Altcoins Talks - Cryptocurrency Forum
Local => Philippines (Filipino) => Topic started by: rhubygold23 on June 23, 2018, 11:02:43 AM
-
Share lang po ito para sa mga nagbabalak mag mina at bumili ng marami GPUs at kung anu anu pang ang ginagamit ninyo sa pagmimina, pagisipan ninyo po nang mabuti ng maraming beses. Bakit po marami ang nagbebenta ng mga 2nd hand na GPUs? Marami na kasi ang nalugi, una dahil sa marami na nagmimina ng bitcoin at ethereum. Nagkakamerun na ng mga paghihirap sa pagmimina. Imbes na patubo ka ay palugi na. Pangalawa ay lugi kana sa pupuhunanin mo lalo na at pagkamahal ng kuryente at mura na ngayon ung mga minimina natin. Mapapa isip ka na lang na sana binili mo na lang ng bitcoin o ethereum. Isipin mabuti ang mga bawat aksyon na gagawin dahil ang pera ay hindi basta basta napupulot. Share ko lang po para sa gusto mag umpisa sa mining.