ang MEW natin pag tayo ay pumanaw na. At alam ko ang mga pamilya natin ay hindi alam ang crypto o kaya ay hindi naniniwala dito. Kaya ito ang aking opinion sa aking back up plan.

1. Isusulat ko sa notebook ko ang lahat ng website na magagamit nila para maipag patuloy ang nasimulan ko (ex. bitcointalk.org; altscoinstalk)
2. Isusulat ko din ang mga private key at password ko sa notebook para safe. At papayuhan ko kung gaano ka importante ang mga naka sulat duon at gaano ka halaga at ka sensitibo ang private key
3. Syempre di natin ma eexplain lahat at tatamadin tayong magsulat sa notebook. I point out nalang natin ang mga makaka tulong sa kanila para maintindihan nila mabuti ang mga galawan/step sa crypto. Mas mainam na ilagay ko nalang ang website link ng mga videos sa youtube para mas maintindihan nila.

Kung may maidadag pa kayong plano share nyo namin sa amin mga kabayan.
Title: Re: Ano ang back up plan mo pag namatay ka.?
Post by: itoyitoy123 on June 06, 2018, 05:38:55 AM
Para saakin paps mas mainam na ibebenta ko nalang lahat tapus ilalagay sa coins.ph na wallet ko at sila na bahala dun ganun lang gagawin ko tapus lalagyan ko ng note na ubosin nyo sa paglalasing pera ko.
Title: Re: Ano ang back up plan mo pag namatay ka.?
Post by: cryptonite on June 06, 2018, 05:49:11 AM
Gagawa ako ng Back-up sa mga accounts ko paps, na kung sakali anong mangyari ay makukuha ito ng pamilya ko at magamit nila.
Title: Re: Ano ang back up plan mo pag namatay ka.?
Post by: kokoy020795 on June 06, 2018, 06:07:05 AM
lahat naman ng pagsisikap na ito ay para lamang sa pamilya ko kaya lahat ng kikitain ko ay mapupunta sa kanila pati na ang mga negosyong maipupundar ko. Siguro magpapagawa ako ng letter upang mahahati ng pantay at para lahat sila ay mabigyan.
Title: Re: Ano ang back up plan mo pag namatay ka.?
Post by: Lezzkie22 on June 06, 2018, 06:40:10 AM
I have a document sa pc ko na alam ng parents ko. Lahat dun nakalagay ang mga importanteng bagay na para sakin. At ang gagawin ko nalang ay tuturoan ko ang parents ko kong pano mag trabaho dito sa altcoin at pano magbenta ng token.
Title: Re: Ano ang back up plan mo pag namatay ka.?
Post by: Blueblockxx on June 06, 2018, 06:49:10 AM
isusulat ko lahat ng importanteng bagay o iiipon at ibibigay sa mga magulang ko para cla ang makinabang nito. lalonglalo na ang altcoin talk para maipatuloy ang nasimulan ko at makakatulong ako sa mga magulang ko kahit wala na ako.
Title: Re: Ano ang back up plan mo pag namatay ka.?
Post by: X-master on June 06, 2018, 07:48:52 AM
Nakasulat na lahat sa notebook ko ang mga password and email ko at the same time nakasave sa USB. Higit sa lahat Ang pinagaaralan ko ngayon kung pano ako makapagbaon ng altcoins sa kabaong. Hehe. Joke mga paps Pero ang nauna serious yon.
Title: Re: Ano ang back up plan mo pag namatay ka.?
Post by: WolfwOod on June 06, 2018, 08:56:44 AM
Magandang idea din naman yan kabayan ang pagsulat ng private keys mo sa notebook, pero pano kung mawala kung notebook mo? Maa mabuting may mga options kang gagawin like, sending your private keys in your own email or save to drafts. Oh kaya print out mo private keys mo tapos ilagay mo sa maleta mo or sa kaban. At ang importante jan turoan mo ang bibilinan mo about crypto. Useless lang din kung walang mga alam ang bibilinan mo.
Title: Re: Ano ang back up plan mo pag namatay ka.?
Post by: hype on June 06, 2018, 09:27:45 AM
maganda yan papi, dahil hindi natin alam kung kailan tayo ma mamatay ay lahat naman tayo tutungo talaga diyan, mas maganda na yung pinaghandaan para naman may makinabang sa pinaghirapan natin.
Title: Re: Ano ang back up plan mo pag namatay ka.?
Post by: kenj28 on June 07, 2018, 10:13:23 AM
Bago ako mamatay syempre sasabihin ko muna sa mga kamag-anak o sa mga pamilya or sa gf ko lahat ng kailangan nilang malaman about sa crypto para hindi naman masayang lahat ng pinaghirapan ko dito sa crypto o kaya naman isusulat ko nalang din sa notebook lahat ng password,private key at iba pa
Title: Re: Ano ang back up plan mo pag namatay ka.?
Post by: reaheart on June 08, 2018, 04:05:12 AM
Syempre di natin alam ang panahon, kaya bilang isang pamilyadong tao paps, kelangan open minded tayo dyan, lalo na kapag ang buong pamilya ang umaasa sa atin, ang ginagawa ko sumasali ako sa ibat-ibang mga insurance company, at kung dito pagkumikita na ako syempre ipaalam ko sa kanila na kung wala na ako may financial support pa rin ako sa kanila, at payohan ko sila na maging matalino sa paggamit nang pera.
Title: Re: Ano ang back up plan mo pag namatay ka.?
Post by: Ryanpogz on June 08, 2018, 05:36:46 AM
Mga kababayan may plano na ba kayo sa inyong mga CRYPTO WALLET kung kayo ay biglang namatay ? Alam natin na hindi natin madadala sa langit ang MEW natin pag tayo ay pumanaw na. At alam ko ang mga pamilya natin ay hindi alam ang crypto o kaya ay hindi naniniwala dito. Kaya ito ang aking opinion sa aking back up plan.

1. Isusulat ko sa notebook ko ang lahat ng website na magagamit nila para maipag patuloy ang nasimulan ko (ex. No links to other forums; altscoinstalk)
2. Isusulat ko din ang mga private key at password ko sa notebook para safe. At papayuhan ko kung gaano ka importante ang mga naka sulat duon at gaano ka halaga at ka sensitibo ang private key
3. Syempre di natin ma eexplain lahat at tatamadin tayong magsulat sa notebook. I point out nalang natin ang mga makaka tulong sa kanila para maintindihan nila mabuti ang mga galawan/step sa crypto. Mas mainam na ilagay ko nalang ang website link ng mga videos sa youtube para mas maintindihan nila.

Kung may maidadag pa kayong plano share nyo namin sa amin mga kabayan.
  salamat sa idea paps yan ang aking gagawin. Kahit nakakatakot na tanong yan..
Title: Re: Ano ang back up plan mo pag namatay ka.?
Post by: Jun on June 08, 2018, 07:43:32 AM
sa akin hindi man alam natin ang buhay hindi natin hawak ang
         buhay natin  kaya ang pinakainam gawin turuan ang asawa o kaya ama or ina  kong alam na lahat nila pagkinabukasan mamaty ako alam na nila sila na ang magpatoluy