Altcoins Talks - Cryptocurrency Forum

Local => Philippines (Filipino) => Off topic => Topic started by: rodney0404 on June 15, 2018, 04:10:59 AM

Title: Naniniwala kaba sa mga ENGKANTO?
Post by: rodney0404 on June 15, 2018, 04:10:59 AM
Mga paps naniniwala ba kayo sa mga ENGKANTO katulad ng Duwende, Nuno sa pulso, Kapre, Tikbalang, Aswang?
Ako naniniwala ako sa mga Nuno kase nanuno na ako dati, nabato ko daw yung nuno sa mata kaya nagkaroon ako ng parang sore eyes at tumagal ito ng dalawag linggo, nung ginamot ako ng albularyo ay gumaling na agad ako kinabukasan. Share mo istorya mo paps. :)
Title: Re: Naniniwala kaba sa mga ENGKANTO?
Post by: Jun on June 15, 2018, 08:59:47 AM
totoo yan nan djan talaga sila   pero kong magpakita ka ng takot mas tatakotin ka nila pero kong makita nila nahindi ka takot at mas malakas kapit mo sa may kapal    hindi ka nila galawin
Title: Re: Naniniwala kaba sa mga ENGKANTO?
Post by: rodney0404 on June 16, 2018, 02:16:41 AM
totoo yan nan djan talaga sila   pero kong magpakita ka ng takot mas tatakotin ka nila pero kong makita nila nahindi ka takot at mas malakas kapit mo sa may kapal    hindi ka nila galawin

Ayan din sabi ng nakararami paps, kung malakas ang pananampalataya mo sa Diyos ay di ka sasaniban o lalapitan ng mga masasamang espirito kaya ako naniniwala ako sa Diyos naten. :)
Title: Re: Naniniwala kaba sa mga ENGKANTO?
Post by: rhegs27 on June 20, 2018, 05:05:24 AM
Ou totoo ang mga iyan .. at wla nman masamang maniwala kung totoo sila
Title: Re: Naniniwala kaba sa mga ENGKANTO?
Post by: rodney0404 on June 20, 2018, 01:07:15 PM
Ou totoo ang mga iyan .. at wla nman masamang maniwala kung totoo sila

