Altcoins Talks - Cryptocurrency Forum
Local => Philippines (Filipino) => Topic started by: Yette on January 05, 2024, 10:43:42 AM
-
Marami po ba sa ating mga kababayan ang nakaramdam ng hagupit ng pagbagsak ng bitcoins last few days? Nakwento kasi ng friend ng sis ko na naliquidate sya ng 400k. Saklap nman. Tulala daw siya sa pangyayari.

Anong ibig sabihin mo na nag liquidate? Meron siyang sell order at certain price so automatic na naliquidate to? At bakit naman masaklat kung nakapag benta sya ng 400k?
Hindi naman masyado bumagsak ang price ng bitcoin, from $45k-$40k tapos ngayon halos balik na naman ng $44k.
Kaya nakakapag taka na grabe ang epekto sa kanya na naging price ay $40k pero nag bounce back naman agad?
-
Opo meron syang sell order
-
Futures trading ba ito? O baka naman paper loss lang?
Kung futures trading, madami talaga ang naliquidate lalo kung hindi siya nakapag set ng stop loss at malaki ang margin niya, maliliquidate talaga siya ng malaki.
Kung sakali naman na spot lang at paper loss lang, hold lang dahil tataas ulit. If ever nagbenta naman siya dahil lang sa bumagsak ng biglaan at pinangunahan sya ng takot, malaking talo talaga yan at siguradong matutulala ka nalang.
-
Futures trading ba ito?
With the term liquidated at sa ganyan amount malaki chance na this is future trading. Napaka risky diyan pag talo, talo talaga on the other hand if profit naman tiba tiba din.
-
Futures trading ba ito?
With the term liquidated at sa ganyan amount malaki chance na this is future trading. Napaka risky diyan pag talo, talo talaga on the other hand if profit naman tiba tiba din.
Yeah at isa na ako dun sa mga di pinalad dahil nakaligtaan ko nung nakatulog ako paggising ko anlinis na ng wallet ko kasi nakafutures cross. 😅 Dapat kasi sa Isolated lang yun kaso tatanga-tanga ako kaya ayun nganga. Actually masaya sa futures trading kesa spot kaso napaka risky lang talaga lalo na eh prone sa pump and dump yung tinitrade kong coins ayon liquidated ang lahat ng funds ko. 🙄
-
Marami po ba sa ating mga kababayan ang nakaramdam ng hagupit ng pagbagsak ng bitcoins last few days? Nakwento kasi ng friend ng sis ko na naliquidate sya ng 400k. Saklap nman. Tulala daw siya sa pangyayari.
Ang sakit niyan, naka futures o margin ba siya? Kaya ako iwas na iwas talaga ako sa ganyang trade at spot lang ako para mas safe. High risk, high reward kasi yang ganyan uri ng trade at kahit na sabihin sakin na mas malaki kikitain ko diyan, ayaw ko. Slow lang pero mas safe na type ng trading ang gagawin ko. May manipulation na nangyayari kasi di ba may rumors ng approval ng bitcoin spot etf galing kay SEC na twinit ni Gensler tapos ngayon may bawi na na hack lang daw siya.
-
Futures trading ba ito?
With the term liquidated at sa ganyan amount malaki chance na this is future trading. Napaka risky diyan pag talo, talo talaga on the other hand if profit naman tiba tiba din.
Yeah at isa na ako dun sa mga di pinalad dahil nakaligtaan ko nung nakatulog ako paggising ko anlinis na ng wallet ko kasi nakafutures cross. 😅 Dapat kasi sa Isolated lang yun kaso tatanga-tanga ako kaya ayun nganga. Actually masaya sa futures trading kesa spot kaso napaka risky lang talaga lalo na eh prone sa pump and dump yung tinitrade kong coins ayon liquidated ang lahat ng funds ko. 🙄
Ayun lang. Sa ganitong futures trading dapat talaga laging mag set ng stop loss. Para kahit kagaya sa sitwasyon mo na makatulog, ok lang dahil hindi ka kakabahan na masisimot ang wallet mo. Nag trading din ako kung minsan, pero di ako naglagay ng position nung araw na yan dahil kung minsan ay magulo basahin ang galaw ni bitcoin, at ayun nga ang nangyari, kung sakali na nagposition ako ma-stoploss lang din ako.
-
Sobrang bagsak din market ngayon, mula sa $48k tapos biglang baba ng $42k after ng mga balita sa mga ETF pero paraan lang din siguro to ng mga whales para mas makabili sila ng mura at hindi na nila siguro papababain yan ng mas mababa pa sa $40k bago tuluyang lumipad yan. Madami din siguro na liquidate ngayong araw, antayin ko nalang sa balita kung magkano ang pinaka rough estimate ng mga na liquidate ngayon kasi sobrang laki ng binaba. At kahit na galing na tayo dito sa presyo na to dati, kung titignan mo yung portfolio mo, parang sobrang laking paper loss, haha.
-
Pambalubag loob sa mga nasunugan, hindi kayo nagiisa ;D
(https://i.ibb.co/P5Srhdt/Liq.jpg)
(ctto)
Bawi na lang ulit sa mga meme tokens baka sakali marami pang mag-10x o 100x ;D
Jokes aside, matutulala ka talaga kapag ganyan lalo na kung baguhan ka pa lang sa laro. Na-excite din malamang sa ETF kaya nag-long.
Okay pa din talaga mga short to medium term holding ngayong cycle para tamang invest lang kesa magbabad sa monitor kakabasa ng chart.

Grabe sobrang laki ng nasunog na pera diyan. Lagpas $1M, sobrang laki din siguro ng pondo niyan sa futures account niya. Kung sa akin nangyari yan, malamang hihimatayin na ko sa kinatatayuan ko. Kidding aside, pero kahit gaano pa kalaki ang nasunog, maliit man o malaki, mas mabuting pahinga muna, lie-low muna sa kapwa natin traders diyan, baka sakaling wala lang sa kondisyon mag-trade sa ngayon. Baka sakaling pagbalik ay kumakabig ka na ulit sa kada position sa trading.
-
Pambalubag loob sa mga nasunugan, hindi kayo nagiisa ;D
(https://i.ibb.co/P5Srhdt/Liq.jpg)
(ctto)
Bawi na lang ulit sa mga meme tokens baka sakali marami pang mag-10x o 100x ;D
Jokes aside, matutulala ka talaga kapag ganyan lalo na kung baguhan ka pa lang sa laro. Na-excite din malamang sa ETF kaya nag-long.
Okay pa din talaga mga short to medium term holding ngayong cycle para tamang invest lang kesa magbabad sa monitor kakabasa ng chart.
Ang sakit neto. Tama ka na huwag masyadong magbabad o kaya lalong lalo na huwag mag iiwan ng open positions tapos naka leverage ka. Kawawa talaga malingat ka lang saglit tapos biglang taas/baba yung price ng position mo na yun na tinetrade. Pero itong mga nasusunugan, karamihan sa mga ito ay mga sanay na pero yung mga baguhan palang na nagtatry. Okay lang din sa kanila masunugan, ang mahalaga lang sa mga magtatry, huwag kayo masyadong madamdamin dahil kahit sobrang sakit na, ay dapat tiisin. ;D