Altcoins Talks - Cryptocurrency Forum

Local => Philippines (Filipino) => Topic started by: babyjamaylianndrea on June 21, 2018, 03:19:38 AM

Title: Itaya ang pinagpagurang PERA sa CRYPTOCURRENCY or E ba-BANKO na lang? GABAY.!!!
Post by: babyjamaylianndrea on June 21, 2018, 03:19:38 AM
Traditional Currency

Noong 2008 financial crisis, nakita nating lahat ang imperpektong sistema ng banking. Ang mga central banks ng bawat bansa sa mundo ang siyang namamahala o nagre-regulate sa halaga ng kani-kanilang currencies
May ginagamit ang mga central banks para pataasin o pababain ang halaga ng kanilang currency. Alam nating hindi perpekto ang sistemang ito, pero at least, alam nating may mananagot kung inaabuso ito.


Cryptocurrencies are decentralized

Ang mga cryptocurrencies katulad ng Bitcoin ay decentralized. Ang palitan, bentahan at bilihan nito ay nagaganap sa peer to peer network.

Sa katunayan, sinasabing mas groundbreaking at innovative ang sistema ng peer to peer trading na ito, kaysa sa mga cryptocurrencies mismo, dahil sa hindi ito profit-driven. Ang teknolohiyang ito ay tinatawag na blockchain.

Lahat ng transaksyon ng mga cryptocurrencies, tulad ng Bitcoin, ay napapaloob sa isang public register – ang blockchain. Ang mga transaksyon ay pinapatunayan ng mga taong gumagamit ng system at iba pang mga computers. Lahat nang ito ay nangyayari na hindi nakikilala ang pagkatao ng mga gumagawa ng transaksyon.

Maraming industry experts ang nagbubunyi sa mga maaring mabuting gamit ng blockchain, pero patuloy naman na hati ang opinion nila sa mga cryptocurrencies.


TRY TO THINK OF IT....!!!
Mag ba-BANKO ka paba OR Cryptocurrency na..?
Title: Re: Itaya ang pinagpagurang PERA sa CRYPTOCURRENCY or E ba-BANKO na lang? GABAY.!!!
Post by: Mekong on June 21, 2018, 03:59:41 AM
Itataya ko sa CRYPTOCURRENCY kasi hindi na ito maaaring kunin ng gobyerno
Naglabas man ng payo ang SEC patungkol sa mga negosyong gumagamit ng pamumuhunan sa cryptocurrency sa Pilipinas,
hindi pa rin maaaring kunin ng gobyerno ang halaga ng cryto na mayroon ka. Bakit? Dahil pagmamay-ari mo ito.
Hindi katulad sa bangko kung saan maaaring maglabas ang gobyerno ng batas para kunin ang mga depositong hindi nakailalim sa pagseseguro. Naganap na ito sa bansang Cyprus noong 2013. Kung isa ka sa nawawalan na ng tiwala sa pag-iimpok ng pera sa bangko, malaking tulong ang cryptocurrency para sa’yo.
Title: Re: Itaya ang pinagpagurang PERA sa CRYPTOCURRENCY or E ba-BANKO na lang? GABAY.!!!
Post by: DJ_BREEN on June 21, 2018, 03:00:31 PM
Para sakin e bangko ko nalng paps kasi pwede namang kumita sa crypto na hindi naglalabas ng pera gaya na lamang ng pagsali sa mga bounty campaign.
Title: Re: Itaya ang pinagpagurang PERA sa CRYPTOCURRENCY or E ba-BANKO na lang? GABAY.!!!
Post by: Angkoolart10 on June 23, 2018, 07:12:05 AM
ako po ginagawa ko hindi ako nagbabangko ginagawa ko iniinvest ko sa real state para mas maramdaman ko ang kinikita ko. wala,kasing tubo ng malaki sa bangko
Title: Re: Itaya ang pinagpagurang PERA sa CRYPTOCURRENCY or E ba-BANKO na lang? GABAY.!!!
Post by: Nikko on June 23, 2018, 09:10:04 AM
Napaka risky kung itataya mo ang pera mo sa cryptocurrency, pwde malugi ka ng mas malaki sa maikling panahon lang dahil napaka volatile ng crypto, kaya mas mabuti kung ilalagay mo nalang aa banko ang pera mo kasi safe at komportable kapa unlike sa crypto walang kasigarodohan na kikita ka .
Title: Re: Itaya ang pinagpagurang PERA sa CRYPTOCURRENCY or E ba-BANKO na lang? GABAY.!!!
Post by: Angi44 on June 24, 2018, 08:00:28 AM
For me mas ok sa akin kung sa cryptocurrency ko nalng itaya ang pera ko kasi sa banko kahit ilang years mong nilagay ang pera mo dyan ang liit ng interes  kumpara sa crypto pag  tumaas ang value ng Bitcoin tataas din ang pinuhunan mo .ingat lang sa sasalihan mong  Project baka hindi legit pwedeng mawala ang pera mo so ingat lang sa pag invest.
Title: Re: Itaya ang pinagpagurang PERA sa CRYPTOCURRENCY or E ba-BANKO na lang? GABAY.!!!
Post by: emjay825 on June 24, 2018, 08:45:13 AM
Itataya ko sa CRYPTOCURRENCY kasi hindi na ito maaaring kunin ng gobyerno
Naglabas man ng payo ang SEC patungkol sa mga negosyong gumagamit ng pamumuhunan sa cryptocurrency sa Pilipinas,
hindi pa rin maaaring kunin ng gobyerno ang halaga ng cryto na mayroon ka. Bakit? Dahil pagmamay-ari mo ito.
Hindi katulad sa bangko kung saan maaaring maglabas ang gobyerno ng batas para kunin ang mga depositong hindi nakailalim sa pagseseguro. Naganap na ito sa bansang Cyprus noong 2013. Kung isa ka sa nawawalan na ng tiwala sa pag-iimpok ng pera sa bangko, malaking tulong ang cryptocurrency para sa’yo.


Totoo, hindi nila kukunin ang pera mo, kasi pagnanakaw iyon. Alam mo ba na sa pag-susuri ang Pilipinas ang may pinaka-maluwag na Tax System sa buong mundo, kasi madami di nag-babayad ng tax (income or whatever), kung me magbayad man maraming 'undeclared'. Sa mga western countries di pwede ang ganoon, pati nga ung pag-dura mo may tax. Sa US (buong USA) di ka makakalibre kug di ka magbabayad ng kinita mo sa Bitcoin at kahit anong crypto, sa kulungan ang bagsak mo...strikto sila pag-dating sa tax (ganun din ibang western countries) kaya di kata-taka kung bakit maunlad sila.