oo paps tama ka na walang masama kung maniniwala sa mga engkanto kaya ako ay naniniwala talaga kase may nangyare na saken at marami akong napapanood tungkol sa mga engkanto.
Title: Re: Naniniwala kaba sa mga ENGKANTO?
Post by: rhubygold23 on June 21, 2018, 03:28:10 AM
Sa mundo natin wala ng imposible lahat yan ay mayroon kahit hindi pa ako nakakakita alam ko na merun kasi kasama na natin yan sa mundo ginagalawan.
Title: Re: Naniniwala kaba sa mga ENGKANTO?
Post by: jsophia on June 26, 2018, 12:26:27 PM
Nagugulahan pa ako dito. Minsan maniwala, minsan naman hindi.
Title: Re: Naniniwala kaba sa mga ENGKANTO?
Post by: peterruby on July 15, 2018, 08:11:17 AM
Yes po.dahil sila ang mga bad angel na sumasama Kay Satan tinapon dito sa lupa..
Title: Re: Naniniwala kaba sa mga ENGKANTO?
Post by: Angkoolart10 on July 15, 2018, 01:52:46 PM
Naalala ko dati nung high school palang ako. sinapian ang dalawang classmate ko sa school grabi ang lalakas nila tapos nung isa nalang dinala namin sa simbahan sa harap ng altar pagtingin namin sa labas ng simbahan ang daming malalaking anino maliwanag lasi yung buwan nun.
Title: Re: Naniniwala kaba sa mga ENGKANTO?
Post by: jings009 on July 15, 2018, 05:54:44 PM
Ako naniniwala ako dito, kasi turo ng magulang ko na wag daw mag ihi sa mga punso, baka lumiit ang ano, pero ganun paman never pa ako nakakita nyan. naalala kupa dati hindi ako makalakad kasi lumalaki ang paa ko pag lumakad kahit limang hakbang lng, at ang daming albolaryo ang gumamot sakin at yun lahat sila hndi ako napagaling, at ako lng mismo nakagamot nun sa pamamagitan ng gaas.
Title: Re: Naniniwala kaba sa mga ENGKANTO?
Post by: arielcryp on July 17, 2018, 09:32:38 AM
Ako naniniwala na ako na may tikbalng kasi nakakita na ako nyan dati, katawan nya baka. ulo tao.
Title: Re: Naniniwala kaba sa mga ENGKANTO?
Post by: cheneah on July 17, 2018, 09:38:21 AM
Para sa akin,siguro noong kapanahunan pa ng ating mga ninuno,Totoo siguro na meron talaga.Dati kasi di pa msyadong crowded ang earth kaya nanjan pa sila.Pero sa ngayon mukhang di na ako naniniwala na may mga ganyan pang nilalang.Ayun sa nabasa ko,haka haka lamang ito at wala pang nakakapagpatunay na totoo nga ang mga iyan.Maraming kuro kuro pero wala pang  ebedensya na naiipakita.Natatakot lamang tayo dahil naniniwala sayo tayo.Pero kung malakas ang pananampalataya natin sa taas di natin mararamdaman ang mga masasamang espirito na yan!
Title: Re: Naniniwala kaba sa mga ENGKANTO?
Post by: Nikko on July 17, 2018, 02:59:26 PM
Mga paps naniniwala ba kayo sa mga ENGKANTO katulad ng Duwende, Nuno sa pulso, Kapre, Tikbalang, Aswang?
Ako naniniwala ako sa mga Nuno kase nanuno na ako dati, nabato ko daw yung nuno sa mata kaya nagkaroon ako ng parang sore eyes at tumagal ito ng dalawag linggo, nung ginamot ako ng albularyo ay gumaling na agad ako kinabukasan. Share mo istorya mo paps. :)
Ako papz hindi talaga ako naniniwala sa mga engkanto kasi hindi ko pa sila nakikita at kung may engkanto man bat walang kahit ni isa na nakunan sa mga cctv camera ? Maniniwala lang ako diyan kung ako mismo ang nakakita.
Title: Re: Naniniwala kaba sa mga ENGKANTO?
Post by: mrphilippine on July 17, 2018, 08:21:29 PM
Napakavisual kong tao kaya ako ay di naniniwala sa mga engkanto, duwende, kapre at iba pa dahil ito ay aking hindi pa nakikita. Kung makakita man ako o naramdaman ko man lang baka maniwala pa ako.
Title: Re: Naniniwala kaba sa mga ENGKANTO?
Post by: Power on July 18, 2018, 02:50:06 AM
hahaha.paps tagasaan ka at saan lugar mo nabato si nuno. Kasi babatuhin ko baka sa pagkakataon na yon makahilag na siya at kapag hindi tawag sa nuno na yon bobo. Akalain mo siya nakakakita sa atin pero hindi marunong humilag. Isa pa hindi naman nahahawakan ang katulad nila kaya paano siya natamaan kung spirit siya. Ibig sabihin bobo talaga ang engkanto nayon kasi hindi marunong gumamit ng power niya.
Title: Re: Naniniwala kaba sa mga ENGKANTO?
Post by: Infinite on July 18, 2018, 06:51:22 PM
Oo kabayan pero para sa akin hindi sila engkanto kundi mga fallen angels na nagrebelde sa ating Diyos.
Title: Re: Naniniwala kaba sa mga ENGKANTO?
Post by: Quantum X on July 19, 2018, 09:09:39 AM
naniniwala ako sa mga engkanto kasi Kapitbahay namin mukhang engkanto lalo na kapag pinag-uusapan ka na nila. Hehe.

Naniniwala ako sa bawat kababaglahan pero hindi ako natatakot at naniniwala na kaya nila tayong gantihan dahil nasaktan sila